A Perfect Christmas ššāļø
- Jack Maico

- 1 day ago
- 9 min read

May mga kantang hindi mo lang basta naririnigānararamdaman mo rin. At para sa akin, si Jose Mari Chan ang may hawak ng pinaka-makapangyarihang ātime machineā sa OPM Christmas music. At kung may isang kanta niya na itinuturing kong paborito, iyon ay āA Perfect Christmas.ā
Bakit?
Kasi hindi ito tungkol sa mamahaling regalo, bonggang handaan, o makukutitap na dekorasyon. Ang laman ng kanta ay simple: ang longing, ang sincerity, at ang taos-pusong hangarin na makasama ang mga taong mahal mo tuwing Pasko. At para sa isang batang lumaki noong 90s, doon umiikot ang mundo ā sa pamilya, sa munting handaan, sa lumang TV, sa parol na gawa sa cellophane na nilagyan ng bombilyang pang-ilaw, sa regalong naka-wrap sa recycled Christmas wrapper, at sa inasam-asam na araw na magkakasama ang lahat.
Kaya halina't himayin natin ang bawat linya ng kanta. Bawat lyrics, iugnay natin sa mga Christmas memories na tumatak sa ating pagkabata.
My idea of a perfect Christmas
Is to spend it with you
In a party or dinner for two
Anywhere would do
Celebrating the yuletide season
Always lights up our lives
Simple pleasures are made special, too
When they're shared with you
Looking through some old photographs
Faces and friends, we'll always remember
Watching busy shoppers rushing about
In the cool breeze of December
Sparkling lights all over town
Children's carols in the air
By the Christmas tree
A shower of stardust on your hair
I can't think of a better Christmas
Than my wish coming true
And my wish is you'd let me spend
My whole life with you
Looking through some old photographs
Faces and friends, we'll always remember
Watching busy shoppers rushing about
In the cool breeze of December
Sparkling lights all over town
Children's carols in the air
By the Christmas tree
A shower of stardust on your hair
I can't think of a better Christmas
Than my wish coming true
And my wish is you'd let me spend
My whole life with you
My idea of a perfect Christmas
Is spending it with you
āMy idea of a perfect Christmas is to spend it with you.ā
Simpleng linya, pero tumatama diretso sa puso. Noong 90s, hindi kumpleto ang Pasko kapag hindi kumpleto ang pamilya. Kahit may tatay na OFW, nanay na uuwi pa galing trabaho, o kapatid na galing school party ā basta't dumating ang gabi ng December 24, parang magic na bigla kayong magkakasama sa iisang mesa. Yun na ang āperfect Christmas.ā In Pinoy culture, family is important specially bonding in the Christmas season. Ito ang gugustuhin mo bilang Pinoy. Dito nagkakasama sama ang pamilya, nagkakalimutan ng mga ginawang kasalanan sa bawat isa kung meron man at nagkakapatawaran sa araw mismo ng Kapaskuhan.
āIn a party or dinner for two, anywhere would doā
Hindi kailangan ng magarbong venue. Sa Pilipinas noong 90s, ang āpartyā madalas nasa sala lang ā may monoblock chairs kapag kinulang ang upuan sa sofa, isang mesa na may mantel na may Christmas theme ang design, at kung swerte, may spaghetti, lumpiang Shanghai, keso de bola at hamon na galing sa gift pack ng kumpanya ni Papa. At kung magkasama kayo kahit saan ā kahit maliit lang ang bahay basta sama-sama, Pasko na.
āCelebrating the Yuletide season always lights up my lifeā
Sa 90s, literal na ālight upā ang nangyayari ā dahil sa Christmas lights na umiilaw-ilaw pero proud na proud kang naka-display. Iba ang tanglaw ng Pasko sa mga Pilipino specially in the 90s. May kakaibang lamig ang hangin at galak na damdamin ang bawat isa sa tuwing sasapit ang Pasko.
At habang lumalaki ka, naiintindihan mong hindi ilaw ang nagpapasaya kundi yung mismong feeling ng Pasko: bakasyon, aguinaldo, reunion, mga bagong damit at laruan, ang vibe ng Simbang Gabi, at syempre, walang pasok at nakapahinga ang lahat.
āSimple pleasures are made special tooā
Ito ang Paskong Pinoy noong 90s ā simple pleasures talaga ang bumubuo sa kabuuang saya.Yung mga bagay na ngayon ay āordinaryā lang, pero noon, parang jackpot na:
Yung Fruit Salad na isang beses sa isang taon mo lang natitikman
Yung bagong T-shirt na kasama sa pamasko ng ninang
Yung jumbo hotdog sa Noche Buena na may kasama pang katusok na marshmallow
Yung Disney CD na pinapabalik-balik sa VCD player
Yung Christmas party na may bring-me, hep-hep hooray, at munting gift exchange
Di mawawala ang agawang barya pagsapit ng alas-dose
Noong 90s, maliit lang ang mundo, pero ang kaligayahan malaki. At kahit simple, nagiging espesyal⦠dahil Pasko.
āWhen theyāre shared with youā
Ang sikreto ng mga alaala ng Paskong 90s? Kasama mo sila. Pamilya mo. Kaibigan mo. GF or BF mo. Mga pinsan mong kabonding buong Christmas vacation. Kahit simpleng pagkain ng chocnut, pagbukas ng pulang sobre na may 20 pesos, o panonood ng fireworks sa kalye ā nagiging hindi malilimutan dahil may kasama kang tumawa, kumain, at maghintay ng Pasko.
Noong 90s, hindi mo pa alam ang salitang āquality time,ā pero araw-araw mo itong nararanasan. Ang saya ay hindi dahil bongga ang Pasko ākundi dahil may taong kakapitan, tatawanan, makakasama at makakausap.
āLooking through some old photographsā
Ito ang isa sa pinakanostalgic na linya ng kantaāparang biglang bumubukas ang isang photo album na amoy lumang papel. Noong 90s, wala pang social media. Ang mga alaala, hindi naka-upload. Naka-develop sa film. Napakamahal noon ang magpa-develop ng pictures at mahal din ang film. Kung masinop ka malamang naka-save lahat ng photos sa isang picture album and you'll be happy to take a look back at those photos kung nais mong makaramdam ng nostalgia o di kaya ay bigla na lang papatak ang luha ng hindi mo alam dahil sa mga pictures na yun may isa, dalawa o tatlo dun na hindi niyo na makakasama pa sa Pasko.
At kapag nagsimula ka nang tumingin sa mga lumang larawan:
Yung family picture sa harap ng Christmas tree at kumukuti-kutitap na Christmas lights sa background ng bintana.
Yung group photos ng magkakapitbahay na nakapila sa harap ng sari-sari store
Yung larawan ninyong magkakaklase noong Christmas party, hawak ang munting regalo mula sa exchange gift
Yung shot na medyo blurred dahil galaw ang camera ng tito mong laging photographer
Bigla mong mararamdaman na ibang klaseng saya ang dala ng lumang litrato ā hindi dahil perfect ang kuha, kundi dahil tunay ang moment.
āFaces and friends, weāll always rememberā
Sa bawat lumang litrato, may mga mukhang nagsasabing: āGanito tayo dati. Ganito kasaya ang Pasko, Sana ganito ulit." Yung mga friends mo noong 90s ā mga kalaro sa kalye, mga ka-church sa Simbang Gabi, mga kalaro na nagkakaroling at sabay-sabay nagpasalamat dahil nabigyan kayo ng instant barya sa pangangaroling, āThank You, Thank You, Ang Babait Ninyo, Thank you!"
At kahit nagbago na ang lahat ā nag-iba na ang syudad, nagkalayo-layo na kayo ā dala ng litratong iyon ang tanong na:
āGrabe, paano tayo naging ganun kasaya nang ganoon kasimple?ā
At doon mo marerealize na totoo ang sinasabi ng kanta: may mga taong kahit hindi mo na nakakasama, hindi mo malilimutan.
āWatching busy shoppers rushing aboutā
Ito ang eksenang quintessentially Pinoy tuwing 90s Christmasāang mall na punĆ“ ng tao pero punong-puno rin ng saya. Kapag December, parang lahat ng tao nagmamadali: si Mama na may listahan ng exchange gifts, si Papa na naghahanap ng sale sa appliance store, mga batang nakapila sa Gift Gate para tumingin ng Sanrio, Hello Kitty stuff toys at kung anu-ano pang 90s things, mga tita sa Divisoria habang lumalaban sa dagsa ng tao para makabili ng murang regalo, at mga shoppers na may bitbit na SM, Rustanās, o Shoemart plastic bags. Sa 90s, ang pagmasdan ang mga taong abalang-abala sa mall ay parang bahagi na ng Christmas tradition. At habang nakaupo ka sa bench, kumakain ng hotdog on stick o ice scramble, mapapaisip ka: āGanito pala talaga ang Paskoāmasikip, magulo, pero masaya.ā
āIn the cool breeze of Decemberā
Sa Pilipinas, bihira ang ācool breeze,ā pero tuwing December may kakaibang lamig na dumaratingāhindi yung lamig ng aircon kundi yung lamig ng tunay na Paskong Pinoy. Noong 90s, naka-jacket ka kahit hindi naman talaga kailangan, naka-bonnet ang mga bata kahit nasa Pilipinas lang, at ramdam mong malamig ang umaga tuwing aattend ka ng misa sa Simbang Gabi. Pagdating ng gabi, may simoy ng hangin na amoy usok ng hamon, puto bumbong, at kapitbahay na nagsaāsoundtrip ng Silent Night. Sa simpleng pag-ihip ng hangin, bigla mong nararamdaman ang halo-halong excitement, lungkot, saya, at pag-asa. Parang sinasabi ng December breeze, āAndito na ulit ang Pasko. At may mga alaala na naman tayong mabubuo.ā
āSparkling lights all over townā
Sa Pinas noong 90s, ibang klase ang saya kapag nagsimula nang magliwanag ang buong bayan. Kahit hindi sosyal ang dekorasyon, basta kumukutitap ā Pasko na. Makikita mo ang Christmas lights na paulit-ulit lang ang blink mode, minsan naka-short pa, pero ang saya pa ring panoorin. Ang mga poste ng kalsada may parol na gawa sa capiz, ang mga bahay naka-display ang parol na may Christmas bulbs sa loob, at ang mga tindahan may makukulay na dekorasyon kahit stencil lang ng Santa na dinikit ng masking tape. Kahit simpleng ilaw lang, parang buong mundo mo nagliwanag ā at bilang batang 90s, doon mo naramdaman ang unang bugso ng excitement ng Pasko.
āChildrenās carols in the airā
At siyempre, kasabay ng mga ilaw ang tunog ng pangangaroling. Noong 90s, literal na may āchildrenās carols in the airā dahil gabi-gabi, may dumaraan na grupo ng bata-batang may dalang tansan na nakapulupot sa alambre, ginawang tambourine. May improvised drums na gawa sa lata ng biscuits o lata ng Nido. Kakanta sila ng āSa maybahay ang aming batiā o āAng Pasko ay Sumapit,ā sabay katok sa gate ninyo. At kapag binigyan mo sila ng barya, yung saya nila parang nanalo sa raffle. Ang simpleng tunog ng mga batang nangangaroling ā minsan sintunado, minsan sabog ang ritmo ā ay naging tunog ng Paskong Pilipino na hindi mo makakalimutan.
"By the Christmas tree"
Noong 90s, ang Christmas tree ang sentro ng buong bahay ā yung common na green Christmas tree sabay sasabitan ng mga Christmas ornaments at malaking star sa tuktok ng Christmas tree with pinalibutan na Christmas lights yan ang Christmas tree ng mga Pinoy. Minsan nakaipit pa ang mga Christmas balls na natanggal ang hook kaya tinatali ng sinulid. Ang star sa tuktok, minsan luma na, pero mahalaga pa rin kasi iyon ang grand finale ng Christmas setup. Sa tabi ng Christmas tree ginagawa ang halos lahat ng holiday moments: family picture, pagbubukas ng regalo, taguan ng surprises, at minsan, tambayan mo lang habang iniikot mo ang Christmas lights na feeling mo ikaw ang nag-install sa COD department store window display. Sa simpleng pagtayo sa tabi ng puno, ramdam mo na agad: āPasko na talaga.ā Nakapaligid na rin sa ilalim ng Christmas tree ang maraming regalong iba't-ibang kulay at disenyo ang wrapper.
āA shower of stardust on your hairā
Ito yung poetic na paraan ng pagsabi na ang lahat ay mas maganda, mas magical, kapag Pasko. Noong 90s, literal minsan nagkakaroon ka ng āstardustāāyung mga kumikinang na glitters galing sa lumang Christmas decorations, o yung mga natanggal na kinis-kintab sa parol at napunta sa buhok mo. Pero higit doon, ito yung glow na dala ng ilaw ng Christmas tree, tumatama sa buhok ng isang tao habang nakangiti silang nagbubukas ng regalo, tumatawa kasama ang pamilya, o naglalaro sa sala. Sa sandaling iyon, parang lahat kayo nasa ilalim ng munting Milky Way ng Christmas lightsāat ang simpleng glow na iyon ay nagiging alaala na dadalhin mo habang-buhay. Sa 90s, hindi kailangan ng filter, lighting setup, o DSLR. Basta Christmas tree lights lang at masayang Pasko, magical na ang mundo.
āWatching busy shoppers rushing about / In the cool breeze of Decemberā
Noong 90s, isa sa pinakamasarap pagmasdan tuwing Pasko ang mga taong nagmamadali sa mallālahat may bitbit, may listahan, may hinahanap. Kita mo si Mama na may papel na puno ng pangalan para sa exchange gifts, si Papa na sumisilip sa appliance section baka may sale sa karaoke o electric fan, Habang naglalakad ka sa loob ng mall o nakaupo sa bench, mararamdaman mo ang malamig-lamig na simoy ng Decemberāhindi man snow, pero sapat para maramdaman mong espesyal ang panahon. Sa bawat hagod ng hanging iyon, kasabay ng ingay ng mga taong nag-uunahan sa cashier, bigla mong naiisip na ganito talaga ang Pasko sa Pilipinas: magulo, matao, maingay, pero puno ng buhay, kulay, at hindi mapantayang saya. Tanda ko pa noon tatlong araw bago mag Pasko ay isinama ako ni nanay na mag-grocery sa Uniwide Sales sa Paranaque napakanostalgic nun kasi ngayon wala na yung Uniwide sales mga bandang 1993 or 1994 yun eh then habang naglalakad lakad kami sa mga hallway ng bawat grocery products ang himig ng malakas na tugtog sa loob ng grocery store ay yung "Sleigh ride" ng Boston Pops. Bilang musmos, napakasaya ng puso ko noon.
Sa bawat linya ng āA Perfect Christmas,ā buhay na buhay ang Paskong Pilipinoāsimple, masaya, at puno ng pagmamahal.
Ito ang dahilan kung bakit ito ang paborito kong OPM Christmas song: hindi lang ito kanta, kundi alaala ā alaala ng Paskong puno ng family bonding, keso de bola, hamon, fireworks, tawa, at mga taong nagbibigay ng tunay na kahulugan sa salitang Pasko.
Kung may kanta mang nakakabalik sa pinakamasayang panahon ng ating kabataan, ito yun. At sa bawat December, muling bumabalik ang boses ni Jose Mari Chan para sabihing:
āMy idea of a perfect Christmas is to spend it with you.ā šāØ










Comments