Betamax/VHS Rentals in the '90s and the Reign of Video City
- Jack Maico
- 1 hour ago
- 5 min read

Noong dekada nobenta, bago pa sumikat ang streaming at bago pa nauuso ang pirated DVDs, ang panonood ng pelikula sa bahay ay nangangahulugang pagpunta sa video rental store. At sa buong Pilipinas, iisang pangalan ang halos naging kasingkahulugan ng VHS rentals—Video City. Ito ang “Netflix” ng 90s Pinoy households. Mula Luzon hanggang Mindanao, halos bawat kanto o mall may branch ang Video City, kaya ito ang naging pinaka-accessible at pinaka-popular na video rental sa bansa.
Bukod sa reign ng Video City ay mayroon din maliliit na shop na nag ooperate as video rentals, isa na dito ay yung kapitbahay namin sa San Andres Bukid exactly at my childhood street sa Tuazon. Every Saturday ay nagrerenta kami ng mga video tapes. Just one step away from our doorway and I still remember Unique, siya yung kababata ko na naging tao dun sa video rental shop. Ang membership ay bente pesos lang at nakalagay ang aming mga pangalan sa index cards. Dito ako nakakapanood ng maraming episode ng wrestling lalo na yung mga pay-per-view like Wrestlemania, Royal Rumble at kung anu-ano pang WWE stuffs. Actually WWF bago naging WWE. Yung kasikatan pa nila Giant Gonzalez, Hulk Hogan, Jake "The Snake" Roberts at marami pang iba.
Pag uwi sa bahay ay nagmamadali na akong umakyat sa kwarto. Pagpasok sa kwarto ay BAM! Lock agad ng kwarto. Ay sandale. Bukas ulit ng kwarto. Punta sa banyo, kuha ng lotion para makinis ang balat at hindi nagda-dry. O ha! Dadalhin ko ang lotion sa kwarto ulit para dun magpakinis ng balat. Ayan. Lock na ulit. And then, isasalang na ang bala. Ayan, nakatitig na ako sa TV. Siyempre pag maganda na ang eksena ay…
Tok! Tok! Tok!
Puta pindot agad ng “pause”
“Sandale! Ayan na bubuksan na nga eh!”
Sira ang session.
Buti na lang may rewinder kami.
Betamax at VHS player, sa sobrang sikat nito dati eh dito kinuha ang tawag sa inihaw na dugo. Siyempre common sense kung bakit betamax ang tinawag. Ito ang naglibang at nagpasaya sa’tin sa kanya-kanyang bahay.
Isa ‘tong rectangle na may mahabang film sa loob. May sticker na papel sa isang gilid para dun ilagay ang title ng pelikula. Kung sa mga maaayos na rentahan ka umarkila eh naka-typewriter ang sulat ng title nito pero kung sa pipitsuging rentahan ka eh sinulat lang ng may-ari gamit ang ballpen ang title.
Nanghihiram kami palagi ng utol ko sa kabilang street ng mga betamax tapes kung sarado sila Unique. May rentahan din kasi doon eh. Bahay lang siya na nilagyan ng bookshelves ang isang kwarto para lagayan ng mga betamax at tadaaan!!! Isang video rental na siya. Ang nagbabantay eh si Mang Efren, ang lolo nilang naiinip sa bahay. Walang bayad ang membership dun. Basta humiram ka sa kanya eh automatic member ka na.


Siyempre dumating rin ang VHS, ang upgraded version ng betamax. Ang DVD ng VCD. Mas marami kang malalagay na pelikula. Tatlo ata kasya dito eh. Pero ang pinaka-magandang lamang ng VHS sa betamax eh ang rewinder! Ewan ko lang ha pero ang alam ko eh walang rewinder ang betamax. Sa mismong betamax player mo siya i-rerewind at ang bagal ng prosesong yun. Yung iba naman sa ACA Video pumuounta. Kasabayan din ito ng Video City noon pero mas sikat ang Video City lalo na ay marami silang branch.
Meron pang isa yung RA Homevision. llan ba ang branches ng RA Homevision? Nag-iisa lang ba ‘to sa buong Pilipinas?
(Kinain ng VHS player ang bala):
“Tok tok tok!”
“Sandali pooooo!”
“Ang tagal naman, paki buksan nga ‘to.”
“Anjan na poooo!”
“O bakit wala ‘yung VHS player dito?!”
Video Home Service o VHS. Hindi ko alam kung bakit kelangang mag-evolve ng betamax into a VHS. Pinalaking cassette tape ang betamax. Pinalaking betamax ang VHS. Bakit ba mas malaki? Para mas maraming mailagay?
Sa loob ng mga video rental shops tulad ng Video City, may iba’t ibang genres section ang mga VHS tapes. May Action section kung saan makikita ang mga pelikula nina Sylvester Stallone, Arnold Schwarzenegger, at Fernando Poe Jr. Sa Romance section, nariyan ang mga Tagalog films nina Aga Muhlach, Lea Salonga, at Sharon Cuneta. Meron ding Comedy, Horror, at ang sikat na Children’s/Cartoons section para sa mga batang gustong manood ng Care Bears, Voltes V, o Looney Tunes. May special section din minsan para sa New Releases, at kung suki ka talaga, kabisado mo na kung kailan ang labas ng bagong tapes.
Paano nga ba mag-rent ng VHS noon? Una, kailangan mong maging member. Mag-fill up ka ng application form, magdala ng valid ID (kadalasan cedula pa nga!), at may kaunting membership fee. Kapag member ka na, puwede ka nang pumili ng pelikula. Ipapakita mo ang empty VHS case sa counter, at kukunin ng staff ang mismong tape sa storage. Ang usual rental period ay overnight or 3 days, depende kung bagong release o regular title. Babalikan mo ito sa due date para i-return—at naku, may penalty kapag late or kapag "be kind, rewind" rule ay hindi mo sinunod!
Ang VHS rental culture sa Pilipinas ay isang malaking bahagi ng 90s childhood at family bonding. Isang buong gabi ng movie marathon, may chichirya, electric fan, at minsan VHS player na kailangang hampasin para gumana. Ngayon, lahat nasa click na lang sa remote—but those who lived through the Video City days know na may magic sa pagpila, pagpili, at paghiram ng pelikula. That magic is something digital convenience can never fully replace.
Video City was not just a rental shop — it was a cultural phenomenon, a rite of passage for every Filipino who dreamed of bringing home the latest blockbuster or discovering a hidden gem on the shelves. Video City had something for everyone, and its loyal patrons knew it.
Slowly but surely, Video City faded from the spotlight. Perfect comparisons sila ng CDR King na bigla na lang nawala. Dahil na rin sa pagtaas ng piracy sa Pilipinas at pag-evolve na naman ng teknolohiya from Betamax/VHS tapes ay nauso naman ang CD and DVS's at ang VCD players or Video Compact Disc. Illegal downloads and bootleg DVDs flooded the market, undercutting legitimate rental businesses. The decline was inevitable, a casualty of changing consumer habits and the relentless march of technological progress.
Ngayon ang Video City ay nagmimistulang memorya na lang ng nakaraan na pinahahalagahan ng mga taong masayang naaalala ang kilig sa pag-renta ng mga pelikula tuwing Biyernes ng gabi o ang kasabikan ng pagtuklas ng bagong paboritong pelikula. Ang legacy ng Video City ay nabubuhay sa puso ng mga dating parokyano nito, na naaalala ang pag-asam ng pagbabalik-tanaw sa mga cover ng pelikula at ang kasiyahan sa paghahanap ng pelikulang patok sa takilya para sa isang movie marathon.
Comentarios