top of page
Search

Paglalakbay sa Mundo ni Xerex Xaviera

  • Writer: Jack Maico
    Jack Maico
  • 4 days ago
  • 5 min read

Isa ka rin bang avid-reader sa mundo ni Xerex Xaviera?
Isa ka rin bang avid-reader sa mundo ni Xerex Xaviera?

Dear Xerex,


Bago ang lahat ay nais ko munang kumustahin kayo at ang inyong mga kasamahan sa pahayagang Abante at Tonite.


Naks, akala mo talaga may maikwekwentong makamundong istorya. Siyempre joke lang.


Si Xerex Xaviera ay isang pen name na ginamit ng manunulat ng mga sensual at erotic stories na inilathala sa Abante, isang tabloid newspaper sa Pilipinas, noong 1980s hanggang 2000s. Ang kanyang column na "Xerex" ay naging sikat at kontrobersyal dahil sa mga malalaswang kwento at confessions mula umano sa mga mambabasa. Ang mga kwento rito ay kadalasang umiikot sa s3x, forbidden relationships, at iba pang adult themes.


​Ang kolum na "Xerex Xaviera" sa Abante Tonite ay isa sa mga pinakatanyag na seksyon ng tabloid noong dekada 1990 hanggang unang bahagi ng 2000. Ito ay nagsimula noong Hulyo 1988 bilang isang sekswal na payo sa mga mambabasa, ngunit kalaunan ay naging plataporma ng mga kuwentong may temang erotiko at pantasya, na kadalasang ipinapadala ng mga mambabasa mismo. Ang pangalan nitong "Xerex Xaviera" ay hango sa pangalan ng kilalang Dutch-American na manunulat na si Xaviera Hollander, na kilala sa kanyang aklat na "The Happy Hooker" .​


Ang column ni Xerex Xaviera ay naging paborito ng maraming mambabasa, lalo na ng mga naghahanap ng sensasyon at adult content sa murang babasahin. Nagbigay ito ng entertainment at taboo appeal, at naging usap-usapan sa iba’t ibang klase ng tao—mula sa mga ordinaryong manggagawa hanggang sa mga estudyante.

Ang tabloid na Abante Tonite kung saan naroon ang Xerex column
Ang tabloid na Abante Tonite kung saan naroon ang Xerex column

Ang pangalan ni Xerex Xaviera ay naging iconic, na parang naging simbolo ng mga kwentong para sa mga adult readers. Dahil sa kasikatan ng column, nagkaroon pa ito ng pelikula noong 2003, ang "Xerex", na pinagbidahan ni Aubrey Miles, na nagpakita ng tatlong kwento mula sa mga sinasabing sulat ng mga mambabasa. Noong 90's, simple lang ang buhay namin. Ang Internet? wala pa sa mga kabahayan. Ang chat? Sa payphone. Ang Tiktok? Sumasayaw ka lang mag-isa sa sala ng Macarena kaya'y Aringkingkingking, walang audience kundi ang nakasimangot mong nanay.


Pero kung gusto mo ng "mainit-init na kuwento," isang lugar lang ang takbuhan ng mga kalalakihan, kababaihan, at mga bagets na ngayon pa lang pinag-aaralan ang Reproductive system sa kanilang subject na Science, ang mga bagets na curious: XEREX XAVIERA section ng Abante Tonite na diyaryong tabloid.


Oo, mga brad, kung 90s kid ka, malamang naging bahagi ka rin ng sagradong ritwal na 'yan - ang pagbili ng diyaryo (kunwa-kunrarian lang news ang habol), pero ang totoo, tuwid na tuwid ang tingin mo sa seksyon na may pamagat na nagpapakaba ng dibdib: Ang Xerex.


Bilang isang inosente (daw) na high schooler, una kong nalaman ang tungkol kay Xerex dahil sa mas nakakatandang pinsan ko. Isang hapon, nadatnan ko si Mark sa kwarto niya, nakahiga, seryosong nagbabasa. Akala ko naman, eh nagre-review ng math. Aba, paglapit ko, nakita ko:


Sa ganitong kainitan nagtaka ako kung bakit siya nakakumot eh ang init-init. Hindi ko alam kung nilalagnat ang damuho pero biglang balikwas nang pagpasok ko ng kwarto. Ah, putangina nakita ko yung diyaryo, Abante Tonite. Alam ko na. Lumabas na lang muna ako ng kuwarto at hinayaan ko na lang ang walang-hiya.


Color Me Badd - I Wanna Sex You Up

Hindi madali ang maging Xerex reader. Una, dapat marunong ka ng stealth mode. Dapat pag binabasa mo 'yung Abante Tonite:


  • Nakasilip lang ang isang mata.

  • Nakatago sa loob ng Math notebook.

  • Ready kang ibalibag sa sahig pag biglang dumating si Mama.



Ang pinaka-the best dito, lahat ng kuwento ay sinasabing "totoong nangyari" kahit alam mo naman sa puso mong parang telenobela sa init at sa kabaliwan ng mga eksenang mababasa mo.


Ang mga common types:


  • Yaya at Amo

  • Tennis player at trainer

  • Boss at sexretary este secretary

  • Biyenan at manugang (medyo sketchy pero nasa listahan)

  • Kaibigan ng kaibigan na 'accidentally' nalasing

  • Nakajackpot kay crush

  • Pizza delivery boy at ang seksing nagpadeliver na naghahanap ng (ano)

  • Napaswerte kay blondie

  • Parang nagbabagang pelikula ni Rosanna Roces pero sa papel.


Honestly, huwag nating i-underestimate si Xerex. Sa panahon na walang Sex Education sa paaralan (at ang tanging lecture mo tungkol dito ay awkward science teacher mo na hindi makatingin sa klase), si Xerex Xaviera ang nagbigay sa amin ng praktikal na aral:


  1. Ano ang "romansa"?


  1. Ano ang kahalagahan ng "foreplay"? (Batok is life)


  1. Bakit importante ang "consent"? (Kahit minsan questionable 'yung ibang stories lol)


  1. At syempre, paano magtago ng ebidensya — never leave lipstick marks at mga kalmot sa dibdib.


Hindi ko alam kung proud ako o nahihiya, pero marami sa amin noon, nagkaroon ng unrealistic expectations dahil sa Xerex.


Akala namin, pag nagtrabaho ka sa opisina, laging may mainit na encounter sa photocopy room.

Reality: Hindi pa nagwo-work, na-photocopy na yung mukha mo sa HR dahil late ka.


𝐍𝐚𝐬𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚 𝐬𝐢 𝐗𝐞𝐫𝐞𝐱 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧?


Noong 2004, itinigil ng Abante ang paglalathala ng kolum na ito bilang bahagi ng kanilang pagbabago tungo sa pagiging isang "all-family" na pahayagan. Ito ay nangangahulugang nais ng pahayagan na maging mas angkop sa lahat ng miyembro ng pamilya, kaya't tinanggal nila ang mga seksyon na may maseselang nilalaman tulad ng "Xerex Xaviera" .​


Ngayong 2020s, andaming alternatives: may mga podcast, may mga spicy fanfiction, may TikTok thirst traps, may Instagram thirst trap videos, video-chat apps at marami pang iba.


𝐏𝐞𝐫𝐨 𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚 𝐫𝐢𝐧 𝐬𝐢 𝐗𝐞𝐫𝐞𝐱.


Ang kolum na "Xerex Xaviera" ay isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Abante Tonite, na nagbigay ng kakaibang anyo ng panitikan at aliw sa mga mambabasa. Bagaman ito ay itinigil na noong 2004, nananatili itong bahagi ng alaala ng mga mambabasa na tumangkilik dito. Sa kasalukuyan, wala nang bagong publikasyon ng kolum na ito, ngunit ang impluwensya nito sa kulturang popular at panitikan sa Pilipinas ay patuloy na kinikilala.


Ang pagsusulat niya, simpleng salita, simpleng kuwento, pero damang-dama mo ang init na pupukaw sa makamundo mong kamalayan.


Parang adobo — hindi mo kailangan ng complicated ingredients para sumarap.Kailangan mo lang ng tamang timpla... at konting kilig.


Maraming salamat, Xerex Xaviera, sa pagtuturo sa amin ng kalokohan, kabastusan, at kaunting kaalaman... lahat sa iisang column.


Bagaman wala na ang kolum sa kasalukuyang edisyon ng Abante Tonite, nananatili ang impluwensya nito sa kulturang popular ng Pilipinas. May mga kolektor pa rin ng mga lumang isyu ng "Xerex Xaviera Illustrated Komiks," at paminsan-minsan ay lumilitaw ang mga ito sa mga online na pamilihan tulad ng Carousell.​


Kung babalikan ko, baka hindi naman siya ang best guide sa buhay, pero sure akong... siya ang unang nagturo sa amin na, minsan, masarap din ang matuto sa sariling paraan. 😜 Paraan na ikaw lang ang nakakaalam pero pinagdaraanan ng lahat ng binatilyo. Ewan ko lang sa mga kababaihan.

 
 
 

Yorumlar


Join my mailing list

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page