top of page
Search

Shout of the Century: Si Mamang Kundoktor ng Bus

  • Writer: Jack Maico
    Jack Maico
  • 2 days ago
  • 6 min read

Klasik na klasik sa pandinig ko yung, "Aaaaaahhhhhlabanglabanglabang!"
Klasik na klasik sa pandinig ko yung, "Aaaaaahhhhhlabanglabanglabang!"

Ilang taon kayo pinayagan bumiyahe mag-isa? Natuto ako maging independent sumakay ng transportation around 12 or 13 years old. Sa jeep, tricycle, sidecar, LRT stations at kung anu-ano pa pero first time ko maka-biyahe sa BUS na mag commute ay yung mga panahon na lumipat na kami ng bahay mula San Andres Bukid hanggang Multinational Village, Paranaque at dito ko unang naranasan ang lahat ng hirap sa pagcocommute. Dito ko rin unang naranasan ang sumabit sa jeep noong patapos na ang dekada nobenta around 1997-1998. Ang hirap din pala sumabit sa jeep lalo na kapag pe-preno si mamang tsuper talaga nga namang tatama yung labi ko sa bubungan ng jeep ayun sapul para akong sinapak.


Balik tayo sa bus, ito na nga ata ang pinaka comfortable na means of commuting para sa akin lalo na kung ang bus ay aircon. Sa bus ko naranasan ang pagcommute sa malalayong lugar lalo na nung pagka-graduate ko ng kolehiyo para maghanap ng trabaho sa kung saan-saang sulok ng Maynila. Sa bus ka makakapag-inat ng maayos kapag wala pang masyadong pasahero, sa bus ka makakapag-isip ng mabuti, makapanood ng palabas kung may TV ang bus at makakapakinig ng musika gamit ang Walkman.


At dahil na-intro ko na ang bus sa blog post na ito ang gusto kong pag-usapan ay ang mga kundoktor ng bus. Dito sa Cavite naranasan ko rin ang mag-apply sa Epza at ang pinakamagandang sinasakyan ko sa pagcocommute ay yung tinatawag namin dito na "Baby bus", from the word baby, maliit siyang bus, hindi siya airconditioned, yari sa kahoy ang mga upuan at bintana at ang disenyo ng katawan ng bus ay makukulay na parang sa jeepney. May konduktor din ang bus na ito, minsan wala. Kapag bababa ka na puwedeng may pindutin ka na button sa kada bintana ng bus para tumigil kung papara ka. Doon ka lang magbabayad sa driver kapag bababa ka na. Kung may kundoktor naman:


Pagkahampas ng piso sa bakal na hawakan...


“Ting! Ah kilos diyan, kilos diyan o!”


Baby bus in Cavite (Cavite City-Kawit-Noveleta-Rosario-Tanza-Naic-Maragondon-Ternate route)
Baby bus in Cavite (Cavite City-Kawit-Noveleta-Rosario-Tanza-Naic-Maragondon-Ternate route)

Ang sarap pakinggan niyan sa umaga. ‘Yan ang boses ng isang kunduktor ng bus. Bagama’t kunduktor pa din siya ay maituturing siyang “iba” sa ibang kunduktor (parang anlabo nung sinabi ko ah).


Anyway, hindi biro maging isang kunduktor ng bus. Tuwing sumasakay ako sa mga baby bus papuntang Rosario, Cavite eh samu’t saring skills ang makikita sa mga kunduktor na ito. Sa mga kunduktor, sila ang may pinakamagaling na balancing skills. Kahit gumewang-gewang pa ang mga bus sa kahabaan ng Antero Soriano Highway ay diretsong diretso pa din ang lakad ng mga kunduktor ng bus.


Kapag sa Maynila naman ang biyahe favorite din nilang gawin ang hintayin kang makatulog sabay ‘pag nakatulog ka na ay dun ka sisingilin. “San kayo?” Habang pinipintahan na ng kanyang rubber thumb ang mga tiket na babayaran mo. Pagkapunit ng tiket ay ilalabas na niya ang kanyang mahiwagang pambutas na hanggang ngayon ay pangarap ko pa ding magkaroon. Napakasarap pakinggan ng pambutas na ito. Para siyang puncher na iisa lang ang butas at napakalutong ng tunog na ito habang pumipili siya ng mga bubutasing kahon sa tiket.


Unang kita mo pa lang sa konduktor, may matambok na belt bag na yan sa kanyang bewang— ‘yun ang panukli bank. Sa kabilang kamay, may wallet na puno ng tiket na parang inihulog mula sa langit. Sa kabilang balikat, may nakasabit na panyo, panangga sa pawis.


Habang sumisigaw ng “Oh Cubao! Cubao d’yan!” sa tonong pang-international voice-over artist, bigla siyang lulundag papunta sa likod para maningil, sabay tanong ng:


"Sa’n ho kayo?”


“Ortigas po.”


Instant ticket. Sukli? Saktong-sakto. Parang may cash register sa utak!


Uniporme ng paborito kong kunduktor sa Cubao:


1. White polo na hindi masyadong malinis; may dungis dungis ng grasa at pawis.


2. Bandana sa Ulo


3. Beltbag – Dito nakatago ang napakadaming coins at isang pakete ng Juicy Fruit (for times like these…ay teka, sa dyip yun eh! Dalawang kano na nag-alok ng juicy fruit sa drayber na stressed out dahil nahuli siya ng parak).


4. Kapag walang beltbag, gagamitin ang bandana sa ulo, ibubuhol sa bewang at tadaan! Instant beltbag! Tumutunog-tunog at kumakalansing pa ang mga barya!


5. Slacks ‘pag M-W-F; Paddocks Jeans ‘pag T-Th-S


6. Siyempre pa, hindi makukumpleto ang uniporme niya kung hindi siya naka-tsinelas. Kitang kita ang mala-luyang paa na sa tingin ko’y sikreto nila para makabalanse nang ganun kagaling.


Slapshock - Sakay

Kapag tanghali at wala masyadong pasahero ay tiyak na makikita mo ang kunduktor ng bus na nakikipagkwentuhan sa harap – oo, kay manong drayber. Hawak ng drayber ang mala-palangganang manibela, nakangiti habang nagpapatawa si kunduktor. Titigil sa harap ng SM Annex ang bus at ayan na. Balik na sa trabaho. Bababa na ang kunduktor at siya na din ang magiging barker. Wala siyang paki kung maling bus ang masakyan niyo. Basta ang mahalaga ay pasok lang nang pasok ang mga tao sa bus niya. Minsan si mamang kundoktor ay nakikipag-ututang dila din yan sa mga vendor ng yosi, candy at mani. Kapag mayroong pa-ending si yosi vendor sisigaw si mamang kundoktor ng "taya ko 6-8 ha, reserve mo na, maya ko bayaran, pag-ikot!"


Mamang vendor: "Sige lagay ko na pangalan mo sa tatayaan mo, Boyong! Mamaya ha."


Kunduktor: “Ah Cubao Cubao! Cubao diyan o!”


Pasaherong pasakay pa lang: “Manong, Novaliches?”


Kunduktor: “Sige sakay na! Aah Cubao Cubao Cubao!


Hahaha! Ako lang ba natawa dun?


"O maluwag pa. Maluwag na maluwag pa! Maluwag pa para sa tayuan!” Tanginang ‘yan, lokohan e. Pero ni minsan e hindi ako napikon sa dialog na ‘yan ni manong konduktor. Ang importante e magsiksikan kayong lahat sa bus at bahala na sa singilan. “O wala na?!“ Ting ting ting ting ting! (katok ng barya sa bakal)


Masipag talaga si manong konduktor. Sa bawat lugar na may kumpulan ng tao e magtatawag ‘yan, kita pa ang tiyan dahil sa bitin na unipormeng kulay puti. Kabisado niya kung magkano ang bayad sa bawat lugar na pupuntahan. Magaling siyang magtupi ng mga tig-be-beinte pesos at alam niya kung saan nakapwesto ang tiket na pupunitin. Magagawa niya lahat ‘yun nang hindi nakahawak sa hand rails basta naka-sandal lang ng kaunti sa corner ng upuan ng bus kaya niya ang multi-tasking. Kapag may nahulog na barya sa kamay niya para wala nang na yuyuko yan ng hindi matitinag. Parang ang sarap maging trabaho ‘to a.


Una ko siyang nakilala sa Metrobus, parati kasi kaming sumasakay ni nanay rito. Hindi pa uso noon ‘yung isa-isang tinatanong ang mga pasahero kung may tiket na. Mas matitindi ang memorya ng mga konduktor noong araw at alam nila kung sino ang mga bayad na at hindi pa. Kilala niya rin ang mga bagong sakay pa lang. Kahit sa bandang likod na pintuan ng isang masikip na bus ka pumasok ay bigla kang pupuntahan ni manong konduktor na galing sa bandang harapan. Kung hindi ka naman pamilyar sa lugar na pupuntahan mo e alam na alam ni manong konduktor ‘yan with matching hand signs pa.


Habang binabaybay ang EDSA...


"Kuya, anong sakay papuntang EDSA Shangri-La?”


“Bumaba ka sa Mega, tapos lakad ka ng konti, may footbridge, akyat ka—basta may Jollibee sa kaliwa, ‘wag kang pumasok diyan, may jeep diyan papuntang Crossing, ‘yun ang sakay mo.”**


Literal na street-smart. Kumakain ng mapa sa almusal.


Pucha, alam ang detalye e!


Magagaling talaga sila sa direksyon. Naisip ko nga dati na karamihan sa mga Taxi drayber e dating mga konduktor ng bus e.


Bus na pa-southbound:


Konduktor: "Aaaaaahhhhhlabanglabanglabang!"


Ang konduktor, kaya mong sundan sa pelikula pero hindi sa real life. Sa loob ng masikip, mausok, at madalas ay siksikang bus, nakakapag-zigzag siya na parang ninja. May mga pagkakataong nagkukwentuhan pa ang pasahero.


Ang konduktor ng bus ay hindi lang tagasingil. Isa siyang navigator, accountant, stuntman, stand-up comedian, at minsan, marites din ng kalsada. (“‘Yung traffic sa may Buendia, grabe! May nag-panuntukan kasi diyan sa harap ng terminal!”)


Sa susunod na sumakay ka ng bus, ‘wag mong maliitin si kuya konduktor. Siya ang hari ng biyahe, tagapangalaga ng sukli, tagapamahala ng direksyon, at tagapagsiguro na kahit siksikan ang mundo, may sistema pa rin ang gulo.


Kaya kung ikaw ay naligaw, walang panukli, o hindi sigurado sa buhay — may isang taong puwedeng makatulong.


At siya ay laging nagtatanong:


"San ho kayo bababa?

 
 
 

Comments


Join my mailing list

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page