The Golden Voice of the Airwaves: A Look Back at Philippine Radio Drama
- Jack Maico
- 9 hours ago
- 3 min read

People in the 90s never failed to entertain themselves during this era, when mobile phones, the Internet, and digital gadgets did not yet exist. I admit that I was also hooked when the reign of the Radio Drama on the AM band airwaves became famous in the 90s. Natatandaan ko pa yung vibes na habang namamalantsa si nanay ng aming uniporme kapag Sabado bago mag-tanghalian ay nakikinig kami ng dramaserye sa radyo sa paborito niyang istasyon ng DZMM habang ako naman ay gumagawa ng aking assignments kaya alam ko rin ang mga istorya dahil dumadaan sa aking mga tainga ang mga nakakatuwang sound effects ng bugbugan, suntukan at hiyawan sa drama sa radyo. Para itong komiks na talaga nga naman na susubaybayan mo kinabukasan o sa mga susunod pang araw kung ano na ang nangyari sa isa sa mga character na kinagigiliwan mo. Kahit hindi ko personal na paborito ang drama sa radyo dahil sa impluwensiya ng aking nanay at nakikinig na rin ako. This is one of our past time in the 90s. Simple at payak.
Bago pa man dumating ang telebisyon at internet, ang radyo ang hari ng tahanan sa Pilipinas, lalo na noong kalagitnaan ng 20th century. Isa sa mga pinakapinakinggan at minahal ng masa ay ang radio drama, isang uri ng palabas na binubuo ng mga boses, tunog, at imahinasyon. The first-ever radio drama in the Philippines aired on DZRH (then known as KZRH) in 1949, titled Gulong ng Palad. It told the story of poor but kind-hearted Luisa and her trials in life and love — a formula that would shape future radio dramas. During the Japanese Occupation (1942–1945), radio was tightly controlled for propaganda, but after the war, Filipinos turned back to it as a form of escape and emotional healing. Thus, radio drama became an avenue to reconnect with hope and humanity.
Ang mga tagapakinig nito ay karaniwang mga nanay, lola, trabahador sa bahay, at kahit mga estudyanteng pauwi na galing eskwela. Nagsilbing kasama sa pang-araw-araw na buhay ang mga dramang ito habang naglalaba, nagluluto, namamalantsa o nagpapahinga. Sound effects were an essential part of the magic—mula sa yabag ng paa, pintuang binubuksan, palakpakan, hanggang sa kulog at ulan, lahat ay ginagawang tunog gamit ang mga props sa studio: sapatos sa kahoy, lata, papel, at minsan, sariling boses ng aktor.
Karaniwang kwento sa radio drama sa Pilipinas ay umiikot sa pamilya, pag-ibig, paghihiganti, at kababalaghan. Meron ding mga kuwento ng mahirap na umaangat sa buhay, o anak na nawawala at nagbabalik sa dramatikong paraan. Kwento ng mahirap na biglang yumaman at naghiganti sa mga nangutya ng kanyang pagkatao noong siya's nasa putikan pa at naghihikahos sa buhay. These themes struck a chord with Filipinos who valued resilience, loyalty, and heart-tugging emotion.
Ang mga pamosong radio drama sa AM ay ang Maria Flordeluna, Gulong ng Palad, Radio Romance, Pira-Pirasong Pangarap at Nagmamahal, Manay Gina. Alin dito ang natatandaan mo at nasubaybayan?
Kaya’t napakanostalgic ng radio drama. It reminds many of a simpler time—walang screen, walang visuals, kundi tunog lang at imahinasyon. Nakakatuwang balikan kung paanong kahit boses lang at sound effects ay sapat na para umiyak, tumawa, at kiligin ang buong pamilya. Radio dramas were more than entertainment—they were companions in everyday life, mirrors of society, and echoes of the Filipino soul.
Comentarios