Why I’m Still Writing—Even When the World Has Moved On
- Jack Maico
- 14 hours ago
- 8 min read

Matagal-tagal din akong nawala sa mundo ng blogging. Parang isang lumang kaibigan na bigla na lang nawala sa eksena—at ngayon, heto na, kumakatok muli sa inyong screen.
At dahil part time lang ako sa trabaho ngayon, nagkaroon ako ng maraming espasyo sa aking oras upang paganahin muli ang aking nangangalawang na pluma. I can say, I’m officially back to blogging. And this time, mas may direksyon na. Mas may puso. Mas para sa inyo—mga mambabasa kong matagal nang kasama sa mga alaala ng nakaraan. I have two websites: the first one ang may mas maraming kwento and the other is the new one kung saan ako mas continously writing. But if you want to read more sa mas maraming nostalgic stories, please visit the first site. May isa pa akong minimaintain na website and it's about our country, the Philippines, the writing content on that website is all about Philippine towns in the whole archipelago and kung saan ba nagmula ang mga pangalan nila, like nabuo ang isang pangalan dahil sa balu-baluktot na pagbigkas ng mga Kastila, or kinuha sa isang uri ng puno o di kaya bulaklak kagaya ng "nilad" sa Maynila, at marami pang ibang pinanggalingan. I also feature the tourist spots for each town and the old churches of that place. The website name is Philippine Towns Etymology and Churches. Visit ka ha! Thank you!! Tuloy tayo sa kwento.
Philippine Towns Etymology and Churches: https://ubasnamaycyanide.wixsite.com/philippine-towns-ety
Para daw akong sa kanta ni Gary Valenciano, "nawawala, bumabalik heto na naman", ang sabi ko ganun naman talaga sa mundo ng blogosperyo minsan kang lulubog at minsan ka din naman lilitaw, minsan kang magkakainteres pero kadalasan kang tatamarin. Maraming beses na rin akong nawala at bumalik sa mundong ito pero kahit anong mangyari nakakahanap ng paraan na pagpagin ang aking nangangalikabok at nangangalawang na panulat. Dito, sa pamamagitan ng pagsusulat ako nahasa na magpalawak ng nilalaman ng kaisipan. Dito ako natutong magsarili, oh teka lang alam ko ang nasa isip niyo ang ibig sabihin kong magsarili ay bumuo ng magandang piyesa sa panulat ng wala akong inaasahang mga suhestiyong o tulong na gamit ang kaalaman ng iba.

Pero bakit nga ba Ubas na may Cyanide ang pangalan ng site na ito?
Well, uhmmm siyempre yung iba dito, kilala niyo ako sa pambabatikos sa mga pulitikong pulpol. Gusto ko sanang gumawa ng blogsite noon, mga writings tungkol sa pag eexposed ng mga pulpolitiko, pero sa isip-isip ko baka hindi magtagal yung mga content na ganoon ang tema or baka panay hateful speech lang ang matanggap ko, kaya I switched to more interesting topics to talk about and immediately shift to nostalgia writings. Dala-dala ko noon ang walkman ko with CD and this is connected to the cover of this picture. Our family traveled to San Miguel, Bulacan in 2011 para sa bisita sa mga kamag-anak sa probinsiya. Paborito ko ang bandang Radio Active Sago Project and kausuhan to ng CD Burning, kaya bago makabiyahe nakapag burn ako ng mga sound trip na madadala ko para pakinggan sa aking portable CD player. Yang "Ubas na may Cyanide" galing sa isang linya ng kanta ng Radio Active Sago Project, the title of the song is "FOODTRIP" sa album nilang "Tanginamo Andaming Nagugutom Sa Mundo Fashionista Ka Pa Rin ", naghanap ako ng kakaibang description doon sa lyrics at napakinggan ko na mukhang maganda at cool na pangalan ng blog site yung "Ubas na may Cyanide", kumpara dun sa mga nabanggit katulad ng "Italyanong Tahong", "Sibuyas na Stateside", "Bawang na China", "Pechay na Malaysia", at "Pansit na Hongkong". Akala ko talaga ay makakapagsulat ako about critical stance ko sa mga pulitikong ito. Meron din naman akong naisulat tungkol dito pero mas mainam na hindi kadalasan na ganun para mas maraming makaappreciate ng aking mga isusulat. Itong kanta na ito ay tungkol sa mga magsasaka na araw-araw naghihirap sa kanilang mga pananim, pawis at sakripisyo ang puhunan at nahaluan ng dugo ang mga pananim ng pumutok ang balita tungkol sa massacre sa Hacienda Luisita kabilang ang mga magsasakang pinatay. Una akala ko kwela ang kanta na a panimula ay bahay kubo ang tono, pero tungkol ito sa mga magsasaka, mga nagmamahalang presyo sa merkado at mga consumers na patuloy na umaaray sa mamahaling bilihin sa pang-araw-araw. Doon ko nakuha ang pangalan nang sinimulan ko ang paggawa ng blogosperyong ito. Ito ang linya na pinagkuhaan ko ng pangalan ng aking blog:
"Itim na tanim, may dugo sa salamin,
may dugo sa sandok, mas mura ang banyagang manok,
may libreng sakit, may dugo sa iyong kape,
paano ka nakakatulog sa gabi
Sibuyas na stateside, ubas na may cyanide"
Ang dami nang nagbago. From Friendster to Facebook, from Multiply to TikTok. Pero ako, babalik ako sa ugat ko—nostalgia writing. Mga kwento ng larong kalye, ng komiks ng 90s, ng halakhakan sa carinderia, ng simpleng ligaya sa probinsya. Kasi sa gitna ng bilis ng mundo, may saysay pa rin ang paglingon sa nakaraan.
And maybe, just maybe, blogging can make a comeback. Hindi man ito flashy, hindi man ito trending, pero may puso ito—at hindi iyon madaling pantayan.
Kaya sa lahat ng naging tagahangam umuunawa at patuloy na nagmamahal na aking mga onlyfans, Mahal ko kayo!! Natigil man ang paglalathala ng aking mga post ay nariyan pa rin yung mga lumang kaibigan na patuloy na sumusuporta at hindi niyo iniwan o inunfollow ang pahina higit sa lahat sa pagdaan man ng pandemiko. Salamat at nariyan pa rin kayo.
"It's better to be quiet than shit for life", ang motto ko simula sa pagkabata, ang motto ng kuwago. Ang kuwago kasi kumokolekta ng ideya at tinitimbang ang sarili bago humuni kesa sa huni doom, huni dito na wala namang ritmo at tyempo ang hinuhuni. Sa pagsusulat dapat ay mas marami kang nakukuhang reactions kumpara sa likes. Sa blog na ito ako natutong magpatawa, mamilosopo, manakot, magpaiyak, magpakilig, magpagalit, magpa-excite, magtanong, at mandiri ang mambabasa kasi ultimo tungkol sa tae ay may naisulat tayo dito.Click mo lang itong "Jerbaks" at "Rated SPG: Kwentong Banyo" kung interesado kayo pero huwag niyo lang itatapat ang pagbabasa sa almusal, pananghalian, meryenda at hapunan baka bigla niyo akong i-unfollow. Huwag rin palang makakalimot sa aking especialty na ibalik sa nostalgia ang aking mambabasa.
Tinataon ko ang aking pagsusulat depende sa mood, sa panahon, sa okasyon at sa kung anong nauuso o napag-uusapan pero mas marami sa aking piyesang naisulat kung anong naisip ko pagka-gising, kung anong ibinulong ng isipan habang nakaupo sa trono ng inidoro at sa kung anong nakikita kapag ako ay lumalabas ng bahay. Totoo nga na kapag nasa loob ka ng maliit ng kuwadradong espasyo katulad ng banyo ay mas maraming pumapasok na ideya sa iyong isipan hindi ko alam kung bakit pero mayroon na sigurong pag-aaral dito kumpara sa pagkakaupo mo sa harap mismo ng kompyuter. Sa banyo kasi walang destruction depende na lang kung barado ang inidoro at unti-unti mong nakikita ang tae mo na umaangat sa bowl habang binubuhasan nakakadestruct talaga yun hanggang panaginip.
Blogging vs. Vlogging: Why I Still Choose Words Over Videos
Hindi ko ikakaila, ang vlogging ay hari sa panahong ito. Madaling ma-consume, mabilis ang engagement, at viral agad kung swertihin. Pero iba pa rin ang blogging.
Sa vlogging, ang tagal mong mag-edit para sa 5-minute clip. Sa blogging, bawat titik ay damang-dama. Walang filter, walang background music—ikaw lang at ang iyong mga salita. Mas personal, mas totoo, mas pangmatagalan.
Sa vlog, madalas nakakalimutan na ng viewers ang content pagkatapos ng ilang araw. Pero ang isang blog post? Pwedeng balikan, pwedeng iprint, pwedeng gawing libro. Hindi ito basta nawawala sa algorithm. Para itong liham na iniwan sa bote, na mahahanap ng kahit sino kahit dekada na ang lumipas.
Who Am I Writing For?
I write for you, the silent reader who found comfort, laughter, or nostalgia in my stories. I write for myself—because writing is how I breathe, heal, and process the world. And I write for future generations—so they will know how it felt to live in a world that no longer exists.
Why I'm Still Writing- Even When the World Has Moved On?
Nagba-vlog na ang karamihan. Ang iba, nasa podcast na. Pero ako, nandito pa rin—tahimik na sumusulat. Bakit?
Dahil darating ang araw na ako’y wala na sa mundong ito, at ang mga isinulat ko ang magsisilbing alaala ko.
Kung sakaling may batang mag-Google ng “ano ang larong patintero?” o “ano ang itsura ng Wattah Wattah Festival dati?”—baka ang blog ko pa ang matagpuan nila. And that is enough legacy for me.
Someday, a curious child might search for, “What was it like to grow up in the Philippines in the 90s?”
And maybe—just maybe—they’ll find my blog.
And that’s enough for me. That’s reason enough to keep writing. My words. My legacy.
Sa mga mambabasa ko (kung meron man lol) siguro naman ay naniniwala ka sa iba't-ibang kategorya ng aking naisulat kung nandiri ka sa Jerbaks at Kwentong Banyo, kinilig ka naman siguro sa Sentihan 101: Hanggang Saan Ako Dadalhin ng Aking Pag-Ibig?, Ang Pag-ibig ay parang Bisekleta by Papadyak, Saan mo dadalhin ang pag-ibig?, Kasiyahan 101: Ako minsan si Papa Jack.
Binuksan ang time machine para sa mga nostalgic writings katulad ng Junkfood Nostalgia: Wonder Boy (Where Art Thou?), Tsitsirya: Ang mga Junk Foods sa Buhay mo, Throwback Memories: Field Trip Reminiscence (PILTRIP), 90's Nostalgia: Cartoons of your Time, Your Childhood Memories: BATIBOT, Super Throwback: Pinoy Klasik Komersiyal Ads and Tag lines Part 1 at marami ka pang babalikan na dadalhin ka sa panahon ng otsenta at nobenta.
Di rin natin pinaglagpas ang mga kwentong katatakutan na inilalathala natin kapag nalalapit na ang panahon ng Undas. Nakapagsulat din tayo ng mga nakakapanindig balahibong kwento katulad ng Halloween Special Throwback from 90's, Undas Specials: Ano Ang Nasa Dako Pa Roon?, Araw ng mga Buhay?, Aswang Association Inc, at Wag ka nang Humabol: Suicidal Boys and Girls Surviving Tips
Mayroon din naman tayong mga popular post at ito yung mga blogisodes na mas maraming nakapagbukas o nakabasa. Masasabi natin mas maraming nagkainteres basahin gaya ng Kaha de Lapis (Pencil Case), Kalye Games 101: Nasaan na ang Larong Pinoy?, Millennial Lingo: Expressions! Expressions!, Kenned Guds: Ang mga De-lata ng ating Kabataan, at Family Dinner Throwback Nobenta.
Alam natin na marami na rin ang nagpahinga sa mundo ng blogging dahil nauso na ang bagong kinahihiligan ng karamihan ang vlogging, kung saan gamit ang mga makabagong teknolohiya kagaya ng mga advance cameras katulad ng mga GoPro at mga drones. Ganito na nga ang uso ngayon dahil mas kaaya-aya nga daw kapag mayroong nakikitang virtual objects ang mga manonood hindi katulad nitong blogging na panay panulat lamang ang laman. Pero guess what, I'm sticking with the way of writing just like the old soul that we are hindi naman tayo yung naghahanap ng maraming likes o viewers, itong pahina na ito ay para sa mga mahilig pa rin magbasa at sa mga naghahanap ng kaunting aliw sa pamamagitan pa rin ng pagbabasa. Mas gugustuhin ko na magsulat kaya magvideo maghapon sa daan para makahanap lang ng maicocontent, hindi tayo naghahanap ng kamalian sa kapwa para tanungin ang mundo ng social media kung sino ang nagkamali at sino ang tama sa isang senaryo sa batas trapiko sa kalsada, hindi tayo naghihintay ng madidisgrasyang nagbubunking sa Marilaque at ipopost sa social media. Sa mundo ng pagsusulat makakamit mo ang kapayapaan, tahimik na nagiisip at nagpapatawa sa mga makakabasa, Mas gusto ng writer na maglaro ang mga emosyon ng kanyang mambabasa sa sari-saring emosyon para mangingiliti, mananakot, magpapaluha, magpatawa, at mamamangha sa bawat damdamin. Yan ang ating munting layunin.
I hope this return to blogging sparks something—not just in me, but in others, too. Maybe together, we can bring back the love for reading, for long-form stories, for thoughtful reflections.
Blogging isn’t dead. It’s just been waiting for the right words to bring it back to life.
And with your help, dear reader, maybe we can do just that.
Comments