Your Nostalgic TV: Ang 90s TV Phenomenon na "Shaider" sa Pilipinas
- Jack Maico
- Jun 13
- 7 min read

Noong dekada '90, kung batang Pinoy ka, imposibleng hindi mo nasambit ang sigaw na "Shaider, Shaider!" habang naglalaro kasama ang barkada. Ang Uchuu Keiji Shaider (Space Sheriff Shaider) ay isang Japanese tokusatsu series na bahagi ng Metal Hero Series ng Toei Company. Ipinapalabas ito sa Japan noong 1984 ngunit sumikat nang husto sa Pilipinas nang ipalabas sa IBC-13 at pagkatapos ay sa RPN-9 at ABS-CBN noong 90s. Sa mata ng maraming batang Pilipino, si Shaider ay hindi lang isang alien cop—siya ay bayani ng kanilang kabataan.
Panatiko at tagasubaybay kahit anong Channel ang lipatan mo for sure nakasunod ang anino ko sa kanya, Sabado man o Linggo walang paltos ang bawat episode lahat yan napapanood ko. Idolo kita ng kamusmusan ko. Bago pa sumikat ang Men in Blcak ay mayroon nang tagapagbantay ng kalawakan at ito ang Pulis Pangkalawakan na si Alexis bilang SHAIDER! Ang totoong pangalan ni Shaider sa totoong buhay ay Hiroshi Tsuburaya.
Batang uhugin pa lang ako, pangarap ko nang maging isang superhero. Ngayong malaki na ako, hindi pa rin naman nawawala sa akin ang pangarap na ito. Lalo na ngayon na sobra na ang krimen sa mundo nandiyan ang holdapan, rape cases, karnap at kung ano ano pang masasamang elemento na naglipana sa Metro. Napapanahon na talaga na kinakailangan na natin ng Superhero. Dito ko sobrang namimiss ang idol kong Pulis Pangkalawakan, ang sumusugpo sa di magkamayaw na mga bad guys sa lipunan, isama mo na ang mga buwayang pulitiko.
Ayokong maging katulad nila Batman at Superman na naka leggings at bakat ang mga utong sa sobrang fit ng costume at isa pa na nakalabas ang brip ng dalawa. Baduy sila para sa akin. Ang gusto ko ay maging isa sa mga metal heroes ng Japan. Robot ang tema at yung tipong tutulpit lang ang mga bala ng baril ng mga villains kapag binabaril na sa katawan at ulo. Hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin na i-recruit ako unexpectedly ng Galactic Union Patrol at gawing isa sa mga pulis pangkalawakan o "space sheriffs."
Si Alexis (Shaider) ay isang galactic police officer o "Space Sheriff" na ipinadala sa Earth upang labanan ang masasamang nilalang ng Fuma-Le-Ar, isang kultong pinamumunuan ni Great Emperor Kubilai. Ginampanan si Shaider ng Japanese actor na si Hiroshi Tsuburaya, apo ng mismong ama ng Godzilla franchise, si Eiji Tsuburaya. Si Hiroshi ay nagdala ng charisma at tapang na siyang tumatak sa puso ng maraming Filipino viewers.
Una kong napanood si Shaider sa IBC13 sa taong 1985. Sobrang namangha ako nung una ko siyang nakita dahil ang astig niya talaga pare kulay asul at silver na metal casings ang bumabalot sa buong katawan niya, meron siyang headgear na parang helmet ng nagmomotorsiklo pero mas astig at di pangkaraniwan. Ok pa mga palabas nun sa Channel 13 unlike ngayon na 24/7 na yung Home TV Shopping ewan ko nga kung may nanonood pa dun o kung meron pa ba nun. Nalipat si Shaider sa tahanan ng Kapamilya sa dos noong early 90's at tuwing Sabado naman ito ng hapon pinapalabas kasabay ng pagbili ng tigpipisong chichiria diretso sa bahay, bubuksan ang TV mga bandang alas kwatro o alas singko at ayun rekta na sa sopa hanggang sa di na kumurap at ngumangata na ng junk foods habang nanonood.
Hindi magiging buo ang Shaider kung wala si Annie, ang kanyang matapang at magandang partner. Ginampanan siya ni Naomi Morinaga, isang stuntwoman at aktres na hinangaan sa kanyang agility at kagandahan. Sa Pilipinas, si Annie ay naging icon hindi lamang dahil sa kanyang action moves kundi dahil din sa kanyang madalas na "surprise" na wardrobe na laging inaabangan ng mga batang lalaki.

Noong bata ako crush na crush ko yan si Annie, isa pang puntos kung bakit nahiligan ko manood ng Shaider. Napakagandang babae, Haponesa, ang sexy ng outfit niya. Naka chaleko siya na brown pero madalas kulay yellow, puting long sleeves sa loob at naka skirt na maikli na brown kadalasan yellow at nakilala din siya sa "yellow na panty" dahil habang nakikipag action scenes sa mga pag sipa-sipa niya sa mga alagad ng kadiliman na dilat ang mata, talaga nga naman dumudungaw ang panty ni Annie, kaya din siguro dilat na dilat yung mga halimaw na kalaban niya. Kapag Annie scene na sisigaw ako noon ng "Lights! camera! panty! Sige search mo lang sa Google ang pangalan niya na nabanggit ko kanina baka may makita ka pero for sure hindi siya kabilang sa mga Japanese Idols mo.
Ang Shaider ay isang kombinasyon ng science fiction, action, at fantasy. Kada episode ay may bagong halimaw mula sa cult ng Fuma, at si Shaider ay kailangang gamitin ang kanyang advanced suit at sandatang Laser Blade upang labanan ang kasamaan. Kilala ang palabas sa kanyang battle scenes sa "Other Dimension" kung saan nagiging psychedelic at surreal ang mga visuals—nakakatuwa at minsan nakakatakot para sa batang manonood.
Mga Kalaban at Halimaw:
Ang pangunahing villain ay si Emperor Kubilai, isang higanteng ulo na pinamumunuan ang cult ng Fuma. Kasama niya ang kanyang alalay na si Great Priest Poe (isang androgynous villain na kinatatakutan ng marami), at ang tatlong generals: Hessler, Gorlin, at Doctor Anger. Ilan sa mga halimaw na tinalo ni Shaider ay:
Riddle Monster – nilito ang mga tao gamit ang bugtong
Time Thief Beast – magnanakaw ng oras at alaala
Dream Devourer – kinakain ang panaginip ng mga bata

Isa sa mga pinakapaboritong episodes ng mga Pinoy ay ang episode kung saan naging maliit si Annie at kinailangang gumamit ng laruan upang makalaban. Mayroon ding episode kung saan napunta si Shaider sa isang "mirror world" at nakaharap ang sarili niyang evil clone. At syempre, di malilimutan ang final episode kung saan hinarap niya si Kubilai at winakasan ang pananakot ng Fuma sa mundo.
Balik tayo kay idol, meron silang headquarters sa labas ng Earth at ang tawag dito ay Babilos. Sa loob ng Babilos maraming sandata andiyan ang Babilos beams na handang dumipensa kahit outside ng Earth. Meron din siyang Babilos lasers na nanggagaling naman sa kamay niya bilang panira. Sinisigaw niya ang katagang Babilos para lumabas ang pinaka final weapon niya na Big Magnum para totally todasin na ang kalaban kumabaga finishing move ang tawag sa Wrestling sa WWE. At doon yari na ang kalaban na halimaw. Sabay susundan ng magiting na sound effects na signal na nanalo na naman ang kabutihan sa kasamaan. Walang halimaw na nakakaligtas sa kanyang weapon na Big Magnum.

Kung talagang kinaadikan mo ang programa malalaman mong si Fuuma ay may kakaibang istilo ng paghahasik ng lagim, hindi siya yung tipong terrorista ala Bin Laden na magpapasabog ng gusali, magpapaulan ng missiles, hindi siya tipong yung umaatake at naninira ng establishments. Wala siyang destructive moves. Cool lang siya! Dahil ang pinakamadalas na ginagawa niya ay inuuna niya kontrolin ang mga tao, ang lagi niyang ginagawa ay ang mag hipnotyze sa mga kawawang nilalang para angkinin ang mga ito. Merong isang episode na hinihikayat ng pangkat ni Fuuma ang mga bata na maging isang hayop para hindi na sila mag-aral o gumawa ng mga gawaing-bahay. Meron ding episode na kalaban niya ay isang nakakatakot na kupido at nanghihipnotyze at kumakanta ng Fushigi song habang nagmamartsa. At meron ding tema na yung mga nahypnotize kain lang kain 24/7 hanggang sa sila ay maging cocoon. Hanep ang strategem, diba?
Pero siyempre hindi lang si Fuuma itself ang naghahasik ng lagim, meron siyang mga kanang kamay. Isa isahin natin ang iba pang kontrabida.
Naaalala mo pa ba si IDA? Tangina! hanggang ngayon hindi ko pa rin mapagwari kung ano ang kasarian nya? Hindi ko alam kung tao ba siya dahil lalaki ang boses pero pang-bebot ang kanyang fashion. Gumagamit ata ito ng gluta dahil sobrang puti ng muka niya. Pero huwag ka tsong kahit backlash ang itsura niya mataas ang katungkulan niya sa grupo. Siya lang naman ang apo ni Fuuma Ley-Ar. Siya ang nangunguna sa ritwal kapag nangingitlog na si Fuuma ng bagong halimaw (take note ah lalaki si Fuuma pero nakakagawa ng egg) at ang bagong halimaw na yun ang sasagupa kay Shaider kung baga monsters factory ang matres ni Fuuma. Kay Ida rin galing ang magic words na "Time Space Warp......ngayon din!" Ang taray lang di ba?

Si DRIGO, siya naman ay iba kay Ida. Apo rin siya ni Fuuma pero hindi katulad ni Ida na katabi lagi ang lolo. SIya yung tipong field worker ng grupo, siya yung laging nasa site at nagmamanman kay Shaider. Nakakatakot ang itsura niya at bruskong brusko kung kumilos. Wagi!
AMAZONAS. Para silang bioman, girl group ang mga hitad, Powerpuff girls ang tema pero mga bitchy girls. Sila yung may style na isa isa muna magpakilala bago makipagrambol.
At ang pina walang silbing FUUMA ARMY ang mga alagad ni Ley-Ar na kahit isa sa dami ng episode hindi man lang nakurot si Shaider. Kay Annie nga lang sila eh, isang sipa lang ni Annie dedo na itong mga ito hindi pa kasi nuon uso ang Multivitamins kaya weak ang bataan ni Fuuma Ley-Ar.
Balik uli tayo sa mga bida. Hinding hindi ko rin makakalimutan ang sasakyan motorsiklo ni Shaider na ang tawag ay BLUE HAWK ito ang madalas niyang gamitin kapag may mga rush hour. Wag nga lang siyang mapapadpad sa Edsa dahil paniguradong mapipilitan siyang gamitin yung SKY STRIKER yan naman ang pang himpapawid kung kalaban naman niya ay mga space ships ng kalaban. At BLUE PLASMA ENERGY naman ang tawag sa pag tatransform ni Alexis bilang si Shaider.
Bukod sa mga arsenal ay may mga sariling kagamitan ang ating bida. May malufet na espada si Shaider, ang LASER BLADE habang si Annie naman ay baril ang LASER BLASTER.
Hindi corny yung naging tag-team ni Annie at Shaider dahil walang namagitan na love story sa dalawa. Walang mga lecheserye stories ang naisingit para maging baduy ang adventure. Talagang pure protection kay Mother Earth laban sa masasama, trabaho lang walang pag-ibig.
Yun lang natapos ang Shaider ng walang ending sa Pilipinas. Hindi ko na alam kung anong pinakahuling istorya ng idol ko sa kamusmusan. Wala na kong balita. Wala na. Tapos na ang maliligayang araw ng kabataan. Hanggang sa nalaman ko na lang........
Sa totoong buhay, ang ending ni Shaider ay naganap nang sumakabilang-buhay na si Hiroshi noong July 24,2001. Trentay sais palang si idol namatay dahil sa liver cancer na nakuha niya sa pagiging alcoholic. Ayun ang tumalo na halimaw sa kanya ang tunay na halimaw na nasa loob ng isang bote ng alak. But wait, there's more. Ang idol naman natin na si Annie or si Naomi Morinaga ay ipinagpatuloy ang karera sa showbiz sa pamamagitan ng pagganap sa mga soft porn movies. Sabi ko na nga ba, may senyales ang mga boso moves niya noon. So meron ka pala talagang maisesearch sa Google.
Ang tagumpay ng Shaider sa Pilipinas ay dala ng maraming factors: ang kakaibang costumes, ang catchy opening theme na "Shaider! Shaider!", ang weekly fight scenes na parang sine, at ang chemistry nina Alexis at Annie. Bukod dito, maraming Pinoy ang naaaliw sa values na ipinapakita ng palabas—ang paglaban para sa tama, ang katapangan, at ang pagtutulungan.
Pero gayunpaman, si Shaider ay patuloy na nakabalabal sa aking isipan. Kahit bumigay ang iyong tali sa pag-iinom ng alak, idol pa rin kita habang-buhay. Salamat Alexis. Salamat Pulis Pangkalawakan. Salamat Shaider.
Comments