Araling Pambahay
- Jack Maico
- 1 day ago
- 4 min read

Kuha ni teacher ang inis namin noon kapag pinakuha niya na ang aming Asssignment notebook lalo na kapag araw ng Biyernes, haays imbis na malayang makakapanood ng Looney Tunes, Mr Bogus at Garbage Pail Kids sa araw ng Sabado ay maglalaan pa tuloy kami ng oras para gumawa ng takdang-aralin. Kapag minamalas ka nga naman, minsan ay sabay-sabay pa ang pa-assignment ni mam at sir.
Assignment na naman! extension ng seatwork sa bahay to eh. Siyempre hindi ka makakalaro agad, isama mo pa yung utos ng nanay at mga tita mo, isa na diyan ay yung pagiging runner mo sa tindahan, pabili ng ajinomoto, ng pamintang durog, ng sili at Winston cigarette ni lolo. E di walang nang natirang oras sa paglalaro. Punyeta.
Nung bagong estudyante pa lang ako o kapag maguumpisa pa lang ang school year, excited pa akong gumawa ng mga araling-pambahay. Tapos kinabukas e excited akong matawag ng teacher sa harap para sumulat sa pisara ng tungkol sa assignment namin. Siyempre feeling proud! May assignment ako eh! Ginawa ko agad sa bahay. Kaya mga dalawang buwan ganyan, magpapakilala ka muna kay mam. Kapag mga August or September na, medyo nagiging reklamador na ko kapag may pinagagawa na namang assignment si Ma'am. At wag lang talagang mataong may assignment sa lahat ng subjects. Minsan nga sumasabay pa ang mga projects. Siyempre kahit bata pa lang kami ramdam na namin yung pressure kasi may hinahabol na deadling yung projects tapos tatadtarin pa kayo ng mga assignments at reporting. Kaya kadalasan prediksiyon ko sa sarili ko na magkakasakit ako kapag araw ko na ng reporting.
Pero nakakamiss talagang gumawa ng assignment. Masinop ako pagdating sa paggawa ng assignment at talagang nirered-ballpen ko yung mga mahahalagang terms sa homework. Masarap din kasi gamitin itong ballpen ko na 4 in 1 colors sa isang ballpen apat ang tinta ko yung pinipindot ang kung anong gustong kulay ang nais mong gamitin at ipansulat. Nandun yung masarap na pakiramdam kapag natapos mo lahat ng maaga yung assignment mo yung ready kang makipagbakbakan kay mam sa mga itatanong niya sayo kaya hindi ka takot tumingin sa mga mata niya na baka ikaw ang matawag at wala kang isasagot. Pero ako hindi, dilat na dilat ako kay mam! Bilang pagbabalik-tanaw sa ating mga takdang-aralin noong araw, narito ang ilan sa mga walang kamatayang assignments courtesy of our beloved teachers:
GMRC/Religion: Please go to mass this Sunday and bring the gospel with you provided by the church. Please explain the gospel on your notebook and we will be having a recitation on Monday. Siyempre bilang nasa catholic school ka obligado kang magsimba ng Linggo ng umaga o kaya hapon at huwag na huwag kalilimutan ang pamphlets na pimamimigay ng simbahan kasi ichecheck yan ni sir. Pakinggan ng mabuti ang homily ni Father baka kasi ikaw ang matawag sa recitation.
English: Give the superlative forms of each of the given adjectives. Pagdating naman sa English subject maraming dapat alamin katulad ng sample na ito, kumbaga sa tagalog ibigay mo yung tamang word sa mga "pinaka" o yung highest degree of quality ng isang pang-uri. Kagaya ng adjective word na "weak", ang superlative form niyan ay "weakest". Mga ganern!
MATH: Mostly, there will be equations that you need to answer, kung nasa elementary ka, usually addition, subtraction, division or di kaya ay ipapamemorize sayo ang Multiplication table. Pero siyempre ready ako diyan lahat kasi ng notebook ko kumpleto ang multiplication table sa likod, huwag lang mag-two digits x two digits, yari tayo diyan.
Filipino: Ano ang iba't-ibang uri ng panghalip? Magbigay ng halimbawa sa isa't-isa. Ito yung mga pinahabang assignment ni mam, kasi ibibigay mo na yung mga uri ng panghalip gusto niya pa ng example. Kagaya ng panghalip na panao siyempre ito yung katumbas ng katawagan mo sa mga tao kagaya ng, ako, ikaw, siya, tayo, kayo at sila. Then use it in a sentence. Sa bahagi na yan bahala ka na gumawa ng example, kung kwela ka at gusto mo patawanin ang buong klase sa sentence na ibibigay mo diskarte mo na yan.
Sibika: Isulat ang mga lalawigan, kabisera, at pangunahing produkto sa Rehiyon IV-B. Oh ayan medyo tricky kasi dalawa ang Region 4 merong A at B. Mostly sa Sibika at Kultuta more on memorization of a certain name, dates and location. May panahon din na pagpapaliwanagin ka kung bakit nag break up si Jose Rizal at Leonor Rivera. Pakialam ba natin sa love life ni Pepe?
MAPE: Draw the G-Clef. Ayan lahat ng malalaking nota at maliliit na nota maglalabasan dito. Magiging composer ka once in your lifetime.
Science: Draw a leaf and label its parts. Diyos ko, dito yata ako nakapag-patuyo ng dahon sa notebook at explain namin ang skeletal parts ng dahon. Kaloka.
Siguradong nagawa ang lahat ng takdang-aralin dahil kung hindi ay patatayuin ka ng teacher sa likod o di kaya ay paliliparin ang notebook mo sa bintana ng eskuwelahan niyo. Alam ko tandang-tanda niyo pa yang mga panakot ni teacher na minsan sa inis nila ay natutupad.
Comments