top of page
Search

Bakit Hindi Mo Gugustuhin Maging Immortal?

  • Writer: Jack Maico
    Jack Maico
  • 2 days ago
  • 6 min read
Pangarap mo rin bang maging immortal?
Pangarap mo rin bang maging immortal?

Tambay ako kadalasan sa Threads app and sometimes dito tayo naghahanap ng libangan at nagshashare na rin ng ating mga sentimiyento sa iba't-ibang usapin. This app is for people connection. Kung gusto mo ng may makakausap maraming usapin dito na puwede ka sumabat sa mga problema nila sa buhay, mga rants, experiences, usaping pag-ibig at mga iba pang maramdaming usapin or kung anu-ano lang basta alam mo sa sarili na kung magcocomment ay lagi pa rin magbaon ng respeto sa kapwa.


Kaya ako dinala sa blog post kong ito dahil may nakita akong post about health, and considering my health is not perfectly fine sa kasalukuyan I decided to comment on her Thread post, not in a dramatic way, but in a witty and funny way. Here is the screenshot of that post:


Threads convo
Threads convo

My health is not good because I'm stuck in a loop of stress and anxiety recently. If you don't know, my loving mom died last year me and my sister still cannot move on from that tragedy. Kasabay pa ng aking health issues at ilang beses na rin akong naitakbo sa emergency at the end of 2024 and the beginning of 2025. Ang pinakamahirap pa believe it or not ay sinabayan pa kami ng mga supernatural existence ng aming bahay na matagal na rin namin naeexperience. But, we don't mind it, and ang sabi ko nga the greatest fear that happened to my life already happened, and that is my mother's death. Wala na akong kinatatakutan pa, and (knock on wood) even if my dear life ends, my only fear is yung sister ko na maiiwan at yung mga pets na alaga namin na kasa-kasama namin as our physical protection dito sa aming house. Ikukuwento natin yan sa mga susunod na blogisodes about the paranormal experiences namin dito sa bahay. Alam niyo ba na una nang tumanggi sa aming kasambahay dahil sa mga naramdaman namin dito sa bahay. Soon, I'll tell you the stories.


But yes, let's go to the main subject of this blog, well, tama naman si ate jajabolos dun sa thread post niya. Many youths of today died early or hindi kaya bata pa ay marami nang karamdaman. I'm at 43, turning 44 on August 18, and it feels like my functioning heart is already 70. Just in a blink of an eye, after ng mga humble rides ko kung saan-saang lupalop ay bigla akong nanghina hanggang sa mawala na yung aking hobby na mag-bisekleta because of the weakness I feel. I easily get tired, and the doctor says my disease has gotten back with a vengeance, blocking my two artery replacements last 4 years to 90% both.


Marami nga today ang sabihin nating gymrats, and strengthening their bodies to be fit and strong. Ang iba nagdadiet at nagpapapayat but it all boils down para sa akin into "genetics". Kahit pa gaano ka ka-able sa mga strenthening activities mo kung ang pamilya niyo ay may history ng chronic diseases there is always a possibility na maiinherit mo yun pagdating ng time. Which is unfair, right? Stress and anxiety are also perfect ingredients to develop chronic diseases, like lack of sleep, disruption of circadian rhythm, fatigue from travel, mental fatigue, mga usaping billings, and everything is an impending doom to get a chronic deadly disease.


At 40 may mga tao pa bang hindi stress? yung hindi nagkakasakit or once in a blue moon lang magkaroon ng matinding sakit o di kaya ay may mga tao pa bang hindi nagmamaintenance? Taas ang kamay.


Nireplayan ko si ate sa Thread post niya since I got interested in the topic she brought to the table. I agree on everything she says pero naisip ko lang agad sa malikot kong kukote yung tungkol sa Bible times and I think about Methuselah. I admit that I am not an avid Bible reader, but I do like the Bible stories, not reading them, but watching them. The more visible mo na napapanood yung stories mas nagkakaroon kasi ng interest to gain knowledge from it, and not only knowledge, but knowing God's words. Dito na pumasok yung usaping immortal since the character of Methuselah lived for 969 years. Ewan ko na lang kung hindi ka pa magsawa sa buhay mo niyan, baka at your 800th year dun ka pa lang magpa-plan na ayusin na ang diet mo at kumain ng tama. I also agree that the food we eat is the food that makes us weak. Ngayon lang kasi tayo naniniwala na yung word na "moderately" can save you. Kahit anong bagay na gawin mo na ipapasok mo sa katawan mo dapat ay moderately mo lang gagawin lalo na yung mga pagkain na magpapaiyak ng katawan mo.


Pero paano nga kaya kung isa sa atin ay binigyan ng gift na immortality? How will you take it? Will this be an advantage to you or pagdudusuhan mo sa huli at gusto mo na lang bawiin ang binigay na regalo sayo? Aabot ka sa point na magtatanong ka kung bakit hindi mo gugustuhin maging Immortal? Tara, pag-usapan natin.


Queen - Princes of the Universe

Noong bata tayo, ilang beses nating inisip na *“Sana hindi ako tumanda”*, o kaya *“Gusto kong mabuhay habang buhay.”* Ang sarap nga namang isipin—habang lahat ng kaklase mo ay may puting buhok na at likod na tila may kargang kabundukan ng Benguet, ikaw ay kasing-presko pa rin ng bagong gupit na estudyante. Immortal ka, ‘ika nga. Hindi ka tinatablan ng tigyawat, ng rayuma, ng heartbreak (daw), at higit sa lahat, ng kamatayan. Imagine, habang lahat sila ay nagkaka-alzheimer’s, ikaw ay nagkakabisado ng lyrics ni Taylor Swift, kahit 100 years na itong hindi sikat at pumanaw na lahat ng artistang nakilala mo sa panahon ng kasikatan nila. You can travel the world without worrying about time—para kang may lifetime ticket sa buhay, habang lahat ay may expiration date. Tapos, kung makakita ka ng cute na tao, pwede mong sabihin, “I’ve seen beauty for centuries, but yours is the only one that made me forget time.” Naks. Immortal ka na, swabe ka pa.


Pero teka lang. ‘Wag muna tayong lumipad sa pantasya, dahil kahit gaano pa kaganda ang ideya ng pagiging imortal—ang tunay na mukha nito ay hindi lang puro kasiyahan. Habang tumatagal ka sa mundo, unti-unti mong mapapansin na ikaw na lang ang naiwan. Una mong nilibing ang mga magulang mo, pagkatapos ang mga kaibigan mo, mga naging ka-love team mo, at maging ang mga taong hindi mo gusto—lahat sila ay dadaan sa buhay mo, pero ikaw... mananatili. Parang ikaw yung kinain ng eksena, pero hindi ka na makalabas. Imagine mo ‘yung paulit-ulit na tanawin: bagong presidente, bagong giyera, bagong TikTok trend, bagong heartbreak—lahat ng bago, paulit-ulit na lang. Mapapagod ka. Sa haba ng buhay mo pwede kang maging artista, piloto, mekaniko, business tycoon, sundalo, model, architect, presidente at kung anu-ano pa. Para kang si Highlander, di Duncan McCleod na nabuhay pa sa prehistoric times at buhay pa rin hanggang sa modern times. Pero gaano man ang haba ng buhay mo, garantisadong mapapagod ka rin at magsasawa.


At huwag nating kalimutan ang puso. Oo, kahit immortal, nasasaktan. May pagkakataong iibig ka, mamahalin mo ng buong-buo, pero ‘di mo siya makakasama habambuhay. Habang ikaw ay nananatiling bata, siya ay unti-unting kakalasin ng panahon. Makikita mong unti-unting pumapangit ang tawa niya—hindi dahil hindi na siya masaya, kundi dahil wala ka nang magawa para pigilan ang pagtanda niya. Iiyak ka, at kahit ilang daang taon pa ang lumipas, hindi mo pa rin siya malilimutan. Ang immortal ay may memoryang masyadong matalim—lahat ng sakit ay hindi nawawala, parang sugat na hindi na kailanman gagaling.Parang replay na lagi mong maaalala sa panaginip paulit-ulit. Kasiyahan, kalungkutan, sari-saring sanglibng damdamin paulit-ulit. Immortality is a curse disguised as a gift.


Isa pa, wala kang permanenteng tahanan. Para kang nomad. Kapag nakita ng mundo na hindi ka tumatanda, pagtataasan ka ng kilay, o baka gawing science experiment. Magtatago ka, magpapalit ng pangalan, magdidisguise, magpaparetoke, sa madaling salita wala kang permanent identity. Sa una, exciting. Sa ika-labing-walong ulit mong gawin, nakakasawa na. Nakakapagod na. You will crave for rest, for an end, for stillness, for peace.


Kaya kung iniisip mong gusto mong maging immortal para makaiwas sa sakit, mali ka. Sapagkat sa pagiging immortal, mas marami kang sakit na kailangang dalhin. Panghabambuhay ang alaala, panghabambuhay ang pangungulila. Parang tula ng isang makatang pagod:


Hindi lahat ng buhay ay buhay na masaya,

May buhay na naghahanap ng wakas at katahimikan,

May pusong nanatiling buhay, pero patay na sa loob.


Kaya kung may pagkakataon kang pumili kung mananatili kang mortal o magiging immortal, piliin mong tumanda. Piliin mong maramdaman ang bawat sakit, luha, at saya—dahil doon mo makikilala ang tunay na kahulugan ng buhay. Hindi natin kailangan ng habang-buhay para mahalin ang mundo; kailangan lang natin ng sapat na panahon para magpakatotoo.At sa dulo, ang pinakamasarap sa lahat ay ‘yung matapos mo ang biyahe, at masasabi mong: “Tapos na. Salamat.”



Dahil minsan, ang pagtatapos ay hindi kapus-palad… kundi isang mapayapang paalam. Kaya simula ngayon huwag ka na babati ng Mabuhay ka! kundi..


Alam niyo na...

 
 
 

ความคิดเห็น


Join my mailing list

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page