Bakit Hindi Mo Gugustuhing Magkaroon ng Super Power na Invisibility?
- Jack Maico
- 3 days ago
- 7 min read

Nagpunta ka sa mall, naglakad ka kung saan naroroon yung mga ahenteng nag-aalok ng credit cards sa bukana ng entrance. Nagulat ka dahil walang pumansin sayo. Inisip mo na baka snob lang talaga sila sayo dahil mukha kang walang pera at waste of time ka lang para alukin ka nila kaya dumiretso ka na lang maglakad. Hanggang sa na-realize mo na wala talagang nakakakita sayo. Anong nangyari? Baka naman meron ka nang kakayahan na maging invisible. Kung meron ano ang unang-una mong gagawin sa mall tutal wala namang nakakakita sayo at natatakam ka sa cake ng Goldilocks na nakadisplay sa kanilang food conveyor. Alam na alam ko ang nasa isip niyo, puwede mong kunin ang cake nang hindi ka nagbabayad dahil hindi ka naman nakikita. Ang saya di ba?
Pero paano kung sabihin ko sa inyong hindi niyo magugustuhang magkaroon ng invisibility power? Bakit naman? Pag-usapan natin.
Maraming kakaibang super power sa mundo ang pinapangarap nating magkaroon tulad ng super strength ni Superman, ang bilis ni The Flash, ang pagkontrol sa panahon ni Storm at siyempre papahuli ba ang Pinoy iconic superhero na si Captain Barbel na may super barbel. Isa pa, sa mga amazing super power, ang magkaroon ng invisibility kung meron ka nito ay maaari kang maging spy, makinig sa mga deepest secrets o kaya mag sneak in sa mga lugar na hindi ka dapat pumasok for leisure. Kung invisible ka pwede kang mag-travel for free, pero sadly at scientifically komplikado ang kapangyarihang ito. Kailangan nating maintindihan kung paano gumagana ang light para mas maipaliwanag kung bakit sobrang komplikado ng invisibility. Nakikita natin ang mga bagay dahil ang light ay either nanggagaling mismo sa mga ito tulad ng ilaw o nagre-reflect papunta sa mata natin. Ang light ay binubuo ng photons. Ang mga maliliit na particles na nagbibigay ng visual information sa ating utak kaya nakikita natin ang paligid. Ngayon para maging invisible kailangan mong baguhin ang galaw ng photons. May tatlong paraan na posibleng mangyari ito. Una kailangan mong i-redirect ang mga photons para umiwas sila sa katawan mo para hindi ka makita ng iba, pangalawa kailangang maging transparent ang katawan mo na para bang wala kang laman, at pangatlo mag-project ng image ng nasa likod mo para magmukhang parte ka ng background parang camouflage pero may problema pa rin. Kung ang pinakamadaling paraan ng invisibility ay i-redirect ang photons palibot sayo ay hindi ka rin makikita, bakit? kasi walang photons na pumapasok sa mata mo, ang ibig sabihin invisible ka nga sa ibang tao pero invisible din sila sayo. So ano ang silbi ng invisibility kung hindi mo nakikita ang ginagalawan mo. May solusyon naman ito pero medyo weird lang. Kailangan mong sabay na i-redirect ang photons papunta sa mata mo para makakita ka pero ang resulta makikita ng ibang tao ang mga mata mo habang invisible ang katawan. Kaso medyo weird ang lumulutang na mga mata. Paniguradong may mga magtatanong bakit kailangan pang magkaproblema sa vision kung super power nga ito? Sabihin na lang natin na na-solve mo na ang problema sa paningin. Nakakakita ka na habang invisible ka sa mga mata ng ibang tao, pero may iba pang malalaking challenges. Isa sa mga major issues ay ang environment factors. Kapag umulan mababasa ng tubig ang katawan mo at kahit invisible ka makikita pa rin ang mga patak ng tubig na dumadaloy sayo parang naging si Agua ka sa Agua Bendita. Kung nasa city ka naman at may air pollution maaaring dumikit ang alikabok o usok sa katawan mo at magmukha kang lumulutang na ulap ng usok. Nakakatakot di ba? Hindi pa natatapos diyan, kailangan mo ring maging hubad habang invisible dahil kahit gaano ka pa kagaling magtago hindi magiging invisible ang damit mo. Oo nga't walang makakakita sayo habang invisible pero paano kung biglang mawala ang kapangyarihan mo lalo na kung nasa public ka siguradong magiging unforgettable ang moment na iyan lalo na kapag unang nabasa ang pututoy mo parang may nakalutang na tite. At ito pa alam niyo ba na kahit na invisible ka may mga device pa ring makaka-detect pa rin ng katawan mo. Ang katawan kasi natin ay patuloy na naglalabas ng thermal energy, bawat segundo naglalabas tayo ng 100 joules ng heat energy sa lahat ng direksyon dahil ang temperatura ng katawan natin ay mas mataas kaysa sa paligid. Ang heat energy na ito ay lumalabas bilang infrared light na hindi natin nakikita pero bahagi ng electromagnetic spectrum. Kapag sobrang init ng isang bagay, ang infrared light ay nagiging visible light na parang red hot. Ngayon, may mga thermal cameras na kayang makita ang infrared radiation. Hindi ibig sabihin na kapag invisible ka sa mata ng tao invisible ka rin sa thermal camera. Ang katawan natin ay naglalabas ng halos 350,000 joules ng energy bawat oras katumbas ng enerhiya mula sa isang 100 watt light bulb na karaniwang ginagamit natin sa kusina ng bahay. Kaya kahit na invisible ka sa mata ng tao makikita ka pa rin sa thermal camera na madalas ginagamit sa search and rescue operations dahil kaya itong magdetalye.
Ang kakayahan ng utak natin na malaman kung nasaan ang katawan natin sa paligid gamit ang iba't-bang sensory inputs ay hindi umaasa sa visual feedback kundi sa impormasyon mula sa ating mga kalamnan, litid, at inner ear. Kapag invisible ka hindi mawawala ang proprioception mo. Ang magiging problema ay ang kawalan ng visual feedback tungkol sa posisyon ng katawan mo sa paligid. Halimbawa kung umaakyat ka ng hagdan nararamdaman mo pa rin ang posisyon ng mga paa mo pero hindi makikita kung gaano kataas ang bawat hakbang mo o kung tatama ang parte ng katawan mo sa isang bagay na nakaharang sa daan. Kaya kung invisible ka maaari kang madalas na mabangga, matalisod, o madapa. Medyo nakaka-frustrate ito invisible ka nga prone ka naman sa aksidente. At ang huli sabihin na nating may kakayahan kang maging invisible na wala ng masyadong conflict katulad ng pelikulang The Invisible Man o Hollow Man tulad ng nabanggit natin kanina kung nalaman mong isa kang invisible sa loob ng mall, papaano mo nga ba gagamitin ang kakayahan mong hindi makita ng mga tao? Posibleng matakam ka sa cake at kumain ng walang bayad, magpuslit ng mamahaling item tulad ng alahas, at ang pinakamalala kumuha ng pera sa mga tao sa mall. Sobrang dali mo itong magagawa kapag invisible ka kaya masasabi natin na ang invisibility ay may malaking challenge sa morality ng tao. Kung bigla kang magiging invisible mas marami kang kayang gawin na hindi mo normal na nagagawa. Dahil dito posibleng magkaroon ka ng temptation na gumawa ng mali dahil alam mong hindi ka naman mahuhuli ng mga pulis. Bukod sa pagnanakaw sa mall marami pang delikado at iligal na bagay ang magiging tempting sa isang tao na lalabag sa security at privacy ng iba katulad ng mamboso at manghipo. Tulad ng kwento ni plato sa Ring of Gigas kung saan ang pastol na nagkaroon ng invisibility ring ay ginamit ang kanyang kapangyarihan para sa kanyang pansariling interes. Nagpapakita ito na ang kawalan ng consequences ay maaaring magdulot ng pagkawala ng moral integrity ng isang tao. Ang invisibility ay hindi lang isang kapangyarihan kundi isang malaking responsibilidad. Kailangan mo ng matibay na moral foundation at malakas na will power para hindi malunod sa temptations na gamitin ito para sa masasamang gawain. Totoo ito sa lahat ng superpowers. Kaya kung sinuwerte kang magkaroon ng invisibility, bakit hindi mo na lang gamitin ito para sa kabutihan. Halimbawa maaari mong isuplong ang mga corrupt na government officials, i-monitor ang mga ilegal na gawain o magbigay ng impormasyon sa mga journalist tungkol sa mga sikretong dapat malaman ng marami. In short, ang pagiging invisible ay hindi kasing saya o kapakipakinabang tulad ng nakikita natin sa mga pelikula at libro. Ang mga issue sa paningin, thermal detection, proprioception at moral na aspeto ay nagpapakita na ang kapangyarihang ito ay maaaring magdulot ng higit pang problema kaysa benepisyo. Kahit na tempting ang ideya ng invisibility ang realidad nito ay mas komplikado at pwedeng mapanganib kaysa sa inaasahan natin.
Kaya bago ka pa gumawa ng checklist ng gagawin mo kapag naging invisible ka, isipin mo muna ang long-term effect. Unang-una, kung invisible ka, damit mo visible ba? Kasi kung pati damit mo nawawala, eh ‘di ang ibig sabihin nito, kailangang hubad ka lagi para tuluyang maglaho. At sino bang gustong tumakbo sa gitna ng EDSA nang walang saplot? Pangalawa, baka akala mo exciting ang makinig ng mga usapan ng iba, pero handa ka bang marinig ang totoo mong nickname sa GC ng tropa? O 'yung rants ng jowa mo sa barkada niya na “siya na lang palagi nagpaparaya”? Masakit 'yon, bro. Hindi lahat ng hindi mo alam ay dapat mong malaman.
At huwag nating kalimutan ang ethical dilemma. Oo nga’t makakalusot ka sa mga guards, pero ano ang saysay ng pagiging invisible kung ang gagawin mo lang ay pang-iintriga, paninilip, o pananakot. Baka hindi superpower ang maging invisible—baka super red flag siya. Isa pa, kung invisible ka, sino pa’ng makaka-appreciate ng bagong haircut mo? O ng bagong sapatos na pinaghirapan mong hulugan sa Shopee Pay Later? Wala. Kasi kahit gaano ka ka-pogi, kung hindi ka nakikita, wala ring magpapakilig sa 'yo.
Sa dulo ng lahat, ang pinakamalungkot na parte ng pagiging invisible: hindi lang pisikal ang pagkawala mo—pati emosyonal. Maaaring hindi ka na maramdaman, hindi ka na pansinin, hindi ka na kailanganin. At kung palagi kang invisible, baka dumating ang araw na makalimutan ka na rin talaga ng mundo. Minsan, kahit gaano ka ka-curious sa kapangyarihan, mas mahalaga pa rin ang makita, marinig, at maramdaman—kasi tao ka, hindi multo. Kaya kung ako sa’yo, mas pipiliin ko na lang maging visible, kahit paminsan-minsan ay nakikita rin ang eyebags ko. At least, may taong makakapansin, may makakausap at may makakadama sayo.
Comments