Chasing Pavements
- Jack Maico
- 13 hours ago
- 3 min read

Ngayong umuulan, kakaiba ang pakiramdam ko. Wala namang bago sa paligid—basa ang kalsada, malamig ang simoy ng hangin, tahimik ang mga kapitbahay, tuluy-tuloy pa rin ang patutsadahan ng mga bading at ng bingot sa social media at tila pati ang langit ay nakikidalamhati hindi dahil sa kanilang pagtatalo, kundi ay binisita na naman tayo ng mga bagyo at habagat. Pero may kung anong drama na sinimulang pukawin ng ambon sa kaibuturan ng aking puso. Para bang bawat patak ng ulan ay tumatama sa isang sugat na matagal ko nang itinatago.
Ulan. Ito ang panahon kung kailan mas lumalalim anga ating mga alaala. Ulan ang saksi sa mga huling salitang binitawan ng ating mga minahal. Ulan ang saksi sa kung paanong dahan-dahang naglaho ang mga pangarap ng bawat nagmamahalan ngunit hindi nagtagumpay sa mga buhay na nais tahakin. At sa bawat patak nito ngayon, para tayong ibinabalik sa mga sandaling iyon—ang hapdi, ang sakit, ang tanong na hanggang ngayon ay wala pang kasagutan.
At doon sa sulok ng aking kwarto, habang nakatanaw sa salamin, narinig ko ang himig na tila perpektong kaagapay ng ulan at madilim na kalangitan. Ang kumakanta, ang kanyang tinig ay parang ulan din—malamig pero malambing, malungkot pero totoo. Tila bang bawat letra ng kanyang kanta ay sinulat niya mula sa mga pusong sugatan katulad ng sa atin.
“Should I give up, or should I just keep chasing pavements, even if it leads nowhere?”
Minsan tumtigil tayong lahat sa ating mga ginagawa. Pipikit ang nanamnamin ang bawat linya ng Chasing Pavements. Parang ako. Parang kwento natin. Parang pag-ibig na pilit na hinabol kahit walang patutunguhan. Kahit malinaw pa sa araw na wala nang babalikan.
Naalala ko noong ako’y umaasa pa. Gumigising araw-araw na umaasang babalik siya. Na baka bukas, maririnig kong bumukas ang pinto at nandoon siyang muli—ngumingiti, dala ang mga pangakong dati nang binuo. Pero sa bawat araw na lumilipas, napagtanto kong ako na lang pala ang humahabol. Ako na lang ang naniniwala. Ako na lang ang umiibig. Ako na nagbabakasakali.
Pero sa kabila ng lahat, ang mga kanta humehele sa atin ay ating nagiging pansamantalang kanlungan. Hindi ako kilala ng kumakanta, pero ramdam ko siyang naiintindihan ako. Sa mga araw na ayaw ko nang magsalita, siya ang nagsasalita para sa akin. Sa bawat ulap na tumatakip sa langit ng damdamin ko, siya ang paalala na hindi ako nag-iisa.Umaasa na balang-araw ay may hahawi ng kumakapal na ulap na nakapaligid sa akin.
Minsan, kailangan nating damhin ang bawat patak, kahit gaano ito kasakit. Dahil sa ulan, natututunan nating hindi lahat ng pagmamahal ay may kasagutan. Minsan, sapat na ang pagmamahal, kahit hindi ito bumalik. At minsan, sapat na ang musika para tayong aliwin.
Kaya ngayon, habang ang langit ay patuloy sa pagluha, hayaan mo akong maging bahagi ng kanyang pag-iyak. Hayaan mong sa bawat patak ng ulan, mailabas ko ang lahat ng sakit. At hayaan mong sa kantang ito ni Adele, unti-unti nating matanggap na ang mga bagay na hindi na maibabalik ay kailangan ding bitawan.
“Should I give up… or should I just keep chasing pavements?”
Siguro, oras na para huminto. Hindi dahil sumuko ako, kundi dahil karapat-dapat din akong tumigil sa paghabol sa taong hindi na kailanman lilingon.
CHASING PAVEMENTS
I've made up my mind
Don't need to think it over
If I'm wrong, I am right
Don't need to look no further
This ain't lust
I know this is love, but
If I tell the world
I'll never say enough
'Cause it was not said to you
And that's exactly what I need to do
If I end up with you
Should I give up?
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere
Or would it be a waste?
Even If I knew my place, should I leave it there?
Should I give up?
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere
I build myself up
And fly around in circles
Waiting as my heart drops
And my back begins to tingle
Finally, could this be it, or?
Should I give up?
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere
Or would it be a waste?
Even if I knew my place, should I leave it there?
Should I give up?
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere, yeah
Should I give up?
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere
Or would it be a waste?
Even if I knew my place, should I leave it there?
Should I give up?
Or should I just keep on chasing pavements?
Should I just keep on chasing pavements?
Oh-oh
Should I give up?
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere
Or would it be a waste?
Even if I knew my place, should I leave it there?
Should I give up?
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere
Kommentare