Introducing: Creeps and Screams Facebook Page (please support)
- Jack Maico
- 3 days ago
- 2 min read

Mga kaibigan, simula na ng bagong takutan! Dito sa Creeps and Screams, ikaw mismo ang bida sa bawat kwento. Hindi ito basta-basta page lang—ito ay isang komunidad kung saan ikaw at ang iba pang miyembro ay maaaring magbahagi ng inyong mga sariling nakakatindig-balahibong karanasan.
May multo ka bang nakita? May aswang bang gumagala sa baryo n’yo? O baka naman may mga hindi maipaliwanag na pangyayaring bumabagabag sa’yo hanggang ngayon? Huwag mong sarilinin! Ibahagi mo sa ating grupo at hayaang basahin ng iba, maramdaman nila ang kilabot, mga hilakbot, at marinig din ang sariling sigaw ng kanilang imahinasyon.
Sa halip na gawaan ko pa ng blog post sa Ubas na may Cyanide, dito ko na mismo isi-share ang mga kwento—lalo na ang mga nakakatakot na karanasan namin dito sa bahay sa Cavite. Simula nang lumipat kami rito, napakarami ko nang naranasang creepy moments na siguradong magugustuhan n’yong basahin at mararamdaman n’yo rin ang kilabot.
Dito, bawat miyembro ay may pagkakataon na magsalaysay. Hindi mo alam, baka ang simple mong kwento ay magbigay ng matinding takot sa iba. At higit sa lahat, masaya itong gawin—para tayong nag-uumpukan sa isang lamay, nagkukwentuhan habang umaalingawngaw ang takot at tawanan sa gitna ng dilim.
Kaya’t kung gusto mong maging bahagi ng ating growing community ng mga horror lovers, huwag mong kalimutang i-follow at i-invite ang mga kaibigan mong mahilig din sa katatakutan. Mas marami, mas masaya, mas nakakatakot! Join na po kayo sa aming Facebook page: https://www.facebook.com/CreepsandScreams/
👉 Abangan ang mga kwentong ipapadala ng ating mga miyembro. Sigurado, bawat post ay magpapatayo ng balahibo at magpapalalim ng gabi mo.
Handa ka na ba? Tara na, samahan kami. Dito sa Creeps and Screams, hindi ka nag-iisa sa dilim.
Comments