Jack's Biking Chronicles: A Journey Through Pinoy & Tsinoy Time and Culture @Chinatown Museum
- Jack Maico
- 1 day ago
- 4 min read

As per my Strava app, this is my 364th ride. Riding about 64 km to Lucky Chinatown Mall to visit a museum called Chinatown Museum. That day was clear and sunny, and it was a great ride to add knowledge by visiting a different kind of museum in Manila. Sinimulan ko ang paglalakbay alas-singko ng madaling araw sa Linggo ng umaga ng October 16, 2022 (uy, birthday pa ng ultimate crush ko yan). This was 3 years ago, but I'm gonna document and write a blog post about this ride. Bago ako dumiretso sa aking main destination that day ay bumisita muna ako sa Ongpin at Mendiola at sa simbahan ng dalawang kambal na simbahan sa Bustillos, ang Our Lady of Loretto at St Anthony Shrine upang manalangin. Finding new churches was also a part of my journey. Lagi akong naghahanap ng bagong simbahan para bisitahin at umattend ng misa. Halos lahat ata ng simbahan sa Maynila ay akin nang nabisita sa pamamagitan lamang ng pagbibisikleta. This road trip was special because of the museum na aking bibisitahin. Para saan nga ba ang museo na ito at ano ang makikita natin sa loob nito? Tara, pag-usapan natin.
Sumakay ako ng bisikleta mula Imus, Cavite, patungong Maynila. Dinaanan ko ang mga bayan ng Bacoor, Las Piñas, at Pasay. Pagdating sa Maynila, dama ko na ang init ng lungsod ngunit dala ko rin ang excitement na makita at maranasan ang kasaysayan ng Binondo. Sa pagdating ko sa Lucky Chinatown Mall,naghanap ako ng bike parking at agad akong nagtungo sa ika-apat na palapag kung saan naroon ang Chinatown Museum.
The Chinatown Museum is located at the 4th Level, Lucky Chinatown Mall, Reina Regente St., corner Dela Reina St., Binondo, Manila, Philippines.
This museum is a hidden gem inside a modern mall, a time capsule that quietly holds the vibrant story of the world’s oldest Chinatown — Binondo, which was established in 1594 by the Spaniards.
The Chinatown Museum is a cultural and historical museum that explores the 400+ years of Chinese-Filipino heritage in the Philippines. It opened in 2019, curated with interactive displays and multimedia exhibits across 18 themed galleries.
It showcases the unique evolution of Binondo, a community that has stood at the heart of commerce, culture, and connection between Filipinos and Chinese settlers.
Malamig sa loob ng museo dahil airconditioned at mayroong entrance fee na 300 pesos. Malinis at maaliwalas at talaga nga naman instagrammable ang mga display dito.
Sa loob ng Chinatown Museum, para kang bumalik sa panahon ng mga Intsik na negosyante, mangangalakal, at artisan noong panahon ng Kastila hanggang modernong Binondo ngayon. Ilan sa mga tampok na gallery ay:
Calle Escolta Gallery – ipinapakita ang dating kabisera ng komersyo ng Maynila, kung saan makikita ang mga art deco buildings at trading houses.
Botica de Binondo – isang lumang parmasya kung saan mabibili noon ang mga halamang gamot ng Tsinoy.
La Essencia del Comercio – nagpapakita ng mga produktong ipinagpapalit noon tulad ng tsaa, seda, at ginto.
Carvajal Alley – isang makitid ngunit masiglang eskinita na puno ng mga kainan at tindahan.
Chinese Opera and Lunar New Year Gallery – tampok ang mga kasuotan, maskara, at kasaysayan ng tradisyong Tsino sa sining at selebrasyon.
Each gallery is designed with real-life artifacts, replicas, and immersive soundscapes that make you feel like you're walking through history.
Binondo is not just any district — it is the oldest Chinatown in the world, founded in 1594. It was created by the Spanish colonizers as a settlement for Chinese immigrants who converted to Christianity. Over time, it became a melting pot of cultures, faiths, languages, and business.
Bakit Mahalaga ang Binondo?
Sentro ng Kalakalan – Mula noon hanggang ngayon, Binondo ay naging lugar ng mga negosyanteng Pilipino at Tsinoy. Dito nagsimula ang ilan sa pinakamatatagal na negosyo sa bansa.
Pinagtagpong Kultura – Sa Binondo, naghalo ang paniniwalang Katoliko at Buddhist, ang pagkaing Filipino at Chinese, pati na ang wika.
Pamana ng Ugnayan – Ipinapaalala sa atin ng Binondo ang mahabang kasaysayan ng pakikipag-ugnayan at pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina.
Sa bawat kanto ng Binondo, mararamdaman mo ang pinagtagping kwento ng ating mga ninuno — isang kasaysayang isinulat hindi lamang sa libro kundi sa mismong mga kalye, tindahan, at templo ng distrito.
Post Museum Food Trip Suggestion:
Kapag namasyal ka sa Binondo, siyempre hindi mawawala ang food trip. Palalampasin mo pa ba ang pagkakataon na hindi tumikim ng pinakamasasarap na pagkain sa mga restaurant at food store katulad ng:
Dong Bei Dumplings – authentic hand-made dumplings
Wai Ying Fast Food – roast duck rice, siomai, and milk tea
Eng Bee Tin – famous for tikoy and hopia
Ang pagbibisikleta mula Imus hanggang Binondo ay hindi lang isang pisikal na biyahe — ito’y naging isang paglalakbay pabalik sa ating pinagmulan. Sa Chinatown Museum, nakita ko kung paanong naging mahalaga ang Binondo sa paghubog ng ating pagka-Pilipino.
In this journey, I didn’t just pedal through kilometers — I pedaled through centuries of shared culture.
Kung naghahanap ka ng lugar kung saan mo mararamdaman ang kasaysayan, kultura, at pagka-Filipino sa iisang sulyap — Chinatown Museum in Binondo is the place to go.
Narito ang aking mga kuharang larawan mula sa Chinatown Museum sa Binondo, Maynila:
Comments