Jack's Biking Chronicles: Ride High sa Tagaytay
- Jack Maico
- 1 day ago
- 6 min read

Linggo ng umaga, tinatantiya ko ang sarili kung kaya ko na ba talaga at dahil nakapag decide na ako last week, na ito na talaga ang susunod kong puntahan pagkatapos ng maraming Linggong ensayo, sa tingin ko ay mukhang kakayanin ko na umakyat ng Tagaytay gamit ang aking bisekleta.
Kung may isang lugar sa Luzon na pinapangarap puntahan ng halos lahat ng siklista—baguhan man o beterano—walang duda, Tagaytay 'yan. Malamig ang klima, maganda ang tanawin, at may kakaibang hamon na dala ang pag-akyat sa lungsod na ito. Pero kung akala mong basta-basta lang ang pagpedal papunta rito, teka lang. Ang dinaanan kong ruta? Isa sa pinakamatarik, pinakahamon, at pinakamasakit sa hita’t tuhod. Pero sulit na sulit naman!
Isa sa mga pinaka espesyal na ride ko ang Tagaytay city. I challenge myself on that day, kahit pa maulan sa unang sabak ko sa pag-akyat sa Tagaytay ay wala nang urungan to at sinakto ko pa talaga sa anibersaryo ng unang hindi magandang nangyari sa aking puso kung saan naexperience ko ang unang beses na heart attack noong 2018. Ginawa ko itong ride after 3 years pagkatapos ng aking heart surgery. But, guess what success ang bike ride sa unang pagkakataon sa Tagaytay City.
Maraming mapapasyalan sa Tagyaytay na mga landmark katulad ng mga simbahan at mga chapel. Maaari kang bumisita sa Pink Sisters Monastery o sa Our Lady of Lourdes Parish Church kung ikaw ay relihiyoso.Hindi niyo rin dapat mapalagpas ang pagbisita sa Taal Lake at Taal Volcano, na maaari mong matanaw sa Tagaytay Ridge. Kung gusto mong magpicnic kasama ng iyong pamilya, pumunta kayo sa Tagaytay Picnic Grove. May eco-trail at zipline doon kaya siguradong magugustuhan ito ng buong pamilya. Bukod dito, isa sa pinakasikat na lugar sa Tagaytay ay ang Sky Ranch kung saan makakasakay ka ng iba’t ibang amusement park rides habang tinatanaw ang magagandang view.
ANG PINK SISTERS CONVENT AND CHAPEL at ang INA NG LAGING SAKLOLO PARISH
Natatandaan ko noon, alas-sais pa lang ng umaga mula sa Imus ay nasa Dasmarinas Waltermart na ako pero napahinto dahil sobrang lakas talaga ng buhos na ulan. Itinuturing ko itong wet ride dahil kahit na mahina ang patak ng ulan ay tuloy ako sa pagpadyak maabot lamang ang Tagaytay ng mas maaga. Kung sanay ka sa mga patag na kalsada, ibang usapan na kapag binanggit ang Palace in the Sky route via Kaykulot Road. Ito ang daan na diniretso ko mula sa Silang, Cavite — at Diyos ko, napasigaw talaga ako sa sarili ko habang paakyat. Bandang Silang, Cavite ay malamig na ang panahon kaya kasabay ng aking pagpadyak ay ganun din naman ang nginig ng aking panga sa ginaw na aking nararamdaman.
Sa simula pa lang sa Barangay Iruhin, aakyatin mo na agad ang Kaykulot Road — isang makitid at pakurbang kalsada na walang patawad sa incline. Nasa 8% to 12% gradient ang ilang bahagi, at minsan parang pader na ang anggulo ng daan. Hindi ka pa man nakakarating ng Tagaytay rotunda, ramdam mo na ang hapdi sa hita. Dito ko naranasan ang “bike push” moments kung saan halos itulak ko na lang ang bisikleta ko paakyat.
Pero ang pinaka-rewarding part? Yung bigla mong matatanaw ang Taal Lake habang nililingon mo ang dinaanan mong bangin. Walang kapalit na presyo ang tanawing iyon. Ramdam mo na agad — Ah, Tagaytay na ito!
"PAG-AKYAT SA TAGAYTAY ROTONDA AY SELFIE AGAD SA SIKAT NA MARKER NA ITO. HINDI RIN DAPAT PALAMPASIN ANG SELFIE SA ACIENDA SILANG."
"ALAALA NG MAULANG PAG-AKYAT SA TAGAYTAY NOONG PANAHON NG PANDEMIC TAONG 2020."
"TATLONG BESES LANG AKO NAKA[ADYAK SA TAGAYTAY ANG UNA AY MAULAN NA PANAHON, MAARAW NA PANAHON AT KUMAIN NG PARES SA PARESTOP NA RESTAURANT NG TROPA"
Mga Pagkaing Dapat Tikman Pagkatapos ng Pagpedal
Matapos ang matinding akyatan, oras na para mag-refuel. At syempre, sa Tagaytay, hindi pwedeng palampasin ang mga iconic na kainan:
1. Mahogany Market Bulalohan

Una sa listahan — ang legendary Bulalo ng Mahogany Market. Matapos ang malamig na ahon, walang kasing sarap ang mainit-init na sabaw na may malambot na baka at bone marrow. Para kang niyakap ng langit! May kasama pang saging na saba, atsara, at sawsawan na toyo’t kalamansi. Kung gusto mong busog na busog, ito na ‘yun. Pero kung highblood ka hinay lang at papadyak ka pa pabalik.
2. Bag of Beans

Para naman sa chill vibes at mas sosyal na ambiance, diretso ako sa Bag of Beans. Perfect ito kung gusto mong mag-kape habang nakatanaw sa Taal Volcano. May mga all-day breakfast meals din sila gaya ng tapa, tocino, at fluffy pancakes. Worth every peso. Minsan lang yan kaya huwag na panghinayangan gumastos ng kaunti.
3. Mushroom Burger

Isang Tagaytay classic! Di mo man ito agad mapansin dahil parang fast food lang ang dating, pero ang burger na gawa sa kabute ay kakaiba. Masarap, healthy pa! Siksik ang lasa, at perfect pang-light meal pagkatapos ng mabigat na pedalan. Natatandaan ko pa itong restuarant na ito at hindi pa ito ganito kalaki dahil naging kasama sa itenerary namin ang lugar na ito sa aming field trip noong ako'y high school pa lamang na nag-aaral sa San Andres Bukid, Manila. Nakaka nostalgia para sa akin ang matunton muli ang kainan pagkatapos ng mahabang panahon at teenager pa ako nun!
Bukod sa pagkain, syempre, hindi kumpleto ang bike adventure kung walang side trips. Heto ang mga paborito kong napuntahan (o dinaanan) sa Tagaytay:
1. People's Park in the Sky

Ito ang dating Palace in the Sky, isang hindi natapos na mansion ni Marcos Sr. na ngayo'y naging public park. Nasa pinakataas ito ng Tagaytay Ridge kaya’t siguradong breathtaking ang view. Kita mo rito ang Taal Lake, Laguna Bay, at mga bundok ng Batangas. Kahit pagod, sulit ang pag-akyat para sa selfie at sunset shots! Medyo rewarding para sa akin at proud sa sarili kasi noon kasama ko pa ang mga kamag-anak namin dito para mag picnic at may sarili kaming sasakyan na inarkila, sa ngayo ay pinapadyakan ko na lang. Kaunting mini-shout out para sa sarili.
2. Sky Ranch Tagaytay

Kung may kasama kang pamilya o gusto mong magpahinga habang nanonood ng mga nag-eenjoy, Sky Ranch ang bagsak mo. May Ferris wheel, rides, at food stalls. Kahit di ka sumakay, masaya nang mamasyal at mag-snack.
3. Puzzle Mansion

Nakakaaliw din ang Puzzle Mansion, isang museum na may pinakamalaking koleksyon ng jigsaw puzzles sa buong mundo! Medyo out of the way pero worth it para sa mga mahilig sa art at kakaibang trivia.
4. Taal Vista Hotel View Deck

Libre ang view, pero sosyal ang ambiance. Kung gusto mo ng picture-perfect na background habang nagpapahinga, pumunta ka sa may Taal Vista Hotel view deck. Nasa gilid ito ng highway, kaya’t accessible kahit naka-bike.
Nakisama naman ang araw sa aking pag-uwi ngunit makulimlim pa rin, naroon pa rin ang timpla ng lamig at nginig sa tuwing tumatama sa akin ang malamig na hangin. Pero sa pagbalik, mdyo kaunti na lang ang hamon sa pag-ahon kasi lahat ng yun ay nadaanan mo na paakyat ng Tagaytay kaya asahan na panay palusong naman ang susuungin mo. Masaya ang pasulong sapagkat hindi mo mararansan ang pumedal sa mahabang pagkakataon ang kailangan mo na lang ay karagdagang ingat at kapit ng matindi sa brakes ng bike mo. Sa mga pababang bahagi ng kalye bawal ang magkamali.
Kung gusto niyong subukan ang Tagaytay sa pagba-bike heto ang mga dapat alalahanin:
Magdala ng sapat na tubig. Uhawin ang ahon, kahit malamig ang panahon.
Mag-kahon ng energy bar o saging. Para di ka ma-bonking!
I-check ang preno. Sa ahon paakyat, may pababa rin—kailangang matibay ang preno mo.
Maagang bumiyahe, para iwas sa init ng balat. Alas kwatro ang tamang ride out yan ay kung ang lugar mo ay nasa Cavite lang din.
Get ready sa fog. Minsan biglang makapal ang ulap, so mag-ingat lalo sa visibility.
Dapat ay laging naka charge ang mga kinakailangang ilaw ng bisikleta harap at likod lalo na kung madilim pa ang pag-alis.
Huwag kalilimutan ang mga basic bike hand signals sa daan lalo na at matarik ang aakyatin na lugar.
At ang ang pinaka importante sa lahat ay magdasal bago umalis at bago umuwi bilang paghingi sa Diyos ng ligtas na pagbibisikleta.
Ang pag-akyat ko sa Tagaytay gamit ang bisikleta ay isa sa mga pinaka-challenging pero pinakamasayang adventure na naranasan ko. Bukod sa exercise, may kasama itong pagkain, tanawin, at kaunting reflection habang nag-iisa sa mahangin at malamig na kalsada. Oo, masakit sa tuhod, pero ang gantimpala — ang saya, ang pagkain, at ang tanawin — ay higit pa sa pagod.
Kaya kung ikaw ay naghahanap ng next bike challenge mo, subukan mong akyatin si Tagaytay. At kapag nandun ka na sa tuktok, humigop ka ng bulalo para o kumain ng pares at magdala ng pasalubong pauwi at tikman ang pamosong buko pie ng Tagaytay.
Ride safe, mga kapadyak!!
Comments