top of page
Search

Kapeng Mainit sa Panahong Taglagkit

  • Writer: Jack Maico
    Jack Maico
  • 1 day ago
  • 5 min read

Magandang umaga, tanghali at gabi Pilipinas, nag kape ka na ba?
Magandang umaga, tanghali at gabi Pilipinas, nag kape ka na ba?

Summer sa Pilipinas 2025. Habang umiikot ang ating panahon pansin kong tila nadaragdagan na rin ang level ng alinsangan ng ating klima. Yung pakiramdam na unti-unti na tayong nagiging feeling close sa araw. Noong dekada nobenta kering-keri ko pa ang init kapag napagkasunduan naming bumili ng Snacku at Pritos Ring sa tindahan ni Aling Meding kahit alas-tres ng tanghali. Oo, ramdam mo yung init pero hindi pa ganitong nakakapaso at nanlalagkit ka na animoy pandesal na pinahiran ng mantikilya sa pugon.. Darating pa ang maraming taon baka hindi na natin kayanin ang init na ito at talagang literal na masunog na tayo paglabas ng ating mga kabahayan. Ano nga kaya? Dumating kaya ang panahon na may mga protective suits na tayong isinusuot sa kalsada?


Pero wag ka ibahin mo ang mga Pilipino kahit sa napakainit na panahon asahan mong hindi mawawala ang kumukulong kape sa tasa hawak-hawak ng kamay, paihip-ihip ng kaunti sabay lagok na parang nagchichill lang habang humahagod ang init at sarap ng barakong itinimpla sa lalamunan. Swabe ang aroma, ang init, ang tapang kahit sa 40 degrees na temperatura sa kwarto. Tayo lang ata ang lahi sa mundo ang kinahihiligan pa rin ang magkape kahit mala impiyerno na ang panahon. Hindi naman siguro abnormal ang lahi natin o sadyang nakasanayan na lang talaga natin na chillax na maiinum ang kape kahit sa maalinsangang klima.





Naranasan ko rin naman na magtimpla at uminom ng kape sa katanghaliang tapat, pero hindi ko alam at wala akong rason kung bakit ba ako nagtimpla ng kape, trip ko lang lumagok habang nagsusulat ng aking mga blog post. Sa tingin ko, sa ganitong paraan ay nakakatulong siguro sa aking pag-iisip at pagtahi ng mga salita para makabuo ng isang magandang piyesa sa aking blog post. Pero, change me hindi ako yung uri ng taong kumukulo palang galing sa kapitera at pagkatapos lamang ng ilang segundong halo sa kape niya ay nakakalagok agad ng hindi na hinihipan. Hindi ako kapre. Walang sapat na kapangyarihan ang aking dila para damhin ang mainit na tubig na didiretso sa aking lalamunan. Ayaw kong lagyan ng toothpaste ang aking dila pagkatapos kong mapaso.


Kung susuriin natin at pag-uusapan bakit nga ba masarap magkape kahit mainit?


Kagaya ng aking nabanggit, maaaring nakasanayan na kahit pa napakainit ng panahon ay balewala na sayo ito, dahil karaniwan mo nang ginagawa. Manhid na rin siguro ang dila mo sa tuwing lumalapat ang kakukulo lang na kape sa iyong esophagus. 


Dito sa pangalawang dahilan ay gusto ko muna batiin ang mga dakilang call center agents at ang mga nag-ko Kopiko 78 diyan sa madaling-araw sa tuwing dadapuan ng antok sa trabaho. Ang kape daw ay isang energy booster at hinahayaang labanan ang antok mo para hindi ka makatulog sa trabaho lalo na sa mga empleyadong panggabi ang  hanap-buhay. Ang kape ay may natural na stimulant na caffeine na tumutulong para manatiling alerto at hindi agad antukin at para na rin hindi ka bisitahin ni Freddie Krueger kapag ikay nakahimbing. Ang iba ay umiinom ng kape dahil sa health benefits nito. Ang tanong ko lang naman mas epektib ba ang benefits na yan sa tuwing katanghalian iinumin? 


Hindi ako eksperto pero sa tingin ko ang Pilipinas ang tinaguriang Coffee lover in Asia, tayo lang ata ang may kapasidad at kakayahan na uminom ng kape sa kainitan ng panahon. Kung ganoon man at maraming coffee drinker sa Pinas ay napakaswerte natin sapagkat ayon sa pag-aaral ay maraming benepisyo ang dulo't ng pag consume ng kape:




- Nariyan ang pampagising lalo na tuwing umaga o meryenda. Kape daw ang gigising sa naniningkit mong mga mata. Binabawsan nito ang ating pagkapagod at pinapatalas ang ating isipan. Ang tanging kahilingan ko lang ay sana damihan niyo ang maraming pag inom ng kape bago kayo dumirteso sa mga eskuwelahan sa darating na botohan. Maging matalas nawa sana ang ating pag-iisip sa taglay ng kape para sa ating mga ibobotong pulitiko sa halalan.


- Ang kape ay mayaman sa antioxidants na nagpapanatili ng malulusog na cells. Siksik liglig din daw ito sa B vitamins and minerals gaya ng manganese, potassium at magnesium. Kaya ano pang hinihintay mo, magtimpla ka na ng kape habang alas-tres pa lang ng tanghali. Mas mainit ang panahon, mas nakakatakam. 


- Ayon sa pag-aaral, ang kape ay nakakabawas ng tyansa ng heart disease. Dito naman ako hindi naniniwala sapagkat itinigil ko ang pag-inom ng kape dalawang taon na ang nakalilipas. Hindi maganda ang epekto ng kape sa akin sapagkat nagpapabilis ito ng tibok ng aking puso kahit wala naman sa harap ko si crush. 


- Sinasabi rin na kung iinom ka ng kape ay huwag mo lagyan ng asukal sapagkat nakakakatulong ito sa pag-iwas sa Type 2 Jabetis at sakit sa atay. Dapat laging bitter taste ang ating mga kape, kagaya ng nagbabasa nito ngayon.  


Ano naman yung Coffee Addiction?


Habang lumilipas nagkakaroon tayo ng tolerance para sa caffeine. Baka kaya yung iba diyan ay laging nang nakangiwi at nasobrahan na sa caffeine addiction. Ooops, wala po tayong pinapatamaan ha. Sa paglipas ng panahon, talagang nararamdaman natin ang pangangailangan na dagdagan ang caffeine upang manatiling alerto at makapag-concentrate. Hindi ito coffee addiction, ito ay coffee dependence at dahil ang kape ay pampasigla, nagpoproduce ito ng happy effect sa ating kamalayan same feeling na naibibigay kapag maraming enerhiya at pagiging alerto. 


Pero wala naman talagang problema uminom ng kape kahit sa naglalagkit na panahon, pero nakadepende ang kaligtasan ng isang tao sa body temperature niya at caffeine sensitivity niya. Dahil nakapagpapawis ang mainit na inumin, nagkakaroon ito ng "cooling effect" sa katawan. 


Destiny Palisoc - Kape

Kapag mainit na panahon gusto ko lang sabihin na tubig pa rin ang mainam na inumin para sa tamang hydration. Aba'y palipasin mo muna yung init ng katanghalian bago ka mag coffee sessions. Tiyak naman na mas nakakaginhawa ng katawan ang malalamig na inumin kaysa kape. O kaya reinvent your way, alam kong sabik ka sa traditional coffee pero subukan mo lagyan ng yelo ang kape mo ngayong summer. Maiba lang. Pero siyempre kapag boomer ka talaga di mawawala ang hilig sa traditional coffee.


Ngunit sa paglipas pa ng dalawang buwan at nasa hindi kalayuan ang tag-ulan ay siguradong marami ang maeenganyong humigop ng masarap  at mainit na kape para mag-init ang katawan este, uminit ang katawan. 

Nagtanong ako sa ating mga "manginginom" (ng kape) kung ano ang kanilang dahilan kung bakit na-eenganyo pa rin sila uminom ng kape kahit sa panahong tag-lagkit. Ito ang kanilang prompt na sagot. Actually, tatlo lang silang tumugon hahaha. Gayunpaman, salamat pa rin. 


Mga reaksiyon:


Siopao ng Japan
Siopao ng Japan

"Yeah, hot coffee even in summer."

"I can’t start my day without a cup of coffee Hindi sya routine parang I’m one of those people na Hindi talaga nag f-function yung utak or yung katawan kapag walang kape"






Risse ng Cavite
Risse ng Cavite

"Hahaha! Ang sagot ko dyan, chinachallenge natin ang panahon."

"Bahala na mainitan sa kape."







Gino Paulo ng San Andres
Gino Paulo ng San Andres


"Masarap kasi kapag mainit yung unang higop mo parang gising na gising ka"

 
 
 

Comments


Join my mailing list

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page