Kwentong Pader Chronicles
- Jack Maico
- May 12
- 6 min read

Kung may sariling awards night ang mga pader sa kalye ng Pilipinas, malamang sold-out ang tickets at trending sa Twitter. Hindi lang kasi basta-basta bakod ang mga ito — sila ay canvas ng bayan, gallery ng masa, at confession wall ng mga hindi maka-move on!
Ang mga pader sa Pilipinas ang saksi sa maraming kwentong nakadikit dito, mayroong bawal ang umihi dito, bawal tumae dito sabay hihiritan ng sipsip pozonegro, meron ding may mga gustong makipag textmate sa pader, mga lumalanding Jack <3 Rose forever tapos may ukit pa ng date kung kelan niya ito ginawa, may mga poster ng kung anu-ano kagaya ng mga eskuwelahan, "Enroll Now, Pay Later", Samson Funeral Service, LPG gas advertisements, mga nawawalang tao, mga direksiyon arrows ng mga resort or kung anu-anong lugar at higit sa lahat ngayon ay now serving ang mga pader ng Pilipinas sa mga poster ng mukha ng mga pulitiko na hindi naman nila ipalilinis ang mga pader o gate na dinikitan nila ng mga poster nila pagkatapos ng halalan. Minsan hinahayaan na lang yun hanngang dumating na naman ang susunod na eleksiyon ay doon lang magkakatanggal ulit ng poster.. O di kaya ay natatabunan lang ng natatabunan ng kung anon advertisements. Ganyan ang buhay ng mga pader sa Pilipinas, masalimuot, chaotic at filthy.
Ang klasik na pader nung bata ako ay ang pader na gawa sa halo blaks. Alam niyo yun? Yung tipong tumigas na yung umaapaw na semento sa gitna ng mga bloke! Yun yung pader na lagi kong nakikita nung kabataan ko. Sa panahon ngayon, malamang ay dinadaan-daanan lang natin ‘yang pader na ‘yan pero malaking bahagi siya sa buhay ng isang batang kalye.
Sinong batang kalye ang hindi nakabasa ng “Bawal Umehi Detu!” Ang sign na yan ay ang area kung saan nakasulat ang “Bawal Umehi Detu!” ay ang pinakamapanghing parte ng pader. Kaya wag ong tangkain lumapit o dumikit sa pader na ito dahil makakaamoy ka talaga ng hindi maganda.Sa kasabihan kasi ng Pilipino kung anong bawal yun ang mas masarap gawin. Kaya minsan dapat binabago na natin yung mga ganyang signage, gawin nating kasalungat. "Pwede nang umihi dito?" lagyan mo ng question mark sa dulo para medyo confusing.
Tuwing eleksiyon ay bida nanaman ‘yang pader na ‘yan! “Iboto 13-0! Jawo!. Jinggoy! FVR! Onyok! Mystika!” Punung-puno ang pader ng mga posters tuwing eleksiyon. Natakpan na ang sign na “Bawal Umehi…” Mmmm…lalong bumango ang pader.
Punung-puno ito ng mga nakadikit na mukha ng mga nangangampanya at sigurado akong isa kayo sa mga kumutkot nito. Basta mapatambay ka sa pader at may nakadikit na poster eh kukutkutin mo ‘to hanggang sa wala nang matira. Kung nagkataon naman na may hawak kang panulat eh siguradong nilagyan mo na ‘to ng bigote o kaya sunglasses.
Vandalan. Pader nanaman ang bida pagdating sa mga artista ng kalye. “Punks not DEAD! Mamatay na ang mga Hip-Haf! Titi Ko’y Metal!” Nagkalat ang mga vandal nato sa kalye. Pupunuin nila ng mga napakalalim na mensahe ang mga pader na ito at lilinisin naman ito ng mga nahuling nagje-jaywalk. “Haseliscious” ‘to. sa mga maglilinis, maniwala kayo. Madalas ako tumawid sa Cubao.
Pero ang pinaka-kaibigan ng pader ay yung mga insnatcher. Ito ang kanilang Olympics. Takbo! Pwersa! Talon! Kayang-kaya nila talunin ang mga pader na ito kumpara sa mga humahabol nating mga pulis. Ang mga pulis hanggang pito lang noon, natatandaan mo yung commercial ng Juicy Fruit Gum? Ganun sila lagi pumito dahil sa laki ng tiyan ng ating mga pulis ay hindi sila fit para makipagtakbuhan sa ating mga isnatchers.
Ang pinakamalaking silbi na nga siguro ng pader sa ating mga kalalakihan eh ang pwesto na binibigay nito para ihian natin. At mas masarap umihi sa pader na may sign na “Bawal Umihi Dito.”. Mas malakas ang kilig dun eh. Ganyan ang paniniwala ng mga lasinggero na CR nila ang buong mundo parekoy.
Ito ang karaniwang signage na makikita mo sa mga pader sa Pilipinas:
Iisa-isahin natin ang mga pinakanakakatawang sulat-kamay, spray paint, at drawing na karaniwan (at minsan kabaliw-baliw) mong makikita sa mga pader sa kanto, eskinita, at tabi ng kanal.
1. "BAWAL UMIHI DITO!" (w/ bonus threat)
Ito na nga siguro ang pinakamaraming sulat o signage sa buong Pilipinas ang "Bawal ang umihi dito" minsan may threat "Putol Titi" oo, totoo may nakikita akong ganyang sulat sa pader lalo na kung babiyahe ako sa probinsiya mapapangiti ka na lang kung maiimagine mo eh. Like, ilang Pilipino na kaya ang naputulan ng tite sa kakaihi sa pader. Hindi naman kasi tayo aso, wag na sanang dumating ang pagkakataon na pati ang mga gulong ng sasakyan ay may nakasulat nang "Bawal umihi dito".
2. “TBS!” / “AKRHO, TAU GAMMA WAS HERE!”
Mga street gang graffiti na parang calling card ng barkada. Parang sinasabi nilang, “Hoy, dumaan kami rito, may spray paint kami, at wala kaming assignment.”Bonus points kung may pa-3D effect o skulls. Sometimes, may date pa: “AKRHO – 2002!” Dito sa bansa natin uso ang mga gangster, at kung may mga gangster meron ding vandalism. Kahit pa sa pinakamalilinis na pader ay walang awang bababuyin ng mga street gangs ang mga ito. Kaya ang kawawang may-ari ng pader, kinabukasan ay magugulat na lang siyang may malaking hugis titi na drawing sa pader niya o kaya ay pangalan ng gang na gumawa ng bandalismo.
3. “I ♥ U Mahal, Sorry na”
Ito yung mga tipong pader ang naging diary ng pusong wasak. Minsan makikita mo:
“Sorry Mahal, Hindi ko na uulitin. I LOVE YOU!”
Ang Pinoy likas na maramdamin, kaya kahit saan sila abutin ng emosyon na nararamdaman nila tungkol sa pag-ibig, pagkabigo man ito o katagumpayan ay naisusulat nito ito minsan sa likod ng upuan ng bus, sa mga banyo, pader ng banyo katulad ng mga public CR ng mga gas stations. Marami akong nakikitang sulat sa pader ng pampublikong CR.
4. “MAGTRABAHO KA, TAMAD!”
Ito naman yung mga makikita mo sa pader na motivational quotes... na may kasamang insulto. Pero hindi nila alam na sila mismo nakagawa na ng hindi maganda sapagkat sila'y nag-bandalismo. Sobrang encouraging, parang sinigawan ka ng nanay mo habang may megaphone. Pero minsan effective — nakakapagpaisip ka kung tama pa ba ang life choices mo habang dumadaan ka sa pader na to.
5. Drawing ng mga di-matingkalang nilalang
Mga graffiti ng alien, sabog na Pikachu, o minsan mukha ng kakilala mo na tinabla ng tropa. Talaga namang obra ng bored na kabataan na may pangarap maging artist pero wala sa lugar. Marami sanang tarantado este talentadong Pinoy na magaling sa pagdodrowing pero imbes na sa canvas sila gumagawa ng kanilang obra maestro ay sa pader ito minomonstra.
6. BAWAL UMIHI DITO, SI IVANA ALAWI LANG ANG PWEDE!
May sense of humor ang may-ari ng bakod na to. Minsan effective naman at dahil natawa siya sa simpleng warning sa pader ay hindi na niya yun gagawin.Pero karamihan ng Pinoy kapag nakita ito mahilig mag selfie sa mga ganitong signage pero hindi naman talaga sila iihi. Ito ay para lang i-post sa social media. Kaya biglang instant sisikat ang pader di ba Ivana?
Nung kabataan natin nagagamit rin natin ang pader sa paglalaro. Kung naglalaro ako ng taguan at medyo tinamad mag-isip ng tataguan eh gagamitin ko ‘tong pader. Magtatago lang ako sa tabi nito at aabangan lumapit ang taya. Kapag malapit na siya eh biglang takbo na lang at dadaanin ko na lang sa bilis ng takbo.
Maganda rin ‘tong laruan ng tau-tauhan lalo na kapag may butas na ang mga pader na halo blaks. Pwede mo sila isiksik dun at kunwaring nagtatago sa mga kalaban. Magkakaroon na ng instant headquarters ang tau-tauhan mo. Ang mga butas na ito ang nagsisilbi ring hawakan at tapakan natin para maka-akyat sa pader nang makaupo sa ibabaw. Ang kadalasan nga lang gumagawa nito eh ang mga lider o ang maliliksi sa tropa.
Hollow blocks na kabit-kabit. Walang palitada. ‘Yan ang klasik na pader na nakikita ko araw-araw. Okay din kapag may mga lumot, masarap kutkutin e. Dahil bata pa ako nun, parati kong napapansin ‘yan dahil parati akong nakadungaw sa bintana ng kotse kapag may pinupuntahan kame.
“Bawal magtapon ng basura dito. Multa 1,000.” Pero ang dami namang nakatambak na basura. Ang galing!
Kapag mababa lang ang pader e masarap ding tambayan ‘to. Umuupo ako sa taas. Kahit walang sandalan ok lang. Masarap magkwentuhan sa tuktok ng pader e, subukan niyo. Tapos pwede ring tawirin niyo ‘yung ibabaw ng pader from point A to point B. Ang sarap tumalon diyan. Para kang action star kapag naglalaro kayo ng Langit-Lupa. Nakakamiss!
Sinabitan din namin ng shoot-an sa basketball ang pader. Syempre nakakaadik maglaro ng basketball kaya buti nalang may pader na pwedeng sabitan.
Sino nga ba ang hindi gumamit ng butas ng pader para manilip?! Sino?! Sinooooo?! Basta may chicks sa kabila, pwede na! Hahaha. Syempre ako ang taga-saway sa mga kaibigan ko. “Hoy, ‘wag nga kayong manilip!” "Ako naman ang sisilip".
Ang mga pader sa Pilipinas ay hindi lang konkretong harang — sila ay pahayagan ng masa, bulletin board ng bayan, at minsan love letter ng mga sawi. Nakakatawa man ang iba, may tama rin sa puso, sa utak, at sa sikmura (lalo na ‘yung may BBQ promo).
Kaya next time na maglakad ka sa kalye, wag puro cellphone. Tumingin ka rin sa mga pader. Baka makita mo ang:

Comments