top of page
Search

My Childhood

  • Writer: Jack Maico
    Jack Maico
  • Apr 9
  • 4 min read

Naaaala mo pa ba sila?
Naaaala mo pa ba sila?

Dumarating talaga ang panahon na gusto nating bumalik sa masasayang alaala ng ating pagkabata. Sino nga ba ang ayaw nun? Napakababaw pa ng ating kaligayahan at hindi tayo madaling ma-depress kapag wala tayong pera. Ang tanging problema lang natin ay kung paano nating uubusin ang ating oras pagkagising sa umaga kung paano ito gugugulin sa loob ng bente kwatro oras kasi wala naman tayong pakialam mga musmos sa ating oras noon. Hindi uso yung mga quarter-life at half-life bullshits. Isa pa sa problemang kinakaharap nating mga kabataan noon eh kung paano takasan yung pagtulog sa hapon para maglaro sa kalsada bago bumaba ang araw.


Pero looking back, marami rin akong ipinagpapasalamat na matanda na ako. Isa kasi akong batang-kalye. Basang sisiw kapag tag-ulan at basang sisiw din sa pawis kapag mainit naman ang panahon. Pwedeng bata sa commercial ng Tide o Downy ako siguro yung modelo na batang gusgusin at gagamitin yung karungisan ng damit ko para gamitin ang produkto ng panlaba at pampabango ng mga labada at presto malinis na ulit ang batang uhugin. Hari din ako ng kakengkoyan in short, batang abnormal.



Eraserheads - Sembreak

  • Hindi ako marunong mag sintas ng sapatos. Natuto lang ako noong high school. Kahit anong pagtali ay hindi ako marunong. Kab Scout noong elementary pero nevery natuto sa mga lubid-lubid na magbuhol ng kung ano-ano.

  • Past time ko sa umaga ang pumatay ng langaw sa bakuran. Nakaka 30 + ako a day, Kape lang muna sabay magpupunta sa bakuran uupo sa bangkito at simula nang pumatay ng langaw or bangaw gamit ang patpat or fly swatter ni nanay.

  • Hindi ako marunong magsuklay ang alam ko lang na style eh yung suklay na hahatiin ang buhok sa gitna na parang nakabukas na libro. Ang tawag noong 90s ay Keempee.

  • Hilig ko rin mamitas ng paborito naming bulaklak yung ginagawa ng mga teenager sa bulaklak na yun ay pinipitas nila isa-isa sabay sasabhin ang mga katagang "she loves me, she loves me not tapos may nectar yung sa ilalim ng tangkay. Malambot na parang tinik sa dulo ng tangkay tapos pwede dilaan yung dulo kasi matamis. Minsan nilalagay ko yung buong bulaklak sa tenga ko buti na lang di ako natuluyan

  • Salbahe ako noong bata lalo na sa mga pinsan ko. Bibili ako ng Funny Komiks pero hindi ko sa kanila ipapabasa.

  • Hanggat hindi nasisira ang sapatos ko at kailangan muna dumaan sa stages na kailangan lagyan ng rugby hanggat di naghihingalo hindi ako mabibilhan ng sapatos na bago.

  • Meron kaming grupo noong high school ang pangalan ay "Basmbuskiteros" samahan ng mga weirdo at nagogoto o lugaw pagkatapos ng klase.

  • Pinaluhod ako sa asin araw ng Biyernes Santos dahil sa kakulitan, ingay at kung anu-anong pambibiwisit sa kapatid ko.

  • Laging bumabaldog pa rin sa bike noong maliit pa kahit may dalawang gulong na sa gilid yung bisikleta kaya ang mga tuhod ko ay maraming marker ng peklat.

  • Dadalhin ako kay Mang Demet ang aming official na manghihilot sa tuwing lamig ako sa katawan at pagkatapos nun pag-uwi ay bibilhan ako ng Minute Burger sa kanto, Kaya masarap minsan magkasakit noon kapag bata ka. Ramdam mo yung binibeybi ka talaga sa asikaso.

  • Memorize ko ang lahat ng version ng "Ikaw pa rin" (Saigono iwaki, my one and only)

  • Ang dami kong laruan na robot at kotse-kotsehan na laging ipinapadala ni erpats galing Saudi pero wala na akong na recover pagkalipas ng maraming panahon. Yung iba binaha, yung iba naiwan sa lumang bahay paglipat namin sa bagong bahay.

  • Ako ang dakilang tagahintay kay mamang kartero kapag narinig ko na ang mala-radyong commentator na boses niya sa kapitbahay ay kumakaripas na agad ako ng takbo sa aming pintuan para i-receive ang sulat na galing sa tatay ko sa Saudi.

  • Kapag walang sulat si tatay pagkalipas ng dalawang linggo ay aligaga na nanay ko.

  • Pinasakay ako noon sa palanggana sa loob ng bahay noong binaha kami sa aming kalye kasi may bagyo.

  • Tanda ko pa na mayroon kaming vintage na rug na nakadisplay sa aming dingding yung mga asong naglalaro ng billiards. Isa yan sa highlight na gamit noong 90s. Isama mo pa ang picture ni McGyver na nakadikit sa gilid ng hagdanan namin.

  • Uso din noon ang bold na kalendaryo ng mga babaeng Japanese, naalala ko sa likod ng pintuan ng kwarto ni tito may kalendaryong hubad at ang pangalan ng babae ay Maiko, sabi ko naks kaapelyido namin iba lang ang letrang ginamit imbis na C ay K. Lagi ko yung pinagmamasdan sa tuwing bibisita ako sa kwarto ni tito.

  • Wild ang mga kaklase ko sa 90s era kasi nagdadala sila ng garter snake sa loob ng classroom ilalagay sa bag ng walang kamalay-malay para takutin at gulatin.

  • Naging past time din sa classroom ang sabong ng gagamba. Lahat sila may baong posporo at barbecue stick kapag recess na sabong na rin ng gagamba.

  • Lagi ako nanonood ng shooting ni Ace Vergel malapit sa amin sa looban.

  • Naadik ako sa Mortal Kombat at Contra na video game simula noong isinama ako ng mga kaklase ko. First time kaya patok na patok sa akin.

  • Palagi nila akong binoboto na secretary kasi maganda daw akong magsulat para may tagasulat si mam ng lesson niya sa blackboard ang siste ako ang walang lesson na naisulat kaya kokpyahin ko rin sa kwaderno yung isinulat ko.

  • Hindi ko trip kapag trumpo na ang laro hindi nga kasi ako marunong magtali.

  • Una kong nakakita ng bampira sa litratong ipinakita ng pinsan ko at ilang linggo rin akong hindi nakatulog sa gabi.

  • May alaga akong aso pero noong lumipat kami hindi namin siya naisama, naiwan sa mga tita ko at bago sila naman ang lumipat ay nanghina at namatay daw sa kalungkutan si Doggie. Kaya simula noon ipinangako ko sa sarili ko na lubos kong mamahalin ang mga aso pati na rin ang mga pusa.

  • Noong bata sobrang saya sa damdamin ko ang Kapaskuhan hindi dahil sa mga regalo at pagkain kundi dahil sa hindi maipaliwanag na galak tuwing sasapit ang Pasko lalo na kung simula mo na maririnig ang mga Christmas songs sa radyo.

  • Sobrang attached namin sa Music Countdown ng WLS FM with the Triggerman tuwing linggo habang naglilinis o nagbubunot ng sahig ay lagi kaming naka-tune sa istasyon na ito.


May mga bagay na masarap balikan at may mga alaala talagang gusto mo nang kalimutan.

 
 
 

Comments


Join my mailing list

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page