Nobentimeline: Ano Ang Mga Nangyari Noong 1992?
- Jack Maico
- 1 day ago
- 16 min read

Taong 1992 ito ang taon ng pagpapalit ng administrasyon. Dito rin ay unti-unti na ang transisyon ng buhay patungo sa modernisasyon. Ang mga batang 90s na ipinanganak sa kalagitnaan ng dekada 80 ay magsisimula ng bumuo ng kanilang mga core memory ng kanilang kabataan. Bagaman nag-aalisan na ang ilang mga sundalong Amerikano sa Clark dahil sa pagsabog ng Mount Pinatubo at ang pagwawakas rin ng kasunduan sa pananatili nila sa ating bansa. Sa taong ito ang ilang mga naiwan pa sa Subic Bay ay tuluyan ng mamamaalam sa Pilipinas. Sa nalalapit namang pagtatapos ng administrasyong Aquino ay halos inalis din ang lahat ng bakas ng pamumuno ni dating Pangulong Marcos at ipinagpapatuloy din ang pag-iimbestiga sa sinasabing mga ill gotten wealth. Subalit narooon pa rin ang pagnanasa na mapag-isa ang ating bansa ay nagpapatuloy pa rin ang pagkakabahabahagi lalo na sa pulitika ito'y dahil na rin nga sa kanya-kanyang interes. Kaya naman maipapasa pa rin sa susunod na administrasyon ang hati-hating bansa. Sa taong ito ang isa sa magiging anthem ng mga kabataan ay ang Next In Line ng After Image na mula sa album na Touch the Sun, kung saan sa kahit anong oras ng araw ay maririnig mo ito sa mga radyo.
Sa taon ding ito, bagaman kumalma ang ilang mga natural disaster ay hindi pa rin naman maiiwasan ang mga sakuna, ito'y nang bumungad sa taon ang Philex mining incident nang mawasak ang isa sa kanilang mga dam kung saan nakadeposito ang mga tinatawag na tailings o yung mga residue ng minahan sa madaling sabi yung mga chemical. Tinatayang mga nasa 5 million metric tons na tailings ang dumaloy sa halos 5,000 ektaryang kalupaan kabilang ang mga taniman. Ang mga kemikal na ito ay dumiretso din sa Agno River kung saan nakapinsala ito sa ilog. Ang lindol noong 1990 ang sinasabing dahilan ng paghina ng dam. Sa sports naman, January 12 naman nang pumasok sa PBA si Aerial Voyager, Vergel Meneses mula sa Jose Rizal Unicersity, ito'y bilang first overall pick sa draft ng taong iyon kung saan sa pagpasok niya sa liga ay agad siyang makikilala dahil sa kanyang mga hang time acrobatic at nagkape pa sa moves at dahil sa kanyang galing, taong 1995 na itatanghal siyang MVP.
January 15 naman n ipanganak ang Philippine Eagle na si Pag-Asa, siya ang kauna-unahang Philipine eagle na na-breed in captivity sa panahon. Kasi ngayon ay kumokonti na ang bilang ng mga Philippine Eagle sa ating bansa ito'y dahil na rin sa mga panghuhuli ng mga tao sa pamamagitan ng cooperative artificial insemination technique ay isinilang nga itong si Pag-Asa. Siya ay naging simbolo ng pagpapatuloy ng buhay ng mga kapwa niya agila at maging ng mga Pilipino. Layunin ng Philippine Eagle Foundation na maparami ang lahi nitong si pag-asa kaya naman noong 2013 ay isinilang ang kanyang anak na si Mabuhay, ang anak niya sa agilang si Kalinawan. January 26, 2021 nang bawian ng buhay itong si Pag-Asa sa edad niyang 28 dahil sa isang komplikasyon. January 26 naman na magpasimula ng mag-operate ang Sky Cable. Nai-broadcast nito ang Super Bowl at ang 1992 Summer Olympics, katuwang ang ABS-CBN at 1993 ng tuluyang dumami ang mga channels nito kung saan dagdag ang ilang mga sikat na channel international gaya ng ESPN, NBC, CNN at marami pang iba at sa pagpasok naman ng buwan ng Pebrero ay bumungad ang isang malungkot na balita ang pagkamatay ng aktor na si Jay Ilagan, ito ay dahil sa isang motor accident sa edad niyang 37 ay binawian siya ng buhay noong February 4, 1992. Itong si Jay Ilagan ay isang magaling na aktor at masasabi ring naging isang matinee idol, bagaman saglit lang ang inilagi niya sa mundo ay nakilala pa rin siya sa ilang mga pelikula katulad ng Tubig sa Ginto at Kisapmata at naging bahagi rin siya ng comedy show na Going Bananas.
February 8, sa taong ito ay naganap naman sa Albertville sa France ang 1992 Winter Olympics kung saan nagkaroon tayo ng isang pambato lamang ang Alpine Skier na si Michael Teruel. February 10 din sa taong ito ay magsisimulang ipalabas sa ABS-CBN ang TV show o teleserye na Valiente, ito a pinagbibidahan nila Michael de Mesa bilang Gardo Valiente, Tirso Cruz III, bilang Theo Braganza at marami pang iba. Sa mga batang 90s ang pagpapalabas nito matapos ang Eat Bulaga ay hudyat na ng oras ng pagtulog sa hapon o sa tanghali. Dahil kung hindi ka matutulog ay tiyak na magbubunot ka ng uban o hindi kaya ay mapapalo ka ni nanay o ni lola. Ipinalabas ang Valiente sa ABS-CBN mula 1992 hanggang 1995, at sa GMA 7 naman mula 1995 naman hanggang 1996. February 14 naman sa edad ng 45, ay binawian ng buhay ang premyadong TV personality na si Helen Vela, sa kabila ng kanyang kasikatan ay maaga siyang binawian ng buhay ito'y dahil sa karamdaman. Siya ay nakilala dahil sa programang Lovingly Yours, Helen sa GMA 7, ang programang ito ay nagsimula pa ng Dekada 80 sa radyo at nang bawian naman ng buhay itong si Helen Vela ay pumalit naman sa kanya bilang host ng programa ang kanyang anak na si Princess Punzalan. Sa panahong ito ay naroon pa rin at patuloy na umiiral sa bansa ang mga rebeldeng grupo na NPA kung saan ng February 15, ay inambush nila ang isang military convoy sa Marihatag, Surigao del Sur kung saan napatay ang 4 na mga sundalo.
February 21 naman nay magbubukas ang ABC 5 TV station matapos itg maipasara noong panahon ng Martial Law at sa muling pagbubukas nito ang istasyon ay nagkaroon ng rebranding kaya naman ang ABC ay naging Associated Broadcasting Company na. Katapusan ng taong 1991 na magsimulang mag-test broadcasting hanggang sa tuluyan na nga itong magbukas sa taong 1992. Sa muling pagbubukas, syempre nariyan ang pagkakaroon ng mga bagong programa dahilan para maraming programa sa TV ang nagsimula sa taong ito. Sa paglipas ng mga taon ay naging mabilis ang paglago ng TV station isa rin sa mga naging programa ng ABC 5 at nagbalik din ay ang programang TV news, ang news program kasing ito ay dati na ring programa bago pa man magsara ang istasyon at sa muling pagbabalik ng TV station at ang programa nitong si Tina Monzon Palma ang naging anchor nito. Kaya naman bilang batang 90s kung maalala mo kapag hindi ka pa makatulog o hindi ka pa inaantok at naglilipat lipat ka pa ng channel habang naghahanap ng mapapanood ay tiyak na madadaanan mo ang programang The Big News.
Pagpasok naman ng buwan ng Marso, March 6 ng umere sa channel na New Vision 9 ang programang America's Funniest Home Videos o kilala din sa tawag na America's Funniest Videos. Itong programa na mula sa international channel na ABC ay isang television network sa America. Ang programa ay koleksyon ng mga nakakatawang video clips mula sa mga senders o mga viewers. Isa ang programang ito sa nagbigay ng halakhak sa mga Pilipino noong dekada 90. March 30 naman nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang Miss na Miss Kita, Utol Kong Hoodlum Part 2 na pinagbidahan pa rin nitong sina Robin Padilla at Vina Morales. Ang pelikulang Utol kong Hoodlum Part 1 at Part 2 ay tumabo sa takilya na sinubaybayan talaga ng mga fan ni Robin Padilla. Sa panahong ito ay maraming gumagaya sa kanya, sa kanyang pananamit at pananalita. Dito rin sa pelikulang ito na Utol kong Hoodlum Part 2 sinasabing naaksidente o nasunog ang kamay nitong si Robin Padilla. March 20 naman hanggang March 28 nang ganapin sa Pilipinas ang Men's Softball World Cup o kilala din sa tawag na ISF Men's World Championship isang kilalang international softball tournament. Ito ay ginanap sa mga siyudad ng Maynila at Pasig kung saan ay iba't-ibang bansa ang naglaban-laban kabilang ang Pilipinas, ang bansang Canada ang tinanghal na kampeon kasunod ng mga bansang New Zealand United States at Japan.
Sa araw din ito March 20 ng unang lumabas ang serye ng kwento ni Combatron sa sikat na Filipino Funny Comics ang Combatron ay likha ni Berlin Manalaysay. Sa unang episode nito ay ipinakita ang kwento nitong si Empoy, isang batang ulila na makikilala itong si Combatron at ang asong mekanikal na si Askal. itong si Combatron ay mula sa Planetang Omnicron at napadpad sila sa Planetang Earth para takasan ang karahasan sa planetang ito kaya naman nang bumagsak sa mundo ang sinasakyan nilang spaceship sa pagkakataong ito ay sugatan itong si Combatron. Nang makita siya ni Empoy at dahil nanghihina na ay pinasa na lamang nitong si Combatron ang kanyang kapangyarihan kay Empoy kaya naman itong si Empoy ang naging bagong Combatron na haharap sa mga masasamang robot mula sa Omnicron. Ang Funny Comics ay isa sa mga naging libangan ng mga batang 90s kung saan ay inabangan din dito ang mga kwento ng Planet of the Apes, Niknok, Pitit at marami pang iba. Sa taong ding ito 1992, ay magsisimula rin ang gagawing paglathala ng Precious Pages Corporation ng mga pocketbook na tatawaging Precious Hearts Romances, agad itong pumatok sa mga mambabasa kung saan merong mga nakakapagbasa ng kwento nito na dalawa hanggang tatlo sa loob ng isang araw, yung tipong habang nagsasaing tapos maamoy mo na lang yung sinaing mo na sunog na. pero kasi ako sa part ko ang binabasa ko ng mga panahong iyon ay ang mga pocketbook ng JC Files pocketbooks. Hindi ko pa nga makakalimutan ang pinakaunang issue nito ang Dugo ng Karimlan. Ilan naman sa mga manunulat na sila Martha Cecilia, Rostan Amanda Moreno, Cora Clemente at marami pang iba. Sa buwan naman ng Abril, April 30 nang ini-launch na ng GMA Network ang kanilang Rainbow Satellite, ito'y para mas lalong lumawak ang maaabot ng kanilang pag-broadcast at mga programa dahil makakarating na ito sa halos kabuan ng ating bansa at maging sa International sa Southeast Asia sa mga American cities at Latin America. At sa taon ding ito 1992, na magsimulang ma-broadcast sa IBC 13 ang charismatic group na El Shaddai na pinamumunuan ni Mike Velarde. Pagpasok naman ng buwan ng Mayo, May 4 nang umere sa ABS CBN ang programang Hoy Gising, orihinal itong segment sa TV Patrol ni Frankie Evangelista hanggang sa maging isang programa na rin ito isa itong Public Service program na tumutulong sa mga kapwa at kumakalampag naman sa mga autoridad para naman matugunan ang mga problema ng ating lipunan. Ang mga naging orihinal na host nito ay sina Ted Failon at Korina Sanchez pero sa paglipas ng mga taon ay napalitan din sila. Dahil naman sa dinaranas na ill nino ng ating bansa, sa taong ito kung saan ilang buwan ng hindi umuulan May 10, 1992, nang isinagawa ang isang prayer rally ng religious group na Jesus Miracle Crusade o JMC para humiling ng ulan ito'y sa pangunguna ng leader nila na si Wilde Almeda pero bago ang araw na iyon ay hinamon pa nga nitong si Almeda ang ibang mga sekta na sila raw ang manalangin at magpaulan para nga matugunan ang problema ng bansa sa El Niño, pero walang tumugon dito at ng araw nga ng prayer rally nitong si Almeda ay nagulat ang lahat ng biglang umulan.
May 11 nang isinagawa ang 1992 Philippine Presidential at General Election kung san boboto ang mga Pilipino ng bagong Presidente, Bise Presidente, kung saan pwede rin silang pumili at muling maghalal hanggang sa mga konsehal sa botohang ito ay tumakbo sa pagkapangulo itong sina Fidel Ramos, Miriam Santiago, Eduardo Danding Cojuangco Jr, Ramon Mitra Jr, Imelda Marcos, Jovito Salonga at Salvador Laurel kung saan nanalo itong si Fidel Ramos at nakuha naman ni Joseph Estrada ang pagiging Vice President. Sinasabing ang 1992 Presidential election ng ating bansa ay isa sa pinakamakulay at kontrobersyal na eleksyon. Makulay dahil sa pagkakahati-hati ng mga boto ng bawat Pilipino. Kasi ay may kanya-kanyang gusto. Kaya nga hindi masasabing landslide ang pagkapanalo nitong si Fidel Ramos. Kontrobersyal naman dahil sa sinasabing dayaan daw na nangyari, sa panahon kasing iyon ay sikat din talaga itong si Miriam Santiago kaya naman marami ring nag-e-expect na baka siya ang manalo. Sinasabing sa mga unang araw pa nga ng bilangan ay siya talaga ang nanguna at nahabol na lang ito ni Fidel Ramos sa panahon din kasi noon ay mano-mano talaga ang bilangan kaya naman hindi rin maiiwasan ang kaguluhan at inirereklamo nga nitong si Miriam ang pagkakaroon daw ng mga power outages ay ang naging pagkakataon para magkaroon ng dayaan. Ito rin naman ang pananaw ng ilang mga Pilipino. Bagaman siya ay nagprotesta ay dinismis lang din naman ng Supreme Court ang kaniang apila. Samantala sa eleksyon ding ito ay nanguna naman sa pagkasenador ang Quezon City Vice Mayor na si Tito Sotto.
May 16 naman nasimula namang umere ang Youth Oriented Informative at Magazine show na 5 and up sa ABC 5, kung saan ilan sa mga naging host nito ay sina Atom araullio, China Ortaleza, Zach Yuzon, Justin De Jesus at ang magkapatid na Ron at Raver Cruz, at marami pang iba. Dahil sa magandang konsepto at hatid na kaalaman, ang programa ay nakakuha ng maraming mga parangal matapos ang presidential election. May 22 na maging full pledge province na ang Guimaras mula sa pagiging subprovince nito ng Iloilo, ito'y matapos ang isinagawang plebisito na pumabor naman sa pagiging independent nga ng Guimaras at kalaunan ay na-assign dito ang kauna-unang Gobernador ng lugar na si Emily Relucio Lopez at sa bandang ito ay pinalabas sa mga sinehan ang pelikulang Aswang na pinagbidahan naman nitong sina Aiza Seguerra, Manilyn Reynes at Alma Moreno. Ang pelikulang ito ay ang isa sa mga tumatak na pelikulang aswang nung panahong iyon sa mga kabataan sapagkat sa panahong iyon ay usong-uso talaga mga kwentong aswang, manananggal at kung anu-ano pa na mulao sa Capiz at Siquijor.
May 25 naman ng maganap ang isang tragic marketing disaster sa bansa ang Pepsi Number Fever o ang 349 incident dahil nagkaroon kasi ng promo ang Pepsi company na kung matatapat sayo ang mga tanasn ng Pepsi, 7 Up, Mountain Dew at Mirinda na merong kaukulang halaga at security code, at merong tatlong winning number na ina-announce sa TV Patrol ay mapapasayaw sa halaga ng nakasulat sa tansan at kung tama rin ang security code nito sa unang ratsada ng promo nito ay marami ang nakatanggap ng premyo kabilang ang 1 million jackpot kaya naman humaling na humaling ang mga tao. May mga nagsasabi pa nga na kahit daw pagbili ng bigas ay binibili na ng Pepsi dahil nagbabakasakaling manalo. Kaya nga lang sa ikalawang wave ng promo kung saan naextend ito dahil nga sa paglaki ng benta ng kumpanya ng Pepsi ay nagkaroon ng aberya, kung saan sinasabing nagkaroon daw ng computer error nang ito'y makapagprint ng walong libong tansan na merong number na 349. Dinumog ang mga warehouse at ang mga bottling area ng Pepsi para kubrahin ng mga tao ang kanilang napanalunan. Agad nagkaroon ng meeting ang Pepsi dahil alam nilang merong maling nangyari. Hindi nila kayang bayaran ng napakaraming mga taong ito. Sa kabila ng paliwanag ng Pepsi na nagkaroon ng error ay hindi pumayag ang mga claimants dahilan para magkaroon ng mga kaguluhan na umabot pa nga sa nagkaroon ng binawian ng buhay. Merong ilang mga pumayag at tinanggap na ang Php500 bilang pampalubag loob dahil alam naman nila nagkamali lang talaga ang Pepsi, pero hindi lahat ng tao ay ganon mag-isip, ito'y dahil marami pa ring nagpatuloy na lumaban para makuha nila ng buo ang kanilang premyo. Meron pa nga daw mga nag-resign sa trabaho, nakipaghiwalay sa asawa, at lumawas pa mula sa probinsya. Ganoon katindi pero bandang huli ay umabot na sa Korte Suprema ang kaso. Ang naging desisyon ay pumabor sa Pepsi, ito'y dahil ang mga tansan ng mga libo-libong nagrereklamo ay wala namang nakalagay na tamang security code para nga masabing ikaw talaga ang nanalo. Bagaman ganoon ay nagbigay pa rin ng Pepsi ng tig 30,000 sa ilang mga lumaban hanggang sa huli. Samantala ang araw din na ito May 25, ang araw din ng paglipat ng programang Television Guesters ng TVJ ito'y mula sa Island TV 13 ay lumipat ito sa ABC 5.
Sa katapusan naman ng buwan, May 30 ay nai-launch naman ang bagong TV station ang SBMO Southern Broadcasting Corporation. At pagpasok naman ng buwan ng Hunyo, June 7 ay ginanap naman sa bansa ang 30th Chess Olympiad ito ay ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay. Nasa isandaan at dalawang team ang lumahok dito mula sa iba't ibang bansa kung saan sa men's event ang nagwagi ng gold ay ang team ng Russia kabilang itong si Gary Kasparov, silver naman ng Uzbekistan at bronze naman ng Armenia at sa Women's event naman naka-gold naman ang Georgia, silver naman ang Ukraine at bronze naman ang China. Sa buwan ding ito ng June 1992 ay gumawa ng ingay ang aktor na si Roy Alvarez at ang kinabibilangan niyang grupo na etcetera. Ang grupo ng mga nag-iimbestiga at naniniwala sa existence ng mga alien, kung saan ay nagkaroon pa nga ng pagkakataon na hinintay nila ang pagpapakita ng mga alien sa Manila at sa Pila, Laguna. Ang pangyayaring ito ay kumuha tuloy ng atensyon na bagaman sa bandang huli ay wala rin naman silang nakita sa kalangitan.
June 30 ang inauguration ni President Fidel Ramos, tuluyan ng ipapasa sa kanya ang pagkapangulo ni dating Pangulong Cory. Ito'y bilang ika-labindalawang Pangulo ng Pilipinas. Ang inagurasyong ito ay naganap sa Quirino Grandstand at si Pangulong Fidel Ramos ay nanumpa kay Chief Justice Narvasa at sa bansa. Sa buwan naman ng July sa buwang ito sinasabing nagsisimula ng i-record ng bandang Eraserheads ang kanilang kauna-unahang album ang Ultra Electromagnetic Pop. July 10 nang pumasok naman sa bansa ang bagyong Onsing kung saan nag-iwan ito ng tatlong patay at July 18 naman nang magsimula ang Philippine Quiz show na Battle of the Brains na umere sa New Vision 9 o sa RPN 9 na naging host itong si David Celdran. Ang quiz show na ito ay bukas sa elementarya, high school at college level. Bago pa man ang LG quiz, Game ka na ba, Weakest link ay ito talaga ang quiz show na tinututukan ng mga mahilig matuto, mga mahilig sa General Knowledge at yung tipong sumasagot din habang nanonood lang. July 25 naman na magsimula ang 1992 Barcelona Summer Olympics kung saan ay nagpadala tayo ng 26 na manlalaro kabilang itong sina Roel Velasco at Roberto Jalnaiz sa boxing at Eric Buhain naman sa swimming. Nagtapos ang ating bansa na makakuha tayo ng isang bronze sa boxing mula kay Roel Velasco nakakuha rin sana tayo ng dalawang bronze sa taekwando mula kay Stephez Fernandez at Beatrice Lucero kaya nga lang dahil sa ang sport na taekwando ay nabibilang lamang sa demonstration events, ang kanilang mga medalya ay hindi naibilang sa medal tally ng bansa kaya naman isang bronze medal lang talaga ang masasabing nasungkit ng bansa.
Sa buwan naman ng August ng ma- launch ng Midway Games ang video game na Mortal Kombat, isa itong itong fighting game na sisikat katulad ng Street Fighter. Lumabas ito sa mga iba't ibang game platform kabilang and Sega Mega Drive, Sega Mega Genesis at ang Super Nintendo Entertainment System. Sumikat ang larong ito dahil sa makatotohanan nitong graphics, magagandang moves at ang kontrobersyal na karahasan. Sa larong ito ay sumikat ang mga salitang finish him at fatality at dito rin magsisimulang panahon na kasagsagan ng mga arcade sa Pilipinas at panahon din na maraming nagka-cutting classes para lang makapaglaro. Agosto rin nang magsimula ang programang Showbiz Lingo, isang Philippine weekly entertainment talk show na ang host ay sina Cristy Fermin at Butch Francisco. August 17 naman nang magpasimula ang programang Mara Clara ng ABS-CBN na pinagbibidahan nitong sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes. Isa itong teleserye na merong tema ng baby switching kung saan magkakapalit ang buhay ng dalawang leading star. Si Mara o sa Judy Ann na dapat nasa mayaman ay mapupunta, sa mahirap naman itong si Clara o si Gladys Reyes. August 28 naman nang magbukas ang Edsa Shangrila, isa itong Five Star luxury hotel sa Ortigas Center na isa sa mga hotel na minamanage ng Shangrila Hotels and Resorts. Isang kasaysayan naman ang naganap noong August 29, 1992, na makuha ang team na mula Zamboanga sa Pilipinas ang kampeonato sa 1992 Little league World Series isang international baseball tournament sa mga batang may edad 10 hanggang 12 at ito ay ginanap sa Long Beach California. Okay na sana dahil champion nga tayo kaya nga lang ay natuklasan na meron palang violation ang ating bansa, ito'y sa rules ng edad o overage at sa residency at dahil sa mga isyung ito ay nabawi ang titulo ng team ng Pilipinas.
September 13 ang tuluyang turnover ng mga Amerikano ang Subic Bay Naval Base sa mga Pilipino at tuluyan na nga nilang nilisan ang ating bansa. Sa buwan naman ng Oktubre ng muling magre brand ang Channel 13. Ito'y mula sa Island TV 13 ay bumalik ito sa IBC na Intercontinental Broadcasting Corporation kung saan sa mga panahon ding ito ay nakikilala ang ilang mga programa lalong-lalo na ung mga Tokusatsu tulad ng Maskman at Machine Man na tinangkilik din naman ng mga batang 90s dahil halos lahat naman ng mga Tokosatsu ng panahong iyon ay talagang patok. Wala naman siguro makakalimot kay Buknoy the fighting ball. October 5 nang i-launch ang kantang Isang linggong pag-ibig ni Imelda Papin na talaga namang kinakanta ng mga Pilipino noong panahong iyon mapabata man o matanda. Ilang araw lang, October 19 naman nang magsimula sa ABS-CBN ang comedy show na Ang TV. Sinasabing hango ito sa ilang mga palabas sa ibang bansa at ang 1970 kiddie show, ang Kaluskos Musmos. Wala sigurong makakalimot sa mga salitang esmyuskee at ang "4:30 na ang TV na", sa apat na season ng programa mula 1992 hanggang 1997 ay napakaraming ABS-CBN kids and teen talents ang nakasali dito at dahil din sa kilig at kasikatan ng programa ay nagkaroon din ito ng pelikula noong 1996 ang Ang TV Movie: the Adarna Adventure. Buwan naman ng Nobyembre, November 11 nang ipalabas sa mga sinihan ang pelikulang Aladdin na gustong-gusto ng mga bata nung panahong iyon at siyempre proud Pilipino din tayo dahil bahagi ng pelikula ang ating kababayan na si Lea Salongga kung saan ay ginamit ang kanyang boses bilang singing voice ni Jasmine.
Ewan ko na lang kung hindi ka natawa nang mapanood mo ang pelikulang Ano ba yan ni Bossing Vic Sotto na ipinalabas naman noong November 25, 1992 at dahil naghit naman ang kuwelang pelikula ay nagkaroon pa ito ng part 2 nung 1993 ang Ano ba yan part 2, sa buwan naman ng Disyembre ay magsisimula rin ang anthology ng panonood ng mga batang 90s ng mga anime show na merong dalang kasiyahan at kurot sa puso dahil umere noong December 7 ang Cedi ang Munting Prinsipe. Kung magtatanong ka sa isang lumaki sa henerasyong ito, kung ano ang mga paborito niyang palabas nung bata siya ay tiyak na makakasama sa listahan ang Cedi. Grabe rin naman kasi ang istorya na kahit pa ang mga magulang ay kasamang nanonood ang kanilang mga anak at dahil nga sumikat din ito ay nagawan din ito ng movie version na pinagbidahan naman ni Tom Taus. December 30 naman nang tanghaling Most Valuable Player ng PBA itong si Ato Agustin mula sa San Miguel Beer. Sa season na ito ay nag-champion sa First Conference ang Shell, sa Second Conference naman ang San Miguel Beer at sa Third Conference naman ay ang Swift Mighty Meaty Hotdogs at bilang regalo din sa mga Pilipino ng ABS-CBN sa buwang ito ay nagsimula namang umere ang Home Along Da Riles isang TV sitcom na pinagbibidahan ng Comedy King na si Dolphy. Kwento ito ng Cosme family na naninirahan sa riles kasama ni Kevin ang kanyang mga anak na sina Bing o si Claudine Baretto, si Bob o si Gio Alvarez, si Bill o si Smokey Manoloto at si Baldo o si Van Dolph. Kasama rin sa istorya ang hipag niyang si Nova Villa o si Ason na merong gusto sa kanya at ang kanyang bayaw na si Richie o si Babalu na lalong nagbigay ng kasiyahan sa nasabing programa.
Sa Metro Manila filmfest naman ay nasama naman ang mga pelikulang Andres Manambit Angkan ng Matatapang, Bakit Labis Kitang Mahal, Engkanto, Okay Ka Fairy Ko part 2, Takbo, Talon, Tili at ang Shake Rattle and Roll part 4. Nanalong Best Picture ang Andres Manambit. Si Aga Muhlach naman ang tinanghal na Best Actor sa Bakit Labis Kitang Mahal at si Gina Alajar sa Best Actress sa pelikulang Shake Rattle and Roll part 4.
Nagpatuloyang buhay sa kabila ng hirap ng mga Pilipino ay ipinagpapasalamat pa rin natin na hindi ganon kalala ang mga nangyari sa taong 1992. Ang mahalaga ng mga panahong iyon ay may nakahain pa rin tayo sa hapag at meron pa ring mga ngiti sa ating mga labi lalo na sa pagdiriwang ng araw ng Kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon ang taong 1993. Sa susunod ay tatalakayin naman natin ang mga kaganapan sa loob ng taon 1993 kabilang dito ang unang taon sa pamumuno ni Pangulong Fidel Ramos, ang pagputok ng Mayon Volcano, ang Pagoda tragedy at ang kasong kinasangkutan ng Calauan, Laguna mayor na si Antonio Sanchez.
Comments