Nobentimeline: Ano Ang Mga Nangyari Noong 1995?
- Jack Maico
- 2 days ago
- 22 min read

🎵 "Kamusta na ayos pa ba ang buhay natin kaya pa ba eh kung hindi paano na? ewan mo ba. Bahala na."🎵
Kung ang taong 1994 ay nababalot at puno ng kaguluhan, sa taong 1995 ay magpapatuloy ito at sinasabing mas lalala pa. Sa nakaraang video natin ay nabanggit ang ikaapat na zona ni dating Pangulong Ramos. Nagkamali tayo doon dahil ikatlong SONA pa lang niya. Ang taong 1994 at itong taong 1995 ay ang kanyang ikaapat na zona. Muli ay magiging priority niya ang pagpapalago ng ating ekonomiya na unti-unti namang naa-achieve ng ating bansa pero hindi naman ibig sabihin ng kapiranggot na pag-angat ng ekonomiya ay ang pagkakaroon na ng pagbabago sa buhay ng mga Pilipino dahil pwede namang tumaas ang ating ekonomiya na nananatiling mahirap pa rin ang karamihan. Sa pagpapalago ng ekonomiya ay naroon pa rin ang programa ng pagkakaroon ng mga foreign investor sa ating bansa ang pag-eexport ng mga produkto at siyempre ang pakikilahok natin sa Uruguay round agreement at ang paglahok din natin sa World Trade Organization. At dahil nga sa patuloy na kaguluhan sa ating bansa ay isusuling ni dating Pangulong Ramos ang anti-terrorism at crime control act nang sa ganoon ay maging maayos ang ugnayan ng gobyerno sa Cordillera at sa Mindanao na paraan na rin para matamo ang kapayapaan. Pero sa taong ito ay malabong malabong makamit ito ng ating bansa. Ang pagsulong ng Agrarian Reform, ang Armed Forces Modernization, ang pagkakaroon ng maayos na relasyon sa Amerika sa kabila na napaalis na ang kanilang mga base sa ating bansa, at ang issue sa China Sea kung saan sa panahon kasing ito, 1995 ay may mga maitatayo ng struktura sa Mischief Riff na bahagi nga ng ating bansa.
Sa taong ito ay mare-release ang album na "Bagong Babae" ng solo singer na si DJ Alvaro, kung saan ay nakapaloob dito ang kantang, "Ang tipo kong lalaki", ang kantang ito ay umagaw ng pansin sa mga tao hindi lamang dahil sa lyrics nito, kundi dahil sa ganda ng melodya kaya naman agad itong sumikat. Tulad naman ng Mandaluyong ng taong 1994, sa taong ito 1995 January 2 nang lagdaan din ni Pangulong Ramos ang Republic Act number 7854, ito'y para sa pagiging ikapitong highly urbanized City sa Metro Manila ng Makati at ang batas ngang ito'y tuluyan ng naaprubahan matapos ang plebisito. Nang sumunod na buwan February 2, maaga namang sumalubong sa taong ito ang isang trahedya o aksidente ng isang bus ng Florida bus lines nang nahulog sa bangin sa Echague sa Isabela kung saan tatlumpu't-isa ang binawian ng buhay at 36 naman ang sugatan. Ayon sa imbestigasyon alas-sais ng gabi umalis sa Maynila ang nasabing bus at karamihan sa mga pasahero nito ay yung mga nagdiwang ng holiday sa Maynila at dakong 3:00 ng madaling araw nang makatulog ang driver ng bus dahilang para mawalan ito ng kontrol na naging dahilan ng aksidente. January 6 naman ng matuklasan ng mga kapulisan sa Maynila ang hideout ng mga terorista na nagpaplanong paslangin si Pope John Paul II. Ang magpasabog ng mga eroplano at ng CIA headquarters o yung tinatawag na Bujinca Flat. Natuklasan ang kanilang kinalalagyan ng aksidenteng magkaroon ng sunog dito, kung maalala niyo ay pinasimulan nga nila ang kanilang misyon nang pasabugin nila ang isang eroplano ng Philippine Airlines at isang Hapon nga ang binawian ng buhay, bagaman nakatakas nga itong si Ramsey Yussef. Pero sa taon nga ito ng 1995 ay mahuhuli nga siya sa Pakistan at dito nga sa ating bansa ay nadakip din ang kanyang mga kasama kabilang itong si Abdul Hakim Murad na isa nga sa mga leader ng nasabing misyon.
January 8 naman nang ganapin ng 1995 PBA draft kung saan ang first overall pick ay itong si Dennis Espino, second pick naman itong si EJ Feihl at third pick si Kenneth Duremdes at nakasama rin dito ang super Rookie na si Jeffrey Cariaso na pang number six sa overall pick at sa ika-1 naman ng Enero sa taong ito ay magpapasimula na ang World Youth Day ito ay selebrasyon ng mga kabataang Katoliko na magsisimula nga sa January 10 hanggang January 16 sa Maynila. Ito'y unang pagkakataon para sa isang bansang Asyano na mag-host ng event kung saan sa pagkakataong ito ay bibisita sa ating bansa si Pope John Paul II. Ito ang ikalawang pagbisita niya sa ating bansa mula 1981 at ang magiging huling pagbisita niya rin sa isang bansa sa pagtatapos ng 20th century. Siyempre alam naman natin na malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ay mga Katoliko kaya naman malaking event talaga ito sa ating bansa. Sa mga sandaling iyon kung saan kahit nga sa mga eskwelahan hindi man makapunta sa Maynila ay nag-practice ng kanta ang mga kabataan ang kantang"Tell The World of His Love", na kinompose ni Trina Bilamide. At noong January 15 na isagawa ni Pope John Paul II ang isang misa sa Luneta kung saan mga nasa apat na milyon ang dumalo dito.
January 13 naman habang ginaganap naman ng World Youth Day sa Maynila ay ito naman ang panahon ng bakbakan ng mga militar ng gobyerno at ng Abu Sayyaf sa mindanao kung saan tinatayang mahigit 40 ang napaslang sa mga bandido at 7 naman sa panig ng gobyerno at sa labanang pangang ito ay makikilala ang kagitingan ni Captain Celito Sohana sa kanyang pamumuno sa labanan kaya naman siya ay ginawaran ng Medal of Valor noong 1996. January 16 naman nang magpasimula ang Destiny Cable, ang isa sa pinakamalaking Cable TV provider sa panahong ito na nasa ilalim din naman ng Sky Cable Corporation. Sa mga panahong ito kapag may cable ka masasabing nakakaangat ka talaga sa buhay at sa mga pagkakataon ding ito dahil dual type na wire lang ang ginagamit ng mga cable company ay nauso rin ang pag-tap sa mga cable line. Yung magugulat ka na lang na palabo ng palabo ang mga channel ng TV hanggang sa matutuklasan mo na lang na isang compound pala sa squatter ang nakakabit.
January 21 naman katulad din ng Mandaluyong at ng Makati naganap naman na maging highly urbanized City ang Pasig na niratipikahan ang Republic Act Number 7829. January 28 mula ABS-CBN ay lumipat ng GMA 7 ang programang Eat Bulaga kung saan ipinalit sa kanilang time slot na naiwan ang 'Sang Linggo Na Po Sila kasama ding lilipat ng istasyon ang teleseryeng Valiente na nasa ilalim din kasi ng Tape Incorporated. Sinubukan kasing bilhin ng ABS-CBN ang broadcast rights ng Eat Bulaga pero hindi pumayag ang may-ari ng Tape na naging dahilan nga ng paglipat nila ng estasyon.
🎵 "Hindi ko pa raw alam kung paano umibig sa kanya sa karanasan daw ako ay hilaw pa mag-aral ka pa yan ang sabi nila" 🎵
Sa taon d ito ay mare-release ang kantang"Sabi Nila", ng bandang Agaw Agimat. Sa gitna ng kasikatan ng mga bandang lalaki ang bokalista ay makikilala sila na babae ang lead vocals. "Lahat tayo ipinanganak na kalbo walang buhok, wala ring kuto", at sa taong ding ito a mari-release din ang "Long Hair" ng bandang The Weed, na isa sa mga kantang kinaaliwan nung panahong 1995. Ito'y dahil sa usong-uso nga ang banda kaya naman usong-uso rin ang mga nagpapa long hair. Sa taong ding ito ay mari-release din ang kantang "Manila Girl" ng bandang Put3ska.
Pagpasok naman ng buwan ng Pebrero ay matutuklasan na ng ating gobyerno ang mga istrukturang binuo ng mga Chinese sa Mischief Reef sa Spratlys o Kalayaan Island Group at ayon sa mga Chinese ay pahingahan lang daw naman nila ito o pahingahan daw ng mga mangingisda, pero nagkaroon pa rin ng legal action dito ang ating bansa at magpapatuloy pa rin. Siyempre ang pagkakaroon ng atensyon sa pagitan natin at ng bansang China sa buwan ding ito February 2 na magpasimula naman ng programang Dong Puno Live, isa naman itong Philippine talk show na ang host ay ang komentarista at abugado na si Dong Puno kung saan ay kasama niya pa nga rito si Doris Bigornia. Tinatalakay nila ang mga maiinit na issue sa ating lipunan at February 2 rin nang malipat din sa GMA 7 mula sa ABS-CBN ang TV Series na Okay Ka Fairy Ko. Sa programa ia-announce na fairy ay si Dawn Zulueta, sa IBC 13 kasi ay si Alice Dixon at sa ABS CBN ay si Tweety De Leon at sa pagkakataon din ito ay makakasama rin sa cast itong si Spencer Reyes.
February 3 naman nang pasimulang ma-establish ang BGC o Bonfacio Global City at tulad nga ng mga napanood mo sa mga ibang vlogger na galit na galit nga kay President Ramos ito'y dahil nga daw mula sa pagiging military headquarters ay pri-nayvitize niya nga raw ang BGC. Sa panahon ni Pangulong Marcos ay naging kulungan ang lugar na ito ng mga political prisoners katulad nila Jose Diokno at Ninoy Aquino at ng ilang mga writers at mga journalist tulad nila Butch Dalisya, Ricky Lee, Ben Benito Lumbera at marami pang iba at sa panahon naman ni Pangulong Cory ito'y bago siya bumaba sa kanyang posisyon noong March 19, 1992 ay nilagdaan niya ang Republic Act number 7227 o ang Basis conversion and Development Authority nang sa ganon ay ma-convert nga ang mga military bases sa isang integrated developments dynamic business centers and vibrant communities at taong 1994 na nga nang aprubahan naman nitong si Pangulong Ramos ang privatization ng Ford Bonfacio, ito'y sa halagang Php2 billion at taong 1995 na nga nang pasimulan na ang pag-develop sa lugar at naging BGC na nga ito sa panahon natin sa kasalukuyan.
February 3 naman nang ipalabas sa mga sinehan ang Mighty Morphin Power Rangers the Movie ito ay dahil sa kasikatan ng TV Series ay nalikha nga ang pelikula na tinangkilik naman ng mga Pilipino. February 5 naman nang i-launch ng ABS CBN ang Prime time on Daytime kung saan ay ma ila-launch nga ang programang Isang linggo Na Po Sila, ASAP at ang Cristy Per Minute at February 14 naman na magpasimula ang Medical Care Program sa ating bansa Noong 1971 ng likhain ang Philippine Medical Care Act of 1969 at 1990 naman ilang bills din ang naipasa para naman pagtibayin ang Republic Act 7875 at naipasa naman ang The National Health Insurance Act of 1995 na dahilan ng pagkakabuo ng PhilHealth. Sa buwan naman ng Marso, March 3 na magkaroon ng concert sa ating bansa itong si Janet Jackson na bahagi ng kanyang World Tour Series na Janet World Tour at March 8 naman na magpasimula ang Philppine Lotto Draw sa PTV 4, kung saan ay araw-araw ng ipapalabas dito ang pagbobola kung sino ang mananalo sa Lotto. At sa taong ito, March 17 ay magaganap ang isang malungkot na pangyayaring lumikha ng malaking bahid sa administrasyong Ramos dahil sinasabing kulang daw ang effort para mailigtas ang buhay ng ating kababayan na si Flor Contemplation kaya naman kaliwa't kaan ang batikos ang inabot ng mga kinauukulan lalo na nga yung mga sektor na nangangalaga ng mga kapakanan ng ating mga kababayan sa abroad. Bagaman kasi inamin nitong si Flor Contemplation ang ginawang krimen maraming naniniwala na baka pinilit daw lang siya, sana man lang daw ay nagawaan ng paraan na hindi siya hinatulan ng kamatayan. Naroon din ng pagtuturuan kung sino ba talaga ang nagkulang dito at sa huli nga bago ito bitayin si Flor contemplation ay sinabi niya na hindi raw siyang gumawa talaga ng krimen at pinipilit lang daw siya, tino-torture ng mga kapulisan ito'y ayon din sa isa nating kababayan na nakasama niya sa kulungan kaya naman maraming mga Pilipino ang naniniwala na inosente talaga itong si Flor Contemplation at naging biktima lang talaga siya ng injustice. Kaya naman itinuring siyang bagong bayani ng ating bansa.
Sa buwan naman ng Abril ay mare-release ang kantang "Sigaw ng Puso" ng singing group na Father and Son, isang kantang naging tunog din ng radyo sa mga panahong ito at madalas din itong Tugtugin sa mga tambayan at maging sa mga lamay. Ito rin kasi ung panahon na kahit sa mga lamay ay napakarami talagang mga pumupunta at nagpupuyat lalo na ung mga kabataan na walang pasok. Kinabukasan, April 2 naman na magbukas ang ikalimang SM mall sa ating bansa, ang SM South Mall sa Las Piñas at ang SM Mall din na ito ang ikalawang SM Mall na magpi-feature ng Ice Skating Rink, pangalawa sa SM Megamall at April 4 naman bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng bandidong Abu Sayyaf ay sinalakay nila at ni-raid katuwang ang MILF ang bayan ng Ipil sa Zamboanga Del Sur kung saan ay nanunog sila dito ng mga kabahayan at kumitil at pumaslang pa ng 53 katao dahil dito, April 7 ay nagkaroon ng paghaharap ang Abu Sayyaf at ang militar ng gobyerno kung saan ay labing dalawa ang napaslang sa panig ng mga Abu Sayyaf at tatlo naman sa panig ng pamahalaan. Bukod pa sa kaguluhan sa Mindanao ay naroon din ang kaliwat-kanang krimen na naganap sa ating bansa at makikilala nga rin sa panahong ito si Jaime Santiago, isang sharp shooter na pulis mula sa Western Police District at dahil nga sa kanyang mga accomplishment sa taong ito 1995 ay pararangalan siya bilang Senior Non-Commissioned Officer of the Year. April 22 naman nang maipalabas sa mga sinehan ang pelikulang Batang X isang pambatang superhero movie na nahahawig naman sa programang X-Men. Sa pelikulang ito ay bumida sina Aiko Melendez, Michael De Mesa, John A. Sabarte. John Pratts, Janus del Prado at siyempre ang isa sa ultimate crash ng mga kalalakihang batang 90s walang iba kundi si Anna Larucea. Ang pelikulang ito ay dinirek ni Peque Gallaga at ni Lorie Reyes at dahil sa nagustuhan naman ito ng mga manonood ay nagkaroon din ito ng TVseries. Sa buwan naman ng Mayo, May 8 nang ganapin naman ang 1995 National and Local Election kung saan ang nanguna sa pagiging senador itong sina Gloria Arroyo, Raul Rocco, Ramon Magsaysay Jr., Franklin Drilon, Juan Flavier, Miriam Santiago, Sergio Osmena, Francisco Tatad, Gringo Honasan at tulad din sa panahon natin sa ngayon ay marami ring mga naganap na kaguluhan sa panahong ito kung saan ay meron ding mga binawian ng buhay. Kasabay din ng eleksyong ito ang plebisito naman para paghiwalayin ang Kalinga at ang Apayao at naaprubahan naman ito matapos ang botohan at ganun din sa araw ding ito ay naratipikahan naman ang pagiging siyudad ng Muntinlupa sa pamamagitan naman ng Republic Act 7926. Makalipas ang isang linggo, May 16 ng maganap naman ang isang trahedya sa katubigan n ang MVV Antipolo 7 ay nasunog naman at lumubog sa Tayabas Bay habang ito'y papuntang Lucena. Umabot ng 52 ang binawian ng buhay bukod pa sa mga nawala.
May 18 naman nang mapatay naman sa Quezon City ang labing-isang miyembro ng Kuratong Baleleng at dalawang miyembro pa nila ang natagpuan ding patay sa Pasig at sa Laguna. Bagamat sinasabing summary execution daw ito o robbed out na ginawa ng mga kapulisan kung saan nasangkot nga itong sina Chief Superintendent Panfilo Lacson at 26 pang miyembro ng mga kapulisan. Pero noong 2003 ay na-dismiss ang kaso. May 20 naman na mag-release naman ng album ang bandang Grin Department, ito ay double album na "Melts in your Mouth" at "ha he hi ho hu", kung saan ay nakapaloob dito ang mga kantang "Miss you (sa loob ng jeepney)" "Tablahan", "Shota ng bayan", "Magbati na kayo", "Fininger", "Iskin", at marami pang iba. Pumatok ang bandang ito dahil sa kakaiba nilang style talaga namang matatawa ka sa kanilang mga lyics na may pagkaberde. May 26 naman ang ipalabas sa mga senihan ang international film na Casper, isa itong supernatural fantasy comedy movie na pinagbidahan nitong sina Macaulay Culkin, Christina Richie, Bill Pullman at marami pang iba. Kinagiliwan ito ng mga kabataan dahil sa ganda ng kwento at siyempre sa special effects. May 31 naman dahil sa kasikatan ng paggamit ng roller blades sa ating bansa ay pinalabas ang pelikulang Roller Boys na pinagbidahan naman nitong si Patrick Garcia kung sana napasama rin dito sina John CJ Ramos, Eric Fructuoso, at marami pang iba at ito rin yung kasikatan ni Patrick Garcia na maraming gumagaya sa style ng buhok niya na hati sa gitna na mala Hollywood actor at sumalubong naman sa pagpasok ng buwan ng June ang bagyong Auring noong June 1, ito y may dalang napakalakas na ulan na dahilan din ng pagbaha sa iba't ibang lugar. June 11 naman nang bawian ng buhay ang actor singer na si Rodel Naval na nakilala sa kanyang ilang mga kanta tulad ng "Lumayo ka man" at muli naging kontrobersyal ang kamatayan nitong si Rodel Naval dahil nung una sinasabing pneumonia lang ang kanya kinamatay, bagaman ang mismong pamilya niya ang nag-confirm na ang kanyang ikinamatay daw ay komplikasyon dahil sa sakit na AIDS.
June 13 naman na ma-release ang International album na "Jagged a Little Pill" ng Canadian singer na si Alanis Morrisette, kung saan nakapaloob dito ang mga kantang "Hand in my Pocket", "You learn", "Head Over Feet" at "Ironic", na talaga namang tinangkilik ng mga kabataan. Ito yung mga panahon na nauuso sa mga babae yung pagsusuot ng sapatos na Tretorn. June 27 naman na tuluyang ipahinto ng Supreme Court ng operasyon ng Jai Alai, kung saan tinuturing kasi itong illegal at sa taon ding ito ay magsisimulang ipalabas sa ABC 5 ang anime na Slam Dunk. Ito'y mula sa Tori animation na unang umere sa Japan noong 1993. Papatok ito sa Pilipinas dahil sa basketball concept nito at dahil sa hilig ng mga Pilipino sa paglalaro ng basketball. Nakakatuwa rin kasi yung twist ng bida sa pelikula na si Hanamichi Sakuragi na imbis na magaling, ay pulpol maglaro. Sa istorya ay inabangan din ang kanyang unti-unting pagkatuto at ang kanilang mga laban sa iba't ibang mga team. Makikilala dito sina Akagi o si Gori at Syempre ang pinakamagaling na player ng Shohoku na si Rukawa at may makakalimot ba ng pinakamatagal na three point sa kasaysayan at bukod naman sa Slam Dunk ay magpapasimula rin sa taong ito ang anime na Ghost Fighter o Yuyu Hakusho, ang anime na masasabing isa sa pinakasikat na anime noong dekada 90. Hindi na siguro kailangan ng mahabang paliwanag kung batang 90s ka dahil alam na alam mo tiyak ang kwento nito at kung sino ang mga karakter. Ako naaalala ko naaksidente ko lang napanood ang Ghost Fighter nang mapalipat ako ng channel, sa channel 13 hanggang sa ito'y malipat na nga sa GMA 7 kung saan lalo itong sumikat at nakasabay pa nga sa prime time ng Lupin the III. Tumatak talaga ang Ghost Fighter dahil sa ganda ng concept ng kwento at mga karakter na sa bandang huli ay medyo lamya na ang istorya dahil ayon din kasi sa mga nag-research ay medyo tinamad na raw ang creator nito na si Yoshiro Togashi at sa taon ding ito ay may makakalimot ba sa anime na Time Quest kung saan ay isa rin ito sa inabangan ng mg kabataan dahil sa ganda rin ng kwento nito. Makikilala dito ang mga cute na character niin Hayato Shindou, Yumi Arama, si Jenny, si Abdullah at marami pang iba.
July 19 naman napalabas naman sa mga sinihan ang pelikulang Run Barbi Run na pinagbidahan nitong si Joy de Leon, Maricel Laxa at ng bandang Eraserheads, third installment ito ng Barbie trilogy. With Joey de Leon ay napasabak sa aktingan itong sina Ely, Buddy, Marcus at Raymond, bagaman sikat sa panahong ito ang bandang Eraserheads ay hindi naman pumatok sa takilya ang nasabing pelikula. July 31 naman na magpasimula ipalabas ang "Katok mga Misis" sa GMA 7, isang television talk show na ang nag host ay sina Giovanni Calvo, Ali Sotto, Bayani Agbayani, Arnel Ignacio at Sanjay Acosta. Sa buwan naman ng Agosto, sa taon dting ito 1995 na ma-release din ang kantang "You Are The Reason" ng Ketama. Isa itong ballad song na sumikat sa dekadang 90 at napagkakamalan pa nga itong International song kahit sa panahon natin sa ngayon at nung panahon ng dekada 90 ay makinig ka lang sa Star FM ay tiyak na mapapakinggan mo ito. August 3 naman arestuhin ng NBI ang RAM member na si Former Sergeant Felomino Maligaya, ito'y sa kasong pagpaslang sa Union leader na si Rolando Olalia at Leonor Alay ng sila ay makasuhan at alam niyo ba na umabot ng mahigit tatlong dekada bago nagkaresulta ang kasong ito. Ito y ng taong 2021 at sa pagkakakataong ito sa dalawang akusado ay tatlo lamang ang nasa kulungan at ang siyam ay nakakalaya pa. Dahil naman sa kasikatan ng Tekken 1 ay nilabas naman ng NAMCO ang Tekken 2 kung saan siyempre madadagdagan dito ang mga gameplay mechanics. Medyo nag-improve din ng graphics at nadagdagan din ng mga character tulad nila Jun Kazama, Nina Williams at Yoshimitsu. August 9 naman nang muling magtambal itong sina Aga Muhlach at Lea Salonga, ito naman ay sa pelikulang "Sana Maulit Muli", ang pelikula ring ito ay nakakuha ng mga parangal sa FAMAS at Gawad Urian. August 12 naman nang magpasimulang ipalabas sa GMA 7 ang television drama series na TGIS or Thank God It's Sabado. Sinasabing hango ang mga salitang ito sa I love Sabado ng Jollibee, Sabado Nights ng San Miguel Beer at ang Thank God It's Friday na expression ang palabas sa pinagbibidahan nitong sina Bobby Andrews, Angelu de Leon, Onemig Bondoc, Michael Flores, Raven Villanueva, Red Sternberg, Dingdong Dantes Antonette Taus, Anne Curtis at marami pang iba at dahil naman sumikat at tinangkilik ng mga manonood ay nagkaroon din ito ng pelikula noong January 4, 1997. Bago naman matapos ang buwan ng August 29 ay pumasok naman sa bansa ang Bagyong Hining kung saan ay naminsala ito sa Batanes at sa ibang bahagi ng Luzon dahilan para muling manalasa na naman ang lahar sa paligid ng Mt. Pinatubo kung saan mahigit dalawang libong katao ang apektado at lima ang sinasabing binawian ng buhay.
Buwan ng Setyembre nag-release naman itong sina Vingo at Jimmy ng album nilang "April Boys", kung saan nakapaloob dito ang kantang "Sana ay Mahalin mo pa rin ako", kantang pumatok para kiligin ang mga Pilipino mapabata man o matanda at bilang solo artist naman ay hindi rin papatalo itong si April Boy Regino, kung saan ay nag-release din siya ng album na "Umiiyak ang puso", kung saan ay nakapaloob naman dito ang mga kantang "Umiiyak ang puso", at "Sana'y laging magkapiling". Ang mga likhang musikang ito ng mga magkakapatid na April Boys ay talaga namang gagawa ng espasyo sa larangan ng musika ng dekada 90. Isang trahedya naman ang naganap noong September 6, 1995 nang mag-collapse ang isang bahagi ng crater wall ng Mount Parker ito'y sa South Cotabato at dahilan ito ng pagragasa ng tubig na mga nasa 50 million cubic meters mula sa Lake Mugan. Ito'y lumikha ng napakalaking baha sa lugar ng mga katutubo dahilan para 70 ang nasawi dito at meron pang mga nawala at nagkaroon din ito ng damage na 3.3 million pesos at ang pangyayaring ito ay ang sinasabing isa sa pinakamalaking flash flood sa Central Mindanao. September 9 naman nang maganap naman ng isa sa pinakanakakakilabot na krimen sa ating bansa ang Payumo Masscare, kung saan apat na miyembro ng pamilyang Payumo ang pinatay na sina Nancy Payumo ang nanay at ang mga anak na sina Joan, Rose, Maria Angela at si Anton ng mga salarin na sina Maximo Delmo, Edmund Delmo at Francisco Lapis. Himalang nakaligtas ang isa sa miyembro ng pamilya na si Helen Grace na siya ring naging susi ng pagkakaturo, dahil siya ang nagturo kung sino ang gumawa ng krimen. Isa ang pangyayaring ito sa lalong nagbigay ng takot sa mga Pilipino sa mga panahong ito, ito'y dahil na rin sa marami ang nalululong sa droga dahilan din ng pagtaas ng krimen at isang linggo lang ang nakalipas ng mahatulan naman ng Islamic Court sa Emirates ang kababayan natin na OFW na si Sarah Balabagan. 1994 nang ma-convict siya dahil sa kanyang pagpatay sa kanyang amo. Ito ay bilang self defense dahil gagahasain daw siya nito. Nung una'y nakakulong lang talaga itong si Sarah pero umapila ang pamilya ng napatay at sinabing ito daw ang kaso kaya naman umabot sa punto na hinatulan ng kamatayan itong si Sarah Balabagan, pero sa kabila naman nito ay umulan din ng protesta sa iba't ibang bahagi ng mundo hindi lang sa Pilipinas dahilan naman para muling maibaba ang kaso nitong si Sarah at tumanggap na lang din ng blood money ang pamilya ng napaslang nitong si Sarah Balabagan kaya naman tuluyan siyang nakalaya at nakabalik sa ating bansa. September 20 nang pumasok sa bansa ang Bagyong Luding na dumaan naman sa Babuyan Group of Islands bagaman nagpaulan din ito sa ilang bahagi ng Luzon. ilang araw lang, September 29 naman nang pumasok pa ang isang bagyo, ang Bagyong Mameng at ang bagyo namang ito ay napakalakas na bagyo kung saan sinasabing 108 ang binawian ng buhay. Sa katapusan ng buwan ng Setyembre taong 1995 ay biglang bumulusok ang pagtaas ng inflation sa ating bansa o tumaas ang mga bilihin ng 11.8%. Isa sa naging apektado nito ay ang bigas kaya naman napipilitan ang ilang mga Pilipino na pumila sa NFA nang sa ganon ay makatipid at dito sa mga pagkakataong ito ay unti-unti nang tumataas ang mga bilihin sa Pilipinas. Ito na rin yung pagbabago ng presyo ng bigas ay unti-unti na itong tataas hanggang sa magiging P15 na at magigising ka dalaang isang araw na P27 na at P25 na ang presyo ng bigas.
October 1 naman na maganap ang sinasabing isa sa pinakamalalang lahar calamity sa bansa. Ito'y dulot din ng Bagyong Mameng. Walang tigil na pag-ulan na naging dahilan ng matinding flash flood kung saan ay nasalanta ang bahagi ng Bacolor, Pampanga at October 7 naman na maitala ang nasa 100 na binawian ng buhay at 252 naman ang nawawala, bagaman may mga nagsasabi pa na mahigit isang libo daw talaga ang binawian ng buhay dito dahil libo-libong kabahayan ang lumubog ng siyam na metro kabilang ang apat na barangay bukod sa Bacolor ay napinsala din ang ilang bahagi ng San Fernando. October 2 naman na magsimula maipalabas ang programang Saksi ng GMA 7 unang tinawag itong Saksi GMA Headline Balita at Saksi Liga ng Katotohanan. Ang mga host naman dito ay sina Mike Enriquez at Karen Davila. October 4 naman sa GMA 7 pa rin nang ipalabas ang Emergency, isa naman itong documentary show na orihinal namang pinaghosan ni Edu Manzano. At bandang 1996 nang bumalik sa GMA 7 itong si Arnold Clavio hanggang 2009 at ang palabas na ito ay tumatalakay sa kalamidad, aksidente at maging sa mga karamdaman at kung paano ito masosolusyunan. October 7 naman na magpasimula sa ABS-CBN ang educational show na Hiraya Manawari, ang programang ito ay naka-focus naman sa pagbibigay at pagtuturo ng mga mabubuting asal. Ang programang Hiraya Manawari ay isa rin sa mga programang kinaaliwan ng mga batang 90s at October 8 naman nang magpasimulang umere ang Star Talk, the only Showbiz Authority, isang Philippine television talk show na maibo-broadcast naman sa GMA Network at ito naman ay orihinal na pinaghosan ni Boy Abunda, Kris Aquino at Lolit Solis at October 11 nang ipalabas naman sa ABS-CBN pa rin ang programang Bayani, isa ring educational show na tumatalakay naman sa mga historical figure ng ating bansa. Kwento ito ng dalawang bata na matutuklasan ang isang kweba kung san ay makikilala rin nila dito ang isang matanda. Naatasan silang bumalik sa nakaraan nang sa ganoon ay saksihan ang kabayanihan ng mga Pilipino sa kasaysayan. Bumida naman dito sina Angelo Cometa, Mara Babor, Caridad Sanchez at marami pang iba. Sa bandang ito, October 30 naman nang pumirma ang gobyerno at ang grupong RAM sa isang kasunduang pangkapayapaan at ito naman ay naganap sa Camp Aguinaldo ito'y para matapos na ang hidwaan sa pagitan ng dalawang kampo. Ito'y mula pa sa panahon ni Pangulong Aquino. October 19 naman na magsimulang mag-operate ang Enchanted Kingdom, isang team park sa Sta Rosa, Laguna na inistablish naman nila Mario at Cynthia Mamon matapos ang perya, Star City, Boom na Boom ay ito talaga ang dream place ng mga kabataan na mapuntahan at siyempre magiging simbolo na rin ng ating bansa. October 20 naman na magpasimula naman ang Bubble Gang, ang gag show na tumapat naman sa Tropang Trumpo kung saan mga orihinal na cast nito siyempre sina Ogie Alcasid, Michael V, Antonio Aquitana, Sunshine Cruz, Jackie De Guzman, Assunta Da Rossi, Eric Fructuoso, Susan Lozada, Aiko Melendez at Wendell Ramos. Nakilala ang programang Bubble Gang dahil sa mga pop culture at siyempre ang kanilang mga skit kung saan ay bibilib ka talaga sa tandem nitong sina Ogie at Michael V dahilan para tumaas ang kanilang rating at tumagal din ang programa. Sa taon ding ito ay mare-release din ang kantang "Vulnerable" ng bandang Roxette at isa rin ang kantang ito sa mga tinangkilik ng mga Pilipino na talaga naman laging inaabangan sa mga estasyon ng radyo kasabay din na sumikat sa mga panahong ito ang kantang "Dream About You" nitong si Stevie B. na talaga naman kapag pinatugtog sa mga radyo ay nire-record pa ng ilan sa kanilang mga stereo o hindi kaya mga karaoke. October 24 naman nang masaksihan ang total Solar Eclipse sa gawing Tawi-Tawi sa ating bansa kung saan itoy tumagal lamang ng dalawang minuto. Kaya nga lang ilan sa mga nanood nito ay nadismaya pa dahil nagkataong natabunan pa ng ulap ang nasasabing senario at sa katapusan din ng buwan ng Oktubre ay dalawang bagyo ang nanalasa sa ating bansa ang Bagyong Onang at ang Bagyong Pepang na lumikha rin ng malawakang pagbaha at pagdaloy ng lahar kung saan sa bagsik ng epekto ng dalawang bagyong ito ay umabot sa 265 ang binawian ng buhay at umabot naman sa 424 million ang halaga ng pinsala.
Sa buwan naman ng Nobyembre, November 2 hanggang November 3 ay muling nasundan ang dalawang bagyo nang pumasok pa sa ating bansa ang super typhoon, ang Bagyong Rusing, ang bagyong ito ay tumama sa Luzon na may dalang napakalakas na hangin, isa rin ang Bicol Region sa malubhang tinamaan ng hagupit ng bagyong ito gayon din ang iba pang mainland part ng Southern Tagalog region, ang Metro Manila, at ang Bataan. Sa tindi ng bagyong ito na masasabi talagang isang delubyo ay umabot sa 936 ang binawian ng buhay at at mahigit 1 bilyong piso naman ang naging pinsala nito. Ganoon kalaki sa dami ba naman kasi ng mga nasira at nawasak sa araw na yun. November 14 naman nang baliktarin ng Court of Appeals ang 1992 Libel Conviction ng Manila RTC laban sa Philippine Star publisher na si Maximo Soliven at ang journalist nito na si Louie Beltran kung saan ay naaquit na sila laban sa ikinaso sa kanilang libelo ni dating Pangulong Aquino ng sabihin ba naman itong si Louie Beltran na nagtago daw itong si Pangulong Cory sa ilalim ng kama sa panahon ng 1989 coup d' etat. November 27 naman nang pasimulan na ang construction ng Skyway Project na nagkakahalagang 1.5 billion dollar. Ang proyektong ito ay isa sa pinakamalaking proyekto ng gobyerno na layuning ibsan ang mabigat na traffic sa Metro Manila.
December 1 naman ang magsimulang umere sa ABS-CBN ang isang television drama documentary anthology series na pinaghosan nitong Si Tony Calvento, ang Calvento Files. Ito yung isa talaga sa tumatak sa mga kabataan na crime TV series na habang nanonood ka ay makakaramdam ka talaga ng takot sa mga krimen at dahil naman sa kasikatan ng programang ito ay nagkaroon din ito ng film version na pinagbidahan nitong si Claudine Barreto at Diether Ocampo na pinamagatang "Balintuwad" at ang isa pang kwento na "Inay May Mumu", na pinagbidahan naman itong si John Estrada, Sharmaine Arnaiz at Chris Villanueva. December 4 naman nang isa pang bagyo ang pumasok sa ating bansa ang Bagyong Sendang na isang napakalakas ring bagyo na lumikha rin ng pagbaha at kumuha pa ng 14 na buhay. December 8 naman sa tindi ng pagtangkilik ng mga Pinoy sa nauna at ikalawang album ay agad namang nag-release ng ikatlong album ang bandang Eraserheads ang "Cutterpillow" nang mailaunch ito sa Sunken Garden sa UP kung saan sinasabing 12,000 tao ang pumunta. Ang album na ito ang sinasabing pinakasikat na album ng bandang Eraserheads. Ito'y dahil na rin sa laki ng benta nito. Sobrang gaganda ba naman kasi ng kanta na kapag pinatugtog mo sa cassette ay wala ka talagang iiskip kahit isa. Ako sa part ko sa album na ito ng Eraserheads ay pakiramdam ko'y nakikinig lang ako sa isang napakahabang kanta yung tipong kapag natapos na yung isang kanta ay alam na alam mo na kaagad kung anong kasunod. Kapag natapos yung kantang Fine Time ay alam mo na ang kasunod nito ay ang Kama Supra at ang Overdrive, isang masterpiece na album kung saan nakapaloob din dito ang ilang mga kantang napakasikat talaga tulad ng "Torpedo", "Huwag mo nang itanong" at siyempre "Ang Huling El Bimbo." December 9-17 naman nang ganapin sa Thailand ang 18th Southeast Asian Games, kung saan muli na naman tayong pumangatlo sa rank. Nakakuha tayo ng 33 golds, 46 silver at 64 bronze at sa Southeast Asian Game na ito ay makikilala si Elma Muros. Isang trahedya naman ang naganap nangg masunog naman ng isang inter island passenger ferry na MV Kim-Melody Cristy. Ito naman ay malapit sa Fortune Island sa Batangas kung saan ay 24 naman ang binawian ng buhay bukod pa sa mga nawala.
December 15 naman ay pinalabas naman sa mga sinehan ang pelikulang Jumanji at sa pelikulang ito ay kinagiliwan nung dekada 90 mapabata man o matanda at December 18 naman nang bawian ng buhay itong si Panchito, Alfonso Tagle y Discher sa tototong buhay. Isa sa legend ng Philippine comedy halos kahilera na ni Dolphy, Babalu, Chiquito, Redford White at marami pang iba. Dahil isa siya sa nagbigay ng katuwaan lalo na sa mga kabataan ng dekada 80- dekada 90. December 19 naman nang magtapos ang 1995 PBA Season kung saan ang tinanghal na MVP ay itong si Vergel Meneses. Nag-champion naman sa All-Filipino Cup at sa Commissioner's Cup ang Sunkist at ang Alaska Milk naman sa Governor's Cup. Sa Metro Manila Film Festival naman sa taong ito ay nakasali ang mga pelikulang "Dahas:, "Father and Son", "Huwag mong isuko ang laban", "Adventures in Animasia", "Magic Combat" at "Muling Umawit ang Puso". Nagwagi naman bilang best picture ang Muling Umawit ang Puso. Best actor naman itong si Richard Gomez at Best Actress naman si Nora Aunor muli sa taong ito. Bagamat tadtad ng kahirapan at mga hindi magandang pangyayari ang ating bansa ay masaya pa rin naman nating ipagdiriwang ang Araw ng Kapaskuhan at masaya rin nating sasalubungin ang Bagong Taon, ang taong 1996 kung san aalamin din natin ang mga nangyari dito tulad ng Ozone Disco Tragedy, ang 1996 Olympics, ang APEC Summit at marami pang iba.
Comments