top of page
Search

Pinoy Telenobela sa Umaga, sa Tanghali, sa Hapon, at sa Gabi

  • Writer: Jack Maico
    Jack Maico
  • 20 hours ago
  • 5 min read

Telenobela sa umaga, sa tanghali, sa hapon at sa gabi, ay putangina kaya tinanggal ko na ang buhay sa harap ng telebisyon eh. Parami na sila ng parami. 1994 nang simula tayong magpasakop sa mga telenobelas at patuloy naman tayong nagpapasakop kaya ang dadrama ng buhay ng bawat Pilipino eh. Una tayong nakapanood ng dramang Espanyol na di-nub sa wikang Pilipin, ang "La Traidora" (1994), "Maria Mercedes"(1996), "Morena Clara" (1996) at "Agujetas de color de rosa" (1996). Nakakatakot na rin, dahil dumadami na rin ang mga walang trabaho at nakatutok na lang sa telebisyon. Padagdag na ng padagdag ang Pilipinong libangan na lang ang pagluha sa maghapon. Iyak-tawa nakakapraning, meron din namang panay iyak lang, kaya nababalot ng negatibong elemento ang buong kapaligiran dahil sa mga ganitong galawan. Hindi rin naman natin sila masisi sapagkat baka ito lang pansamantala ang kanilang paraan para umiskapo sa tunay na riyalidad ng buhay. Nag-evolve pa ang mga telenobelas pagdating ng maraming taon at nagkaroon na rin tayo ng sariling drama sa telebisyon at hindi lang yan isinilang rin ang mga Koreanovelas na kinaadikan hanggang ngayon ng ating mga kababayan dahil sa mga unique na istorya na gawang Koreano.


Hindi ko talaga sila sinisisi, yan ang trip nila eh, pero sobrang nawili na ang mga network na akalain na ganoon katanga ang mga manonood, kaya sige ipapalamon natin sa kanila ang mga istorya na sarili nilang likha.


Ang telenovela o teleserye ay mga dramang de-seryeng isinasahimpapawid araw-araw, karaniwang sa hapon o primetime. Bagama't may mga modernong tema na ang mga palabas ngayon, paulit-ulit pa rin ang mga klasikong formula ng mga kwento na minahal na ng mga Pilipino. Narito ang ilan sa mga karaniwang istorya:



Ito ang kadalasang mga kwento, isa-isahin natin:


  • Karamihan sa mga kuwento, laging may involve na ampon, ganun daw kasi talaga kasalimuot ang buhay mo kapag ampon ka. Minsan nagkapalitan ng anak sa ospital at nagkaroon ng switching na kagaya ng ginawa ni Viveka Babajee noon sa isang envelope para iproklama ang pekeng nanalo.

  • Kahit pa magpanggap na taong grasa ang bidang lalake at babae eh sobrang gagwapo at gaganda pa rin nito at ang kikinis pa rin ng mga balat. Sana nga lahat ng taong grasa at pulubi eh ganyan para naman may option kameng mga panget kapag gusto dumiskarte sa isang chiq.

  • Puro tisay at soyti ang mga bida. ( O diyos ng mga kulugo, sumanib sana sa amin ang kanilang kutis banyaga).

  • Laging may pulis na handang tumulong o di kaya eh kasabwat ng mga kontrabida. Eto yung mga pulis na hindi malalaki ang tiyan. Kaya pinagloloko ako ng telenobela hindi ganyan ang pulis sa Pilipinas, ang kailangan parang kabuwanan na ang tiyan sa laki.

  • Kapag unti-unti nang namamatay ang mga main cast, hudyat na ito na malapit na magtapos ang telenobela. Kumbaga, parang Walking Dead, nagagalak tayo kapag may natotodas na bida o kaya kontrabida na isa sa main character.

  • Flawless at maganda ang bida na sagad sa hirap at mabait, tapos mapaghiganti kapag yumaman. Kapag mayaman na siya tutulungan niya ang poorest of the poor ala Manny Villar ang datingan at kulang na lang kumanta ng "Dagat ng Basura".

  • Second sa kagandahan ng bida ang kontrabida, mayaman as in super yaman, matalino, may hacienda o mansion tapos ubod ng sama at malakas ang kapit sa mga pulitiko o di kaya ay walang takot gumawa ng masama dahil maraming magagaling na lawyer.

  • Siguradong hahaba pa ang telenobela kapag napansin mong parang kabute na nagsusulputan ang mga bagong character. Kung di ka fan ng telenobela, mapapamura ka na lang kasi akala mo todas na yung kontrabida tapos biglang may sumulpot eto pala yung "God" o kaya "boss sa pinaka-boss", kung ikukumpara sa mga video games.

  • Eto nakakatawa, kahit anong yaman ng mga tauhan kapag breakfast scene na, ang makikita mo lang sa hapagkainan eh hotdog tsaka loaf bread, asahan mo yan isang subo lang sa pagkain tapos magpapaalam na at aalis na dahil may meeting o kaya conference. Basta isang kagat, lunok, inom ng juice sabay batse na!

  • Sa hapagkainan naman ng mahihirap hindi mawawala ang all time "tuyo" hindi dahil sa minamaliit natin ang tuyo ha, wag maging mangmang para isipin na ganun, isisi niyo yan sa mga writer kung bakit laging tuyo ang nakahain eh ang sarap sarap ng tuyo with spicy suka at sunny side up na itlog sa umagahan. It's so unfair!

  • Alam na ng sambayanan, sangkalawakan ng social media, keyboard warriors, tambay, lasenggo, drug addict at tanim bala groups ang solusyon sa problemang nilulutas ng isang telenobela, maliban na lang sa mga tauhan ng telenobela. Mamamangha lang ang mga tsismosa dahil mali sila ng tsismis na ganoon nga ang mangyayari sa inaasahan nila dahil merong tinatawag na "twist of fate" sa isang kuwento.

  • Expected na rin ang shampoo, sabong panlaba, conditioner,s abong pampaputi, fastfood resto, lotion ang mga patalastas sa isang telenobela. Asahan na rin ang iniendorsong produkto ng artista, minsan naisasama pa yun sa kwento eh. Tangna talaga maisingit lang, "Oh anak uminom ka na muna ng gatas mo bago matulog." (sabay ifofocus pa sa kamera yung pangalan ng produkto) at ang pinakamalala mababanggit pa yung tag line ng commercial. Hahahaha! sinapian ata ako ng Diyos ng mga halakhak.

  • May mga bata rin na mas matalinghaga pa magsalita kesa kay Confucius, 7 years old pa lang alam niya na yung mga dinaranas ng tao sa buhay. Hindi ba dapat nanonood ba siya ng Teletubbies. Ang weird.

  • Merong time jump — bata noon, biglang tumanda ang bida para mas mapabilis ang istorya at dito magsisimulang magbago abg buhay ng bida, mga masasalimuot na trahedya o kalungkutan at katagumpayan ang magaganap sa buhay niya. Dito magsisismulang umikot ang kwento.

  • Revenge plot: bumalik ang bidang akala'y patay na. Yun pala pineke ang kamatayan o hindi siya yung namatay sa malagim na aksidente at siya'y muling magbabalik. Doon na iikot ang kwento.

  • Bihira lang ang makapanood ng telenobelang may supernatural element — aswang, engkanto, multo. Pero kung meron man matik yan na magiging "in" sa mga Pinoy. Alam niyo naman tayong mga Pinoy ang hihilig natin sa mga supernatural stories, bagama't kakaunti lang ang gumagawa ng ganitong istoryang pang teleserye.

  • At ang ending sa mga telenobelang Pinoy.....they live happily ever after.


Mark Callao - Pang Telenobela

O Diyos ng kagalakan at Panginoon ng mga halakhak mangyari nawa sa lupa ang mga nangyayari sa telenobela.


Hindi malayo na yung mga cartoons gawan na rin ng mga istoryang pang telenobela, halimbawa si Spongebob nagkaron ng lihim na pagtingin kay Dora, samantalang si Dora mas gusto niya si Nobita pero hindi siya pinapansin dahil ang gusto ni Nobita ay si Sailor Moon.


Masaya na ako sa cartoons kaya wag naman sanang maiba pa ang tema. Ang kasiyahan ko sa panonood ng cartoons ay katulad lamang din ng pinanonood niyong telenobela, ang kaibahan lang sa cartoons, alam kong ginagago lang ako ng lumikha nito. Sa telenobela, akala nila, ako ang gago at hindi gago ang mga gumagawa nito.


Bakit Mahal na Mahal ng mga Pilipino ang Telenovela?


1. Relatability. Nakikita ng mga manonood ang sarili nila sa mga karakter—ang inang nagsasakripisyo, ang anak na lumalaban, ang taong minamaliit pero may busilak na puso.


2. Escapism. Para sa ilang oras, nakakalimot ang mga manonood sa problema ng tunay na buhay—pinapalitan ito ng kilig, iyakan, at init ng drama.


3. Bonding. Teleserye viewing ay madalas na family bonding time. Kasabay ng hapunan o merienda, sabay-sabay na nanonood at nagkokomentaryo ang pamilya.


4. Moral Lessons. Sa kabila ng drama, palaging may aral na kinukuha—ang halaga ng pamilya, kabutihan laban sa kasamaan, at ang tagumpay ng tunay na nagmamahal.


5. Nostalgia. Lalo na sa mga lola at nanay, ang teleserye ay nagpapaalala ng mga simpleng panahon at mga lumang gawi sa pamamagitan ng umiikot na kwento.


Ang teleserye ay hindi lamang aliwan—ito ay salamin ng ating lipunan, ating pangarap, ating mga luha at tagumpay. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit minamahal ito ng mga Pilipino, lalo na ng ating mga nanay at lola. Sa mundong puno ng pagsubok, ang bawat telenovela ay nagbibigay ng pag-asa na sa huli, ang mabuti ay laging nagwawagi.


Pero kung may mga ganitong aksiyon na mapapanood sa telenobela, ay wala ng pagdadalawang isip pa a talagang makikipagpatayan pa ko sa remote control ng TV....


 
 
 

Commentaires


Join my mailing list

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page