top of page
Search

Si Jollibee: "Ang Tunay na Kababata Mo"

  • Writer: Jack Maico
    Jack Maico
  • May 8
  • 8 min read

♬ I love You Sabado, pati na rin Linggo ♬
♬ I love You Sabado, pati na rin Linggo ♬

Sa totoo lang, kapag sinabing “childhood,” hindi puwedeng mawala ang isang napakakulay na parte nito: si Jollibee. Hindi lang siya mascot. Hindi lang siya manok. Isa siyang emosyon na namamalagi sa ating mga isipan hanggang sa tumanda tayo at magkaroon na rin ng mga anak. Emosyon na ipinasa sa henerasyon ng ating mga naging anak at ipapapasa pa muli sa mga susunod na henerasyon. Isa siyang parte ng ating kaluluwa na binuo ng gravy, cheese, at halo-halong pagkaing pampasaya at pampatahan ng mga batang hindi nabilhan ng Game and Watch sa Cubao.


Pero bago ako magpatuloy nais ko lang sabihin na wala akong natanggap na supply ng thigh part sa Jollibee kapalit ng pagsulat ko sa post kong ito. Ito'y bilang pag-alala na rin sa ating mga musmos na isipan noong panahon na pinatatahan tayo ni Jollibee sa pag-ngawa sa tuwing susumpungin tayo ng bugnot noong ating kabataan. Bukod sa karaniwang panakot ng ating mga magulang na mayroong kukuha sa atin na pulis sa tuwing nasa loob tayo ng simbahan, mayroon din namang ibang pinaka sweetest na paraan upang tayo ay mapatahan sa ating pag-iyak. Iyon ay ang pangalang "Jollibee". Ganito ang dating ng mahika ni Jollibee sa mga bagets, sabihan lang na ipapasyal tayo para kumain nila Nanay at Tatay sa Jollibee pagkatapos ng misa ni Father ay kung anong mirakulo na lang na bigla tayong mananahimik sa pag-ngawa, siguro dahil naiinitan tayo sa loob ng simbahan o di kaya'y habang karga ka ni Nanay ay may nag faface making na tao sa likuran, siguro nginingitian tayo o binebelat tayo, kaya minsan iiyak na lang o di kaya ay bored na bored ka sa homily ni padre.


Bakit Mahal ng mga Bata ang Jollibee?


Simple lang: Kasi masarap. Periodt.


Old Jollibee Takeout Plastic and Mug. ctto from https://www.facebook.com/yexelsebastian
Old Jollibee Takeout Plastic and Mug. ctto from https://www.facebook.com/yexelsebastian
Old Jollibee Packaging. Credits from: https://taranakaintayo.blogspot.com/2009/06/jollibee.html
Old Jollibee Packaging. Credits from: https://taranakaintayo.blogspot.com/2009/06/jollibee.html
'With my sis in Jollibee Ermita treats with our tita'
'With my sis in Jollibee Ermita treats with our tita'

Hindi ko mawari pero kasi si Jollibee animo'y anghel na bubuyog na pinababa sa langit para magbigay ng kasiyahan sa mga bata. Gusto ko rin kasi yung lagi akong niyayakap lalo na pag fluffy ang itsura. ng yayakap. Minsan na rin ako humawak sa paa ni Jollibee habang hinihila niya ko habang naglalakad siya, ok lang kahit naging human map ako noon, wala naman sa akin yun eh, kasi nga bata. Gawin ko kaya ngayon yun, malamang ang iisipin ngayon ng tao ay may sayad ako, kaya hindi na lang. Pero sa edad kong ito, nakukyutan pa rin ako sa bubuyog na yan eh. Si Jollibee yung dapat na maging inspirasyon ng mga kabataan. Nag evolve na ang bubuyog na yan, hindi lang siya nagpapasaya sa mga bata kundi nariyan na rin ang pagtulong niya sa mga matatanda. Meron akong nakitang picture at video niyan na itinatawid ang mga matatandang may ka-edaran na nasa pedestrian lane. Makabayan din ang ating pambansang mascot sa mga larawang nakikita ko sa mundo ng social media. Kaya kayo Mc....palitan niyo na yung mascot niyo, naku lalo na sa mga nagdaang taon nauuuso ang mga killer clowns. Hindi naman kasi cute ang mga payaso sa halip sila nga itong mga naghahari sa mundo ng pulitika. Mga payasong kumakain ng kaban ng bayan. Kaya kung ako sa inyo, palitan niyo na si Ronald Dela Rosa este si Ronald the Payaso.


Kilala niyo ba si Tony Tan Caktiong? Siya lang naman ang CEO ng Jollibee. Kung hindi niya siguro nakilala ang management consultant na si Manuel Lumba noong 1975 ay walang kabataang napapatahan ngayon, siguro binaha na tayo ng luha ng mga bata sa simbahan, baka di na tayo nakatikim ng pinakamasarap na thigh part. Ang tsika ay mas naunang pagkaabalahang business ni Ginoong Tony ay ice-cream. Nagkaroon siya ng dalawang ice cream parlors sa Cubao. Hindi rin naman pipitsuging sorbetes dahil may brand din naman ang Magnolia. Sumikat din hnaggang kasalukuyan ngunit hindi siya huminto na hanggang ice cream lamang. At dahil na rin siguro sa pag aaral ng entrepreneurship ni Lumba ay napagtanto niyang sa mga panahong yun mas mataas ang demand ng mga hamburgers. At kahit pa sikat na noon ang Mc Donalds ay hindi pa rin nagpakatinag ang dalawa at dito na nagsimula ang isa sa pinaka tanyag na fast food chain sa bansa and the rest is history. Nagbukas ang unang Jollibee franchise noong January 28, 1978 sa Quezon City.

The first ever Jollibee branch was in Cubao, Quezon City, which opened in 1975 as a Magnolia Ice Cream parlor. When Jollibee was incorporated in 1978, there were 7 branches in Metro Manila. The first franchised outlet of Jollibee opened in Santa Cruz, Manila, in 1979.
The first ever Jollibee branch was in Cubao, Quezon City, which opened in 1975 as a Magnolia Ice Cream parlor. When Jollibee was incorporated in 1978, there were 7 branches in Metro Manila. The first franchised outlet of Jollibee opened in Santa Cruz, Manila, in 1979.
The Voice Kids - I Love You Sabado

JOLLIBEE QUIAPO

Nostalgic childhood Jollibee branch
Nostalgic childhood Jollibee branch

Jollibee Quiapo... Ang branch na punong-puno ng nostalgia at amoy ng holy water mula sa simbahan.


Naalala mo ba ‘yung pila sa second floor na parang MRT sa rush hour? Pero worth it naman kasi pag-upo mo, may Jollibee ka na at may bentilador pa sa kisame na hindi gumagana. Doon tayo unang natutong magbukas ng ketchup packet na hindi sumasabog. O minsan, sa mukha pa ng katabi mo.


Napakanostalgia ng Jollibee Quiapo sa akin dahil dito ako dinadala ni nanay noon (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa, I miss you nay!), pero dapat magsisimba muna kami at tatapusin ang buong misa. Kapag sinabi na ng pari na "tapos na ang misa, humayo kayo at dalhin ang mabuting balita ng Diyos", signal na ito para kumain sa Jollibee. Makikita mo na sa akin ang saya niyan kasi makakakain na naman ako ng sweet Spaghetti ang Yumburger at siyempre ang paborito kong Coke na panay ice.


May batang umiiyak kasi nahulog ang fries niya, pero after 5 seconds, sinubo pa rin kasi, “sayang!” May mag-jowa na nag-aaway sa gilid, habang si Jollibee mascot sa stage ay todo sayaw ng "Aringkingkingking"


At siyempre, may birthday party na naka separate sa regular area ng store. Nasa loob sila ng isang glass window at mas maraming bata na may mga paty hat s aulo habang si Jollibee at isang crew ay nagsasayawan kasama ng birthday celebrant.


Bukod sa kyut na tutubi mayroon pang ibang mascot na tropa si Jollibee, pero sa paglipas ng napakaraming taon bigla na lang silang nawala at hindi na natin masyadong nakikita. May mga kabataan nga siguro ngayon na hindi na sila kilala. Ito ang ilan and let's confuse our Gen Z's today:


Nasaan na ang tropa?

First row, right to left: Mr Yum, Twirlie, Jollibee, Chickee, Champ. Second row, right to left: Hetty, Mico, Lady Moo, and Popo
First row, right to left: Mr Yum, Twirlie, Jollibee, Chickee, Champ. Second row, right to left: Hetty, Mico, Lady Moo, and Popo

CHICKEE


Si Chickee ang kumakatawan sa Chicken Joy. Ang pagkakaalam ko siya ay isang inahen, matabang manok kulay puti, may kwintas na parang pang-tita, may palong at dilaw ang paa. Isipin mo na lang kung anong itsura ni Big Bird ng Sesame street ngunit nagkakaiba sa kulay. Wala na si Chickee ang kontrata niya sa Jollibee ay hanggang 1993 lang. Asan na kaya siya ngayon? Senior citizen na malamang si Chickee.


LADY MOO at MICO


Silang dalawa naman ang kumakatawan sa Milkshakes. Si Lady Moo ang pa-girl na baka may at animo'y ballerina ang get-up, may tatlong rosas ang ulo at naka pink na stilleto. Si Mico naman ay human, aww pinagpartner pala dito ang baka at tao. Nagkaanak kaya si Lady Moo at Mico? Si Mico ay may sumbrerong may pagka magician na kinortehan lang ng handle ng tasa para magmukhang tasa ang sumbrero.Naka americana sa loob at may kurbatang kulay kahel sa labas na suot naman ay mukhang V-neck na sando at nakapajama. Puta, anong porma yan. Mas naunang natapos ang kontrata ni Mico dahil 1985 pa lang nasibak na siya, samantalang si Lady Moo umabot hanggang 1993.


CHAMP


Champ represents the premium burger offered by the fast food chain. Si Champ naman yung pinaka astiging mascot ng Jollibee. Minsan na rin napagkamalan kong Street Fighter character si Champ dahil na rin sa parehas nilang get-up ni Balrog. Isipin mo lang kung anong itsura ng boxer na may manas, yun ang itsura ni Champ. Natapos ang kontrata ni Champ noong 1984 at hindi rin siya pinalampas ng contractualization ni Jollibee management.


MR. YUM


Si Mr.Yum cool kid, bagets, na kung pagmamasdan mo siya yung batang laging nabebeat ang energy gap. Ang kanyang sumbrero ay hamburger. Siya ang nagrerepresent ng lahat ng regular burgers may keso o wala. Natapos ang career ni Mr. Yum noong 2008 dahil muka na rin kasi siyang fuccboi.


TWIRLIE


Si Twirlie yung tita mo na nagbihis ng pang teenager. Twirlie represents Sundae ice creams. Siya yung naka skirt pero may leggings sa loob na naka boots. Blonde ang hair na korteng Sundae twirl, muka ring troll ang buhok pero mas galante tignan. 80s na 80s ang porma ni Tita Twirlie. Meron siyang headband na may disenyong double star. Nasibak si Tita Twirlie noong 2008 kasabay ni Mr.Yum.


POPO


Eto ang pinaka paborito ko sa lahat. Popo represents french fries! Si Popo yung pinaka fit sa get up palang. Naka pormang pang jogging, naka jacket at jogging pants na blue tapos naka sun visor. Mukang reggae na blonde ang buhok na yari sa french fries. Ngunit natapos din ang takbo ni Popo noong 2008.


HETTY


Kung mauuuso ulet ang bangs sa mga babae gusto ko yung katulad ng hair style ni Ms.Hetty. May dalawang pony tails sa magkabilang gilid at nakabagsak ang blonde na bangs. Makukumpleto ba ang Jollibee kung walang spaghetti that Hetty represents? Hetty probably is the cheerleader of your dreams. She can cheer up those childrens who had the saddest face in that day. Pero ayun hindi rin pinatawad ng kontraktwalismo si Hetty at nasibak din noong 2008.


I wonder if nag-apply silang lahat sa Krusty Krab kung saan lahat ata ng nag-aapply ay tinatanggap.


Sana ok lang silang lahat kung nasaan man sila ngayon. Malay natin baka nakahanap na rin sila ng work from home jobs at naging VA na sa kanila ang ilan. Lagi na lang kasing si Jollibee ang nabibigyan ng projects. Minsan kailangan nating ibagsak ang patriarchy.


Alam mo bang may mga pagkain sa Jollibee na nawala na parang ex mo na hindi na bumalik?



  • Champ Jr. – Ang baby version ng Champ. Parang soft launch ng pagiging busog.

  • Crisscut Fries – Parang French fries na na-meet ang waffle. Crispy, crisscut, at crispy ult.

  • Jollibee Ice Craze – Float na hindi lang pampalamig kundi pampatawa rin kasi laging may bubble na didikit sa ilong mo.

  • Ultimate Burger Steak - Dalawang malaking beef pattie, with egg at french fries sa ilalim ng pattie. The best ito na laging kong inoorder bago sumabak sa trabaho sa call center.

  • Choco Mallow Pie - ito ang isa sa pinakamasarap na desert. Para tuna pie ang coating pero yummy delicious oozing with chocolate ang loob.

  • Jollibee Garlic Pepper Beef is also one of my favorite dishes to order. Pure beef with juicy gravy on top of rice, sprinkled with crunchy garlic.

  • Jollibee Arroz Caldo and Molo Meatball Soup - kung meron siguro akong ibalik ngayong tag-ulan ay etong Arroz Caldo at Molo Soup ni Jollibee, tamang-tama sa parating na tag-ulan. Remember when Jollibee’s value meals went as low as 25 pesos? But this arroz caldo brings back so many memories– I had this as a staple whenever I got sick with the flu, and while nothing beats the real homemade arroz caldo, the cheap and quick Jollibee version was a decent alternative.

  • Jollibee Chicken Torpedo - is Jollibee's version of KFC's Chicken Burger with mayonnaise and lettuce in a bun similar to Jolly Hotdog.

  • Jollibee Arroz Cubana is made up of savory tidbits of beef with fried egg and crunchy fried banana slices with veggies as a side dish.


You know what we miss, though? The Jollibee HONEY beef rice. It is made up of delicious strips of beef on top of a bowl of steaming white rice, with that glorious sweet honey sauce drizzled on top. Oh no, Jollibee, please bring it back! Are your nostalgia vibes and cravings overflowing now?


Jollibee, hindi lang fast food—ito ay fast-track sa alaala ng kabataan. Hindi mo man maalala kung anong pangalan ng terror teacher mo sa Grade 2, pero alam mong binilhan ka ni Nanay ng Chickenjoy nung nag-top ka sa spelling bee, pasado ang grades mo sa lahat ng subject sa Report Card at kung anu-ano pang gawain na nabigyan ka ng rewards.


At kahit sa adulting mo ngayon, na ang stress mo ay bills, overtime, at traffic, minsan kailangan mong umupo sa isang Jollibee fast food chain, umorder ng spaghetti, at maramdaman mo uli ‘yung saya ng batang ikaw—simple lang ang kaligayahan, basta may cheesy Yumburger sa harap mo.

 
 
 

Comments


Join my mailing list

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page