top of page
Search

Testosterone Things: Sibuyas x Libido

  • Writer: Jack Maico
    Jack Maico
  • Aug 19
  • 3 min read
Does eating onions directly increase sexual desire?
Does eating onions directly increase sexual desire?

Nananahimik lang ako at kumakain ng binili kong hilaw na mangga noon at bigla na lang akong nasigawan naakusahan ng:


"Ang libog mo siguro kain ka kasi ng kain ng sibuyas."


Napangisi lang ako (pero sa loob loob ko, tangnang to) Ano naman ang kinalaman ng sibuyas sa pagiging malaswa kong nilalang? Parang ang dali namang magturo ng krimen sa isang gulay. Nakitang may mangga ako sa plato, may kasamang bagoong, kamatis, at ginayat na pulang sibuyas—ayun, bigla akong ginawang biktima ng tsismis.Ang lakas pa ng pagkasabi ng walang-hiyang kaibigan sa pagbabasketball.



Kung tutuusin, hindi naman talaga sibuyas ang ugat ng lahat. Ako ‘yon. Ako ang may sala. Ako ang may sariling nilalaman, sariling pagnanasa, sariling kabaliwan. Pero syempre, mas masarap kapag may scapegoat. At sa pagkakataong ito, napili nilang sisihin ang pulang sibuyas.


Bakit ba ako biglang nahilig sa sibuyas?


Hindi ko rin alam. Siguro trip ko lang na amoy adobo lagi ang hininga ko. Siguro gusto ko ring masaktan ang mga kausap ko—hindi sa salita, kundi sa bawat paghinga kong mabagsik at mabangis. Kasi alam ko, walang mas tataboy pa sa maling tao kaysa sa amoy sibuyas na parang hindi nag-toothbrush ng tatlong linggo.Onion is a weapon of choice.


At bakit? Dahil ayaw ko muna ng love life. Oo, ayaw ko muna ibahagi ang napakagandang lahi ko. Ayaw ko muna masaktan, mai-stress, o mapasubo sa kasalanan ng mundo ng mga nagpapa-cute sa isa’t isa at nagsusubuan ng Vinegar Pusit. Kung sibuyas lang ang kailangan para hindi ako lapitan, edi sibuyas na!


Kung mapusok ang isang tao, kailangan ba talagang gulay ang sisihin?


Eh kung sabihing malibog ako dahil mahilig ako sa kangkong, o talong, o kalabasa—eh di ang saya! Pero bakit sibuyas? Siguro kasi umiiyak ako habang hinihiwa ko ito, at inisip nila: “Siguro pati hormones niya nagwawala.”


Pero sa totoo lang, wala talagang scientific basis. Ang sibuyas ay pampalasa, hindi pampalibog. Ang problema ko ay hindi sibuyas. Ang problema ko ay ako.


Parte na ang sibuyas sa buhay ko:


  • Almusal – itlog, sinangag, at tinadtad na sibuyas.

  • Tanghalian – adobo na puro sibuyas ang sahog.

  • Hapunan – nilagang baka pero parang nilagang sibuyas kasi mas marami pa rin siya kaysa karne.

  • Pulutan – onion rings.

  • Snack - Onion Rings


Marcy Playground - Sex and Candy

Kung apat na beses sa isang araw akong napapaluha, hindi na siguro dahil sa lungkot kundi dahil sa putok ng sibuyas.


May nagsabi, “Lagyan mo ng electric fan habang hinihiwa, para hindi tumalsik ang gas sa mata.”


May isa pa, “Isawsaw mo sa tubig habang hinihiwa.”


Pero ako? Wala akong pake. Meron akong goggles na hindi nagamit sa snorkeling nung mga nagdaang summer, parang diver sa kusina. Kailangan protektado ang tear glands ko, kasi ayaw ko nang ma-drain ang mga luhang dapat sana’y para sa teleserye ng buhay ko.


Kung ang sibuyas kayang magpaiyak, bakit wala pang gulay na kayang magpatawa? Bakit wala pang lettuce na nagbibigay punchline? O kaya kamatis na kayang magpatawa sa gitna ng problema? Nakakatawa rin, kasi parang lahat ng gulay, puro sakit lang ang dala—lason sa mata, pait sa dila, o sakit sa tiyan kung sobra.


Pero kung sakaling totoo ngang nakakapagpalibog ang sibuyas, patay tayo dyan. Hindi ako pwede. Hindi ako handa. Hindi ako pwedeng lamunin ng sariling init ng katawan. Kasi kapag nagkataon, magiging mahirap mag-move on. At mahirap lumayo sa tukso kung palaging may sibuyas sa ref.


Kaya ayan. Simula bukas, wala muna akong sibuyas.


Oo, magpapaalam muna ako sa paborito kong pampalasa. Hindi muna ako iiyak habang naghihiwa. Hindi na muna ako amoy adobo. Hindi muna ako magpapanggap na wala akong pakialam sa love life, pero deep inside gusto ko rin ng konting kilig.


Pero dahil kailangan kong magpalit ng bisyo…


Balut at tahong naman ang aking babanatan.


At doon, baka may masabi na naman silang bago:


“Malibog ka kasi kain ka nang kain ng tahong.”


Naku po. Ibang usapan na naman ito..

 
 
 

Comments


Join my mailing list

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page