top of page
Search

The Dating Rules

  • Writer: Jack Maico
    Jack Maico
  • 6 hours ago
  • 4 min read

Medyo ang korni nga ng title noh, pero hayaan mo na. Medyo matagal na rin since huli akong lumabas sa tunay na date. Naisipan ko lang gumawa ng rules of dating para sa ating mga boyet sa post na ito. Kelangan lang natin somewhat ng refresher, para hindi tayo mapahiya kung tayo'y lalabas ulit. Kahit hindi pa ako masyado handang makipagdate.


Pero in case dumating ang tamang panahon at ako'y handa na muling sumabak sa pakikipaglandian in person, eto ang aking rules of dating.


SHOPPING IS NOT EQUAL TO DATE


Unless mahilig din mag shopping ang ka-date mo, hindi magandang date activity ang shopping. Ilang beses ko na rin naisulat sa blog na ito na ang mga lalake hindi gustong umiikot sa loob ng malaking mall para maghanap ng mga bagay na walang kinalaman sa kanila. Kung gusto mong maulit ang date niyo, manuod na lang kayo ng sine, o gawin mo sa ibang araw ang pamimili ng mga kikay kit, belt at dresses. Dahil kahit ngumingiti ang kasama mo. Sa loob-loob nito, hindi na mauulit ang date niyo. Saka niyo na utuin ang mga lalakeng sumama sa inyo mag-shopping, pag kayo na.


PATUNAYANG CHIVALRY IS NOT DEAD


Ipakita niyo sa mga babae na chivalry is not yet dead. Oo, gusto ng mga makabagong babae na pantay ang turing sa kanila, pero hindi ibig sabihin nun na ayaw na nilang pinagbubuksan sila ng pintuan o kaya nama'y tinutulungang magbuhat ng bag o mga pinamili. Kung magandang first impression ang hanap ninyo walang kwenta ang mga magagandang kwento ninyo sa sarili niyo kung lumalabas na hindi kayo considerate kapag kinakailangan. Kung sa tingin ng babae ay OA ang ginagawa niyo, okay lang yan. Maaaring hindi siya yung tipong nakakaappreciate ng effort. Makakahanap rin kayo ng ganun. At least masasabi ninyong sa mga date ninyo eh gentleman kayo...kahit sa totoong buhay eh manyak kayo.


WAG PIPILITIN KUNG HINDI TALAGA KAYA


Ayan check your vital signs muna, high blood pressure kung highblood ka, check sugar levels kung may device kang pang check bago lumarga sa date.


Oo na matagal ka nang walang sex, este date, at ito ang unang pagkakataon na ikaw ay makakalabas kasama ang isang taong pinagkakagaanan mo ng loob. Pero kung may sakit ka, at kailangan mo talagang magpahinga, eh magpahinga ka. Huwag mong pipilitin ang sarili mo, dahil hindi ito makabubuti para sa inyong dalawa. Makakahawa ka lang. Walang masama na magreschedule (wag lang paabutin ng 3 rescheds). Mas maganda ang kalalabasan ng date niyo kung pareho kayong masigla.

WET WET WET - Love Is All Around

HINDI MASAMANG MINSAN IKAW NAMAN ANG MAKIKINIG


This rule applies sa mga taong self-centered at narcissistic. Huwag naman ganun. Alam naman nating lahat dito na kapag gusto mo ang isang tao gagawin mo ang lahat maimpress lamang siya sayo. Natural lang yun, walang masama dun. Pero wag naman to the point na palagi lang ikaw ang nagsasalita. Ipakita mo rin sa kasama mo na interesado ka sa kanya. Tanungin mo siya, mga hilig niya, kumusta naman ang araw niya, o kaya nama'y tungkol sa pamilya niya. Unless pipi yung ka-date mo, hindi maganda na ikaw lang ang nagsasalita..


Pero hindi rin naman maganda na palagi lang siya ang pinagkukuwento mo. Yung tipong katatanong mo sa kanya tungkol sa buhay niya, puwede nang ikaw ang sumulat ng liham kasaysayan niya sa Maalaal Mo Kaya. Tapos siya walang alam sa buhay mo. Hindi ka si Spiderman / Peter Parker na may itinatagong identity. Give and take lang yan.


TANDAAN ANG MGA BABAE MADALDAL


Walang masama sa dinner date alalahanin na ang mga babae ay talagang madaldal dahil sila mismo ayaw ka nilang maboring. Pero kung puro kain lang tapos uwi, parang binilhan mo lang siya ng lugaw. Maghanap ng konting adventure, ng sense of humour sa mga sinasabi at hindi yung panay tanong dito at tanong doon sa personal na buhay niya at wag din kadalasan ang topic ay panay sayo. Hindi ka lesson plan at hindi ka rin surprise quiz na dapat alam namin. Subukan mo ang yayain siya mag-kape tapos lakad sa park? Food trip? Arcade? Karaoke kung gusto mong ibulgar ang boses mo.


MAG FOLLOW UP. DON'T DISAPPEAR LIKE NINJA


Kung ayaw mong i-ghost ka, wag kang maging multo rin after ng date.


Text mo siya pagkauwi. “Ingat ka, salamat sa oras mo.” Short and sweet. Para di ka makalimutan. Pero wag din OA. Hindi yung may 37 messages ka agad kinabukasan. Tandaan na kahit sino ay madaling mabwisit sa dami ng mensahe na matatanggap pagkagising ng umaga. Unang-una hindi ka message alert ng NDRMMC na may karapatan mag message sayo ng kahit anong oras. Paano kung nasa kasarapan pa siya ng kanyang tulog ay magigising mo siya ng mga message mo para itanong lang kung kumain na siya. Pake mo ba hawak mo ba ang sikmura niya?


MAGING GENTLEMAN SA LAHAT NG ORAS


Hindi mo kailangang gumastos ng isang buwang sweldo, pero yung simpleng gestures—like pagbukas ng pinto, pag-alok ng jacket kung nilalamig siya, paglagay ng inumin sa baso niya at hindi pagkuha ng ulam niya na walang paalam—ay malayo ang mararating ng simpleng date niyo sa ngayon.


IWASAN ANG MGA CORNY PICK UP LINES


"Are you a parking ticket? 'Cause you’ve got fine written all over you."


Brad kung ganyan ang mga linyahan ng sense of humour mo. Uwi ka na lang.


Kung magjo-joke ka, siguraduhing hindi siya lalagnatin sa cringe. Pero kung confident ka at nakuha mong patawanin siya kahit corny, go lang. Confidence + charm = lethal combination (sa puso niya, hindi sa sakit ng ulo).


Kung susundin mo ‘tong mga rules na ‘to, malaki ang chance mong hindi lang maka-second date, kundi baka matuloy pa sa relasyon. Tandaan: Ang babae, hindi sinusuyo ng pangako. Sinusuyo 'yan ng presence, effort, at tamang kiliti sa puso.


Kaya boys, good luck sa date n’yo. Huwag kayong kabahan. Tandaan n’yo lang: kung umorder siya ng milk tea na may pearls, baka gusto ka rin niya—kasi sweet na siya, mahilig pa sa pearls. Ibig sabihin... may chance ka, bro.

 
 
 

Comments


Join my mailing list

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page