Tuhog Pilipinas: "A Street Food Story from the 80s to Today”
- Jack Maico
- 11 hours ago
- 7 min read

Gusto ko lang umpisahan yung kwento na ito at sabihin na buti pa yung mga nagtitinda ng fishballs, squidballs at kikiam hindi nag-aaksaya ng boses sa pagsigaw ng kanilang mga nilalako ano kontra sa mga nagtitinda ng taho at balot na grave umeffort para lang mapansin sila ng kanilang mga parokyano pero wag ka habulin ang mga yan at sasama pa ang loob ni suki kung hindi ka tumigil sa harap ng bahay nila. Pero itong mga fishball vendor titigil lang sa isang kanto, animoy charmer ng mga tao na kusang lumalapit sa kanila para sa tuhugan at tusukan. Alam na alam ni manong fishball ang oras at tamang lokasyon niya para mapansin siya ng mga tao at lumapit para tumuhog. Ganito ang kaibahan sa kanila nila mamang taho at balot. Itong dalawang naglalako ay nomad at kailangang ikutin ang buong kalye para makabenta samantalang si manong fishball tumigil lang sa isang lokasyon katulad ng tapat ng eskuwelahan o tapat ng munisipyo ay tiba-tiba na agad sa benta.
Pero kaming mga lumaki sa 80's at 90's alam na namin basta alas-kwatro ng hapon ay mga baryang huhugutin sa aming mga bulsa at pitaka ay panahon na para makipag-tuhugan at tusukan party ng alas-kuwatro ng hapon sa common place ni manong sa kanto. Ang iba sa amin ay nagdadala pa ng mangkok para mas marami kaming mabili at pag-uwi mukbangan na. Yung isa naman ay meron din dalang maliit na mangkok para naman sa sauce ni manong. Ito talaga kasi yung highlight ng kasarapan dahil kung hindi masarap ang sauce ng fishballs mo, balewala rin ang lahat ng itinuhog namin.
Sa bawat kanto ng Pilipinas, lalo na sa Maynila, naroon ang makukulay na kariton ng kalsadang pagkain — ang simbolo ng kalye, kabataan, at kabusugan. Para sa mga batang 80s at 90s, ito ang tunog ng recess bell, ang aroma ng sa kahapunan, at ang lasa ng simpleng ligaya.
Filipino street food is more than just a meal — it's a memory, a culture, and a badge of local pride. From the old classics to modern creations.
Hindi mawawala sa tanawin ang kariton ng street food vendor. May pinturang kulay pula at dilaw, karaniwang yari sa kahoy ang cart, may gaas sa ilalim na nakapaloob sa isang kabinet. Ang lamesa sa harapan ay nahahati sa dalawang bahagi, ang isa ay para sa kalan at ang isang bahagi ay para sa mga botelya ng mga sauce ng fishball sauce na kinapapalooban ng sauce na maanghang, sauce na matamis at sauce na may katamtamang-anghang. Kadalasan may silver tray sa lamesa para duon nilalagay ang mga bagong hangong luto mula sa kumukulong mantika. Dito kumukuha ang mga suki kung ayaw nila maghintay sa bagong luto ni manong. Sa kaiton mayroong pole na nakatayo at nagsisilbing payong ni manong sa kainitan ng araw at para makasilong na rin ng bahagya ang kanyang mga suki habang naghihintay ng bagong lutong fishball, squidball, sliced hotdogs o di kaya ay kikiam. Sa pole din nakatali ang mga barbecue sticks na pangtuhog at mga plastic cups. Siyempre wala kang makikitang naka tuxedo na fishball vendor, karaniwan sila ay nakapang-bahay, simpleng sando o di kaya ay tshirt, shorts at karamihan ay naka sumbrero na humihithit ng yosi habang naghahalo ng kanyang mga niluluto gamit ang kanyang syanse at strainer. Hindi sila sumisigaw ng fishball o squidball dahil may matik na magnet si mamang fishball. Mga parokyano mismo ang lumalapit sa kanila sa pagtigil niya sa alam niyang maraming tao. Ganyan sila kaastig. Bentang benta talaga sa Pinoy ang ganitong uri ng streetfood.
Now let’s take a stroll down memory lane and revisit the legendary Filipino street foods — a mix of the old and the new, each with a flavor that defined our childhoods and continues to shape every Filipino sidewalk today.
Fishball – This is perhaps the king of all Filipino street foods. Made of flour and fish meat (often galunggong), these are flattened into small discs, deep-fried until golden brown, and skewered on a stick. It’s not complete without the signature sauce: sweet, spicy, or vinegar-based — sometimes mixed with chopped onions, chili, and even garlic. Sa mga batang '80s, paborito ito tuwing uwian, sabay tanong ng "Kuya, pa-halo pa!" para mas maraming balls ang makuha. Minsan ay nag-uunahan pa kayo sa pagtusok dun sa tustado. Mas masarap kasi crunchy tapos kapag kinagat mo yung sukang sinawsaw mo ay magwawater sa bibig mo. Parang gusto ko tuloy mag-fishballs habang isinusulat ko to.
Kwek-Kwek - These are quail eggs coated in bright orange batter and deep-fried to a crisp. It’s crunchy on the outside, creamy on the inside. Minsan, sinasawsaw ito sa suka na may pipino at sili. It’s both playful and filling — something that fills your hands and your gut after school. Minsan humihiwalay yung orange coating dun sa itlog tapos yung dilaw ng itlog sumasama dun sa sabaw ng suka sa mangkok mo or kaya sa plastic cups mo. Iniinom ko yan kadalasan. Sarap ng topic ngayon ah.
Tokneneng – A larger version of kwek-kwek using chicken or duck eggs. Same crunchy coating, heavier bite. Para sa mas "grown-up" street food eaters. Hanggang kwek-kwek lang, kasi kapag tokneneng na ang usapan kapalit niyan high blood pressire at dapat lagi kang may kargang Catapress o di kaya ay Losartan. Huwag kalimutan ang moderation kahit gaano kasarap ang tokneneng mo.
Isaw – Grilled chicken or pork intestines marinated in a special soy-vinegar sauce. After boiling to clean, it's skewered and chargrilled to smoky perfection. Maalat, medyo mapait, pero ubod ng sarap lalo na kapag tinernohan ng malamig na softdrinks. Ay dito, I was never a fan of this kind of skewer, ayaw ko kasi ng may mapait na malalasahan. May poop daw kasi minsan sa intestine pero it depends, kasi may kanya-kanya tayong panlasa.
Betamax, Adidas, Helmet – These are not electronics or sportswear. These are grilled blood cubes (Betamax), chicken feet (Adidas), and chicken heads (Helmet). Each with its chewy, earthy flavors — not for the faint of heart, but adored by many. Again, not a fan of extreme skewers.
Taho – A sweet morning treat sold by men shouting “Tahoooo!” carrying aluminum buckets. It’s soft silken tofu, topped with arnibal (caramelized brown sugar syrup) and sago (tapioca pearls). This warm, sweet comfort food is often the first thing a kid tastes before going to school. Buti pa si mamang taho hinahabol di ba? kahit pupungas pungas ka pa sa umaga marinig lang ang sigaw ni mamang taho at natataranta ka na at nagkakaugaga sa paghahanap ng tasa at barya mo bago siya lumampas ng bahay niyo. Kasi alam mong one-trip lang si manong at malamang hindi na siya makabalik ng kalye niyo dahil paniguradong mauubos ang kanyang nilalakong taho.
Balut – The infamous fertilized duck egg, 16 to 21 days old, steamed and eaten with salt or vinegar. Foreign vloggers love (and fear) this delicacy. The broth is savory, the yolk is rich, and the developing embryo, well, crunchy. Love it or not, it’s uniquely Pinoy. Ang gusto ko lang dito ay yung mainit na sabaw. Hindi rin ako fan ng balut. Ito ay kabilang sa extreme street food na iniiwasan ng aking panlasa. Baka mas Pinoy pa nga ang foreign vlogger sa akin dahil nagugustuhan nila ang lasa at texture ng balot.
Turon – Saba banana wrapped in lumpia wrapper, with sugar sometimes caramelized into a crackly shell. Minsan may langka sa loob. This sweet street snack is a golden memory of recess or merienda sa kanto.
Banana cue – Deep-fried caramelized saba on a stick. Sweet, slightly smoky from the burnt sugar. Tumatak sa dila at puso ng batang 80s. Bigla ko naalala si Aling Inday na laging nagtitinda ng banana cue sa amin sa kanto.
Camote cue – Same as banana cue, pero camote (sweet potato) ang bida. Matigas-tigas, pero satisfying. A crunchy, sugary armor hides the soft camote inside. One of my favorite merienda bukod sa mga tusok-tusok.
Dirty Ice Cream (Sorbetes) – This isn’t dirty, but it’s the Pinoy term for street ice cream sold in colorful carts. Flavors like cheese, ube, and chocolate swirl in thin cones or pan de sal. The bell’s clang? It’s a childhood symphony. Kapanahunan din ng Selecta Ice Cream na tumatak din sa isip ko yung recorded na tunog ng kanilang kalembang. Malayo pa lang ay dinig mo na sila habang yung mga alaga mong aso ay sinasabayan yung type ng kalembang nila sa pag-ungol.
Mais (Boiled or Grilled Corn) – Often sold with margarine and cheese powder, this snack is simple but hearty. Masarap kahit basa ng ulan ang kalsada. Nag evolved na ito ngayon sa cheese corn na may kasamang creamy butter.
Tuyong Mangga at Sampalok (Elementary Days) – Vendors near schools used to sell these sour delights wrapped in plastic. The intense tamarind kick or salty green mango powder was addictively painful and pleasurable. Not for me, kasi ayaw ko ng maasim hehe.
Cheese sticks – Deep-fried cheese in a lumpia wrapper. Crunchy, gooey, cheesy — pambansang baon o recess snack. Nag evolved din ito at naging dynamite. Pinaanghang na cheeseticks na may giniling na ibinalot sa long green chili peppers na ibinalot naman sa lumpia wrapper. Malutong, cheesy, malinamnam, at maanghang to the highest level
Tusok-Tusok Innovations (Recent years) – Today’s generation has seen Korean-inspired cheese corn dogs, flavored siomai, takoyaki, and even budget-friendly ramen or egg drops sold by kariton or pop-up stalls. There’s also dynamite (lumpia wrapper with chili and cheese), hot dogs on sticks with marshmallows, and even street shawarma. The carts have evolved — some with LED lights and Bluetooth speakers — but the essence remains: masarap, mura, at para sa masa.
Bakit nga ba mahal na mahal ng Pinoy ang street food? Because it's sulit, it’s everywhere, and it captures the soul of everyday life. From elementary kids with twenty pesos to jeepney drivers taking a break, to office workers needing a quick bite, street food has become part of our daily rhythm. It’s communal, affordable, and cooked right in front of you — walang pretensyon, puro lasa.
At bakit gustong-gusto ito ng mga banyagang vloggers? Because Filipino street food is not just about taste — it’s an experience. They are drawn to the sizzling sounds, the smoky scents of grilling isaw, the chaotic joy of dipping fishballs in communal sauces, and the thrill of tasting balut for the first time. They love the stories behind each dish, the grit and warmth of every vendor and the people around them, and the surprise of discovering something new in every bite.
Filipino street food is more than just a way to fill your stomach — it’s a bridge to your childhood, a memory of simpler times. It’s laughter shared with barkada after school, it’s the comfort food after a long day, it’s part of who we are. Whether it's an old kariton in Tondo or a neon-lit cart in BGC, Filipino street food lives on — in every tusok, every higop ng taho, at bawat subo ng turon.
Para sa lahat ng batang 80s, ito ang tunay na fast food. At kahit anong mangyari, babalik at babalik ka sa kalsada — para lang matikman ulit ang sarap ng pagiging batang Pinoy. Ano pang hinihintay niyo 4:30 na, TUHOG na!!
Comments