top of page
Search

Laglagan

  • Writer: Jack Maico
    Jack Maico
  • Apr 5
  • 6 min read

Natae sa school, anyone?


At dahil hindi naman lahat ay nakakakilala sa akin ng personal, naisip ko lang na ilaglag ang sarili ko sa blog post na ito. Tutal in the end wala sila pakialam kung mabasa nila ito. Yung iba kilala niyo na naman halos ang buong pagkatao ko, at malamang nabasa na ninyo halos lahat ng ililista ko. Isang bagsakan na lang, ilalaglag ko na ang sarili ko dito.


Consider niyo na lang ako na isang vlogger na wala na o naubusan na ng content creation at kasalukuyang binabatikos sa social media sa isang napakawalang kwentang content.


  • Noong bata ako sa lugar namin mayroong Petron gas station sa kanto ng aming kalsada, sa tuwing bumibili ng Coke ang mga pinsan ko kinukuha nila bote na walang laman at nagpupunta sa kanto. Nagugulat ako kasi paguwi nila may laman na yung bote akala ko duon sila nagpaparefill sa gas station. Musmos thinking.

  • Isa akong kangkarot kapag inuutusan na bumili ng mga rekadong ipanluluto nila para sa tanghalian. Kangkarot kasi di ko rin maisip na bakit lagi akong tumatakbo papunta sa tindahan ni Aling Meding sa looban at babalik uli sa bahay na kumakaripas ng takbo. Siguro iniisip ng kapitbahay na lagi akong natatae o baka nanonood ng cartoons at laging kumakaripas para hindi ito mamiss.

  • Ayaw na ayaw ko ng HR na buntis kapag mag-aapply sa trabaho. Mukhang nagkaphobia ako nung nag-apply ako early 2000's bilang data encoder sa Las Pinas. Shet, final interview na yun, medyo nag-grammatical error ata ako pag Ingles at nagkabulul-bulol mukhang iritado si mam Buntis sa ganoon kasi kita ko yung kunot ng noo niya. Sabi ko sayang, pagkalipas ng dalawang linggo hindi na ako tinawagan kung maoonboard ba ko or hindi. Unang successful job hunting sana.

  • Camfrog days was my social media back then. Marami akong kaibigan sa likod ng webcam ng Camfrog. Nakakakuha ako ng maraming pang text na load dahil sa mga trivia games ng aming chatroom. Camfrog and Yahoo messenger was my thing back then kung saan may trivia or name that tune (title guessing of the song playing) game lang. Unahan lang yun maitype sa screen pero lugi ka kung lag ang Internet speed mo during that days. Nalilibang ka na marami ka pang kaibigan.

  • I almost committed an accidental crime when I was in Grade 4. Nasa 3rd floor ang room namin at nagkataon na mainit that time bale walang teacher naghihintay pa sa susunod na subject. Nakasarado yung glass panel kaya mainit, when I tried to push it back to open it, putangina yung whole window slides down on its frame. Nanginig ako sa takot ang lakas kasi ng impact sa baba at durog yung mga salamin. Masama pa nito kung may tinamaan, mas dumoble ang takot ko kasi mga kindergarten ang nasa ground floor namin at marami rin nagdaraanan. I'm lucky enough na walang dumaan nung nahulog yung salamin nung bintana.

  • Back in Multinational Gillage sa Paranaque (gilid-gilid barangay lang) kasi mga mayayaman ang nakatira dito saling pusa lang yung barangay namin na nasa loob ng village. Lagi ako nagbabasketball noon gigising ako ng umaga para pumunta sa basketball court ng village kasi yun ang time na walang naglalaro, papawis muna bago pumasok ng school sa Manila. Maglalakad ako siguro ng 10 minutes papunta sa court nagkataon naman na may mga aso sa isang kalyeng daraanan ko. Hinabol ako ng mga putragis, karipas ako ng takbo kasi alam mong hindi sila nagbibiro at handang lumapa ng tao. Naiwan ko yung bola ko at pasalamat na lang na nakaabot ako ng pagtakbo hanggang sa safe zone ng basketball court. Nakatulong din pala dati yung pagtakbo-takbo ko dati sa pag-utos sa akiin sa tindahan ni Aling Meding.

  • Tuwing alas-kwatro ng hapon sa musmos na kabataan, umaakyat kami ng mga pinsan ko at kapatid ko sa mataas na bintana ng kwarto namin para dumungaw at manitsit ng mga dumadaan sabay tago. Ganyan ang buhay ng wala pang cellphone at Internet. Diyan ka rin sa boring era na matututo ng pen-pen de sarapen, pitik-bulag, saw-saw suka at monkey Anabel.



Rivermaya - Bring Me Down


  • Eto nakakahiya pero lapag natin lol. Nag-aral ako sa Catholic school and this is the time of Month of the Holy Rosary, sa Values Ed namin we are advised to pray the Holy Rosary. Ako kasi yung hanggat kaya pa hindi ako magsasalita. Nakaluhod na lahat eh at umpisa na, paumpisa pa lang ng 2nd mystery nag mystery na rin ang pantog ko at naiihi na ako tingin ko naman na nasa easy level palang ako ng pagpigil kaya ayos lang. Kaso di ko na kinaya nung nasa Hail Holy Queen na, dumanak na ang orange juice sa khaki pants ko, tangina tagos tagusan sa pantalon at basang basa ako. Wet na wet at kinailangan talagang i-map ang sahig. Kinabukasan hindi ako pumasok sa kahihiyan,

  • Para magpa-impress sa mga kaibigan ko noon, sinasabi ko na kapitbahay namin sila Gretchen Baretto at Claudine Barreto. Mula kasi doon sa bintana na pinagsisitsitan namin kita ang bakuran ng napakalaking bahay, may bahay pala ang mga Barreto doon at nakikita namin sila tuwing bumibisita. Pero wala naman pakialam yung mga kaibigan ko kasi lagi rin nila nakikita si Katya Santos sa school namin, schoolmate kasi namin si Katya lamang lang kami ng isang taon kung 4th year high school na kami siya 3rd year. Nauna lang kami grumaduate.

  • Meron din akong istoryang natae sa school pero lahat naman ata tayo dumaan sa ganitong sitwasyon pero yung akin mas nakakadiri kasi makalat. Kaya skip na natin to.

  • Gustong gusto ko magpagupit noon kay Mang Inciong kung claustrophobic ka ayaw mo magpagupit dito lagi ko nasasalat ang maselang bahagi ng katawan niya kasi parang nasa isang box lang kayo pero hindi yun yung dahil bakit ko gusto magpagupit sa kanya. Kasi marami siyang kalendaryong hubo sa bong claustrophobic room na yun at sa tingin ko dito ako nagiging mulat sa aking mga sexual "understandings" lol

  • Noong lumipat kami sa Paranaque pagkagraduate ko ng high school sa Manila nagkaroon kami ng telepono, bale first time pero modern na yung pinipindot na kapag nagda-dial hindi yung iniikot at iniistrongka pa. Na miss ko yung ultimate crush ko nung high school natandaan ko sa yearbook yung contact number ng bahay nila. Dinial ko yung number at mukhang narinig ko nga ang malamyos niyang tinig at binaba ko yung telepono. Kinilig. Nangisay. Kung mababasa mo to sabi nga ni Olenna Tyrell ng Game of Thrones, "I want you to know, it was me."

  • Nasampal ako ng titser sa klase. Oo kaya may phobia talaga ako sa buntis. Hindi ko lang nasagot yung mathematical equation sa blackboard at sinabi kong "hindi ko po talaga alam sagot". Honesto ka na nakatikim ka pa ng sampal. Ano to Squid game, mam? Ayun ang ending sinugod siya ni nanay kasi itong mga nyetang kaklase ko kinuwento pa sa nanay ko. Ililihim ko na nga lang sana, ayun sorry tuloy si teacher sa harap ng principal. P.S. Ayoko rin talaga ng Math.

  • Nag-aral ako ng college sa St Mark of Cavite yung tapat ng SM Bacoor. Marami kami time na bakante, pwede ako umuwi ng bahay pero sa sobrang init nagpapalamig kami ng mga kaibigan ko sa mall. Halos dalawa o tatlong oras din kasi ang pagitan para sa susunod na subject. Isang araw absent yung mga kaibigan ko. Ayoko naman umuwi kaya naisipan ko na lang manood ng sine. Pinanood ko mag isa yung "Night of the Living Dead", nakakatakot para manood ng ikaw lang. Nasa gitna na ako ng may tumabi sa akin, hindi ko naman siya nilingon at di ko rin naman makikita kasi nga madilim. Maya-maya nagsalita siya tinanong niya ako kung ako lang daw ba mag-isa sabi ko "oo" na may alintangan kung sasagutin ko ba to. Sumunod na tanong niya, "gusto mo ba?" ay pota alam ko na, kasi bading pala si koya. Umalis na lang ako kasi natakot din ako baka ako ang makain ng zombading.


Tama na muna to para part 1. Wala na talaga akong kahihiyan. Pero, nakakahiya man, lahat yan kailangan pagdaanan para makarating kung nasaan tayo ngayon. Kung alam niyo lang kung gaano kataas ang balahibo ko habang sinusulat ang post na ito. Wala na ata akong maipamumukha dito.


Kayo naman, baka may ilalaglag kayo sa sarili niyo?

 
 
 

Comentários


Join my mailing list

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page