Sampung Aral na Hatid ng Pagkabigo
- Jack Maico
- Feb 12, 2024
- 1 min read
Updated: Jan 16

Laging may hatid na kalungkutan ang bawat umagang paggising. Pighati sa pagdalaw niya sa panaginip hanggang sa riyalidad pagkabukas ng mga magang matang mugto. Mag-aalmusal ka ng pighati at iikot ang araw na siya ang laman ng isipan dala ang pag-asa.
Mapapansin mong lagi kang naliligalig. Mamarka sa isipan na walang "ikaw at ako" na habang buhay.
Titigil ang lahat, Tatahimik ang mundo mo pero ang mundo sa isipan ay magulo. Hihinto ka at hindi na maghahanap
Babalik ka sa una, pangalawa at pangatlo. Muli kang aasa.
Magsisisi at mararamdaman sa sarili na hindi ka sapat. Sa inyong dalawa, hindi ka tumantiya, hindi ka nanukat. Ibinigay mo ang lahat ngunit hindi ka pa rin sapat.
Masasanay ka sa sakit. Sariwa man ang sugat ngunit dahan-dahan kang uusad kahit ramdam pa ang talim na nakabaon pa sa puso.
Unti-unti mong malalaman na ang pag ibig ay hindi lang pagmamahalan ito rin ay galit.
Matatapos ang lahat
Makikita mo ang sarili sa hangganan ng galit at poot.
Magsasara ang mga pahina at magkakaroon muli ng bagong simula sa wakas.
Comentarios