top of page
Search

Siklistang Gala: A Trip to Downtown Quiapo

  • Writer: Jack Maico
    Jack Maico
  • Jan 8, 2024
  • 6 min read

Updated: Jan 8, 2024


Quiapo ay mystical, exotic at beautiful, it will be part of Filipino's life, as it is a part of mine


Gala! Lakwatsa! Stokwa! yan ang buhay ko pagkatapos ng aking major operation sa aking puso noong 2019. Ito ang isa sa pinakamalaking pasasalamat ko sa Panginoong Diyos ang pagbalik niya ng sigla sa aking buhay sa panahon ng kadiliman ng aking buhay na akala ko ay wala nang pag-asa pero itoy nagbago lahat.


Sa bisikleta ko naranasan at natutunan ang mga bagay na magpapalakas lalo ng aking pananampalataya at determinasyon. Naranasan kong muli ang maglakwatsa sa oras ng ako'y libre. Sa totoo lang hindi masama ang pagagala nakakadagdag impormasyon o kaalaman pa nga ito sa mga manlalakbay dahil nakakapag explore sila sa isang lugar at marami silang nadidiskubra tungkol dito. Laki akong Maynila, pero habang tumatanda hindi kami masyadong umaalis ng bahay o namamasyal. Pasyal na sa amin yung dadalhin kami sa simbahan at bwenas kung makapag Jollibee tuwing Linggo pagkatapos ng simba.



Pero let's go downtown to the main course ika nga, Naranasan mo na bang mag travel mag-isa? Naka-ikot ka na ba sa mga lugar na di mo pa napupuntahan? Natakot ka bang hindi ka na makabalik at maligaw? Dyahe naman kung magiiwan ka ng tracks o marks para hindi ka maligaw noh ang alam ko kasi sa mga masukal na gubat lang yun ginagawa. Hindi naman jungle ang lungsod pero maraming tao dito na asal hayup. Mag-iingat ka nga lang lalo na sa mga buwitre at buwaya sa sulok-sulok ng Kamaynilaan.


Bago pa man maitapon sa Kabite, nagtagal ako ng labing-siyam na taon sa Maynila, tatlong taon sa Paranaque at kasalukuyan nasa Cavite. Sa lahat ng lugar na napuntahan pinaka the best ang pagtigil sa Maynila sa San Andres, Bukid. My lifetime of gala never ended in Manila especially teenage days kung saan mapusok, walang takot, complete energy from A to Zinc, wala kaming pakialam sa oras sa kapanahunan nila Maskman, Bioman at Ultraman actually sa kanila ako nakakakuha ng lakas ng loob. Isa sa mga famous destinations ko ang mall sa Harrison Plaza sa Taft, Quad sa Makati, SM City Manila, mawawala ba ang Luneta Park, Manila Zoo, Paraiso ng kabataan na kapitbahay lang ng Manila Zoo na ngayon ay naging Paraiso na ng Rugby boys at kung ano-ano pang  masasamang elemento, sa Cultural Center kung saan masarap magpagulong gulong dun sa arkitekto ng building na may slide na daanan sa kaliwa at kanan, makipag badminton sa taong-grasa kapag walang makalaban, actually PE days nung hayskul kapag di ko trip ang mag PE gagala lang ako sa likod ng cultural center at maghahanap ng kalaro hanggang sa matyempuhan ang isang taong-grasa na full battle gear makipag tennis. Pero higit sa lahat na napuntahan ang pinaka gusto ko at binalik balikan sa aking pagbibisekleta ngayon ay ang Downtown Quiapo!



Sandwich - Manila


Pure heart Manileno na may pusong Mexican dahil sinapian ko ng espiritu ni Dora the Explorer sa paglalakwatsa. Quiapo is usually portrayed and identified as one of the notorious districts of Manila. Sa lahat naman ng lugar ang lahat ay mayroong dark elements, dark past. Naging pugad ito ng mga snatchers, naging playground ng mga Magdalena at minsan na ring naging trading places ng droga, adik at mga halang ang bituka. Pero lahat ng yan binalewala ko, musmos na teens pa lang naman ako nun eh kaya hindi nila ako aanuhin at halata naman sa muka ko na walang yaman sa aking ngiti at alam nilang mahirap lang akong kabataan na mahilig lang sa good times. Proud pa nga yang mga yan eh kasi naka uniporme ka ng pang-eskuwela alam nilang di ka pumapasok at nagcucutting classes ka lang. Gusto nilang bad ka diba? Gusto nila, rock on and join the forces  of evil empire.


Pero despite the obscene scene in Quiapo, you have to open your eyes and see the beauty, wag lang lahat masama. Good is always present in every evil crib. God's goodness is everywhere and it can never be defeated. All evil forces are vanquished with God's mighty presence.


Kung merong lugar na kumpletos rekados na matatawag wala ng iba kung di QUIAPO! Just feel the vibes and blend in. Quiapo is beautiful. Marahil sa Quaipo makikita yung iba't-ibang paniniwala at relihiyon kung saan ang Kristiyano at Muslim ay magkasama sa isang lugar. Pero ang pinaka puso ng lungsod ay ang Minor Basilica of Nazarene or simply the Quiapo Church isa sa pinakamatandang simbahan at pinaka popular sa Pilipinas at dahil na rin sa imahe at nagmimirakulong Poong Mahal na Itim na Nazareno. Kada ika-siyam ng Enero ang kapistahan, kung saan  lahat ng deboto ay magsasama-sama bilang taunang prusisyon. Lalake, babae, bata matanda may ipin o wala may social status, at may propesyon, artista o mambabatas ay sumasali sa prusisyon umaasang makahawak sa Poon sa animoy karagatan ng tao, kailangan makalapit ka at maipahid mo ang dalang bimpo sa katawan ng Poon. For whatever prayer, purpose, belief or wish ang lahat ng deboto ay winawagayway ang kanilang panyo habang kumakanta ng "Nuestro Padre Jesus Nazareno" paulit-ulit. Kapag nakapahid ka sa katawan, krus o paa ng Poon maari kang mag-wish pero sasamahan mo siyempre ng dasal para dinggin ka ng Poon at iyon ay matutupad ng naaayon pa rin naman sa kanyang kagustuhan. At naroon ako last year:






Pagdating naman sa foodtrip, marami talagang mabibili sa Quiapo. Pero hinding-hindi ko makakalimutan noong bata ako, tuwing pagkagaling namin ng simba ni nanay across the street andun ang Jollibee. Nasa kabilang kalsada pa kayo ay totoo ngang "langhap-sarap". Masasabi kong espesyal ang Jollibee branch dito sa Quiapo dahil sa pagkatagal na ng panahon andun pa rin sila, walang nagbago at tuloy ang serbisyo. Sa tuwing makikita ko ang Jollibee na yun naaalala ko ang kabataan at kamusmusan. Kumpleto rin ang street foods the haven of a poorman's meal ika nga pero walang akong pakealam dahil masarap, nariyan ang fishballs, squidballs, hotdogs, iskrambol, samalameg, palameg, betamax, tenga ng baboy, paa ng manok o adidas, instant fried chicken deep fried, sago-gulaman on the side, balot-penoy, chicharon, puto, kutsinta, palabok, mahablanca, pitchi-pitchi, siopao, donut, siomai at ang special kalamay sa streets ng Carriedo. Ilista mo na rin yung mga Chinese food house na nagbebenta naman ng mami, ramen at iba pa. Nariyan rin siyempre ang mga tropang silog, tapsi, longsi, hotsi, tosi, malingsi, porksi at marami pang kung-anu-anong "si" na hindi mo pa natitikman. Kumpleto rin dahil merong hardware, drugstore, convenient store, palengke, ukay-ukay, bilihan ng CD/DVD players, barberya, school supplies, auto supplies, books, pocketbooks, old komiks, bags, shoes, gift items, fruits, plants and other novelty items, lahat meron in very affordable prices!





Sa aking pag-ride gamit ang aking bisekleta ang binabalik-balikan ko ay ang famous Special Palabok ni Tisoy at ang Jolly Dada Eatery na matatagpuan sa ilalim ng Quezon Bridge. Sulit at napakasarap busog ka na sa isang servings sapagkat maraming laman nariyan ang noodle na makapal o manipis pwede kang pumili, ang malinamnam na sauce ng palabok, ang itlog sa palabok, ang lamang pork at mawawala ba ang crunchy chicharon namay kasama pang taba. Pero sa mga may heart condition na tulad ko siyempre iiwas tayo diyan kaya ang nilantakan ko lang ay yung itlog, noodles at sauce at paunti-unting chicharon minus the taba.


Try also walking around tutal gala ka na rin lang eh and know the streets and what they offer as a service, Lakad ka ng Evangelista and Paterno streets kung gusto mo ng optical stores; photo and camera shops sa bandang Padre Gomez at Hidalgo; native handicrafts under the Quezon Bridge, wet market ng Quinta for fresh seafoods; electronic gadgets and computer shops in Gonzalo Puyat ito yung "RAON" na tinatawag; Sports and music equipments in Sales street; mga anting-anting, stones, charms, feng shui artifacts, herbal medicines, herbal oils, Saint figurines, pamparegla around the Quiapo Church at ang mga pirated DVD,CD's and VCD's sa Elizondo!


Yan ang Quiapo, notorious, filthy and chaotic pero sabi ko nga kanina "kindly open your eyes, try to see beyond what you can see, feel the vibes and blend in, you will see the beauty of it and you will never look at the place the same way again." Despite of the negative images and chaotic scenes everyday still there are treasures we often overlooked and neglected.


Puwede ka sumang-ayon o hindi pero sa isang banda bilang lakwatsero ng kabataan ko, at siklista ng katandaan ko, marami akong natutunan  sa lugar na ito at lubos rin ang pasasalamat ko sa Poong Nazareno dahil pinanata ako ni nanay sa kanya nung kamusmusan na lagi akong nagkakasakit at kadalasang bisita ng ospital, minsan na nga raw akong nilagyan ng tubo sa ulo kaya siguro lumaki akong siraulo. Pero ayos lang kontrolado naman lahat ng bagay at lumaki naman tayo ng maayos. Pinakahuling salita, ang Quiapo ay mystical, exotic at beautiful, it will be part of Filipino's life, as it is a part of mine, habambuhay.


 
 
 

Comments


Join my mailing list

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page