These Dreams
- Jack Maico
- Jan 11, 2024
- 2 min read

Pababa na ang araw sa Laoag City nang simula na ulit lumarga ang ating bus. Malamig na ang klima sa stop over kanina at tila nagsawa na ang kundoktor sa kakapanood ng mga DVD kaya naman sinubukan niyang magpatugtog ng mga kanta. Natyempo naman patugtugin ang kantang "These Dreams" ng bandang heart. Bilang isang music lover nakakagiliw panoorin ang palubog na araw sa aking bintana habang pinaglalaruan ang aking damdamin ng kantang tumutugtog.
There's something out there I can't resist ♫
♫ I need to hide away from the pain
There's something out there I can't resist ♫
Patapos na ang kanta.
There's something out there I can't resist ♫
Nagkukuwento ka sa akin ngayon ng mga ginawa niyo ng karelasyon mo sa City of Pines noong Disyembre. Napakaromantikong lugar nga naman ng Baguio para hindi makaramdam ng pag-ibig sa isa't-isa. Nakikinig lang ako. Sumasangayon sa'yo sa pamamagitan ng aking marahan na pagtango. Sumusulyap sa bintana, sa iyong mukha kapag hindi nababaling ang iyong mga mata sa akin.
"Ang saya nga noon eh". Namimiss mo na siya ang sabi mo.
Habang nagkukuwento ka ng masasayang kuwento parang humaba ang biyahe mula Laoag City patungong Pagudpud ng mga oras na yun. Para akong ice cream na nalulusaw. Humina ang aircon biglang uminit ang aking pakiramdam. Gusto ko nang bumaba. Lahat ng salita ang kapalit sa akin ay pagtagos sa aking puso.
Heart - These Dreams
"Bakit nga ba hindi tayo nagkita noong nasa Baguio ako?" ang tanong mo. Nginitian lang kita.
"Mayroon ka naman kasama na" ang sagot ko.
Napatigil ka. Nawalan ng sigla mo sa pagkukuwento. Tumingin muli ako sa bintana. Tumingin ka naman sa bintana ng kabilang aisle. Maya-maya pa ay nakatulog ka na.
Nagmamasid ako king paanong mabilis na lumilipas ang lahat ng mga nadadaanan ng bus, mukhang ganoon rin kabilis ang panahon. Naiiwan, nahuhuli na yata ako.
Naramdaman kong muli ang paglakas ng aircon. Lumamig muli para sa akin ang loob ng bus. Nahuhuli ako katulad ng distansya ng Laoag at Pagudpud ang ating pagitan kahit katabi lamang kita.
These dreams go on when I close my eyes ♫
Comments